ORDINARYO lang talaga, ha? God, how dare him. Talaga na sinabi pa nito sa kanya na marami na itong nadalang babae sa bahay nito. Anong gustong sabihin nito? Was he implying that she's not attractive enough? Pinapalabas nitong hindi kagandahan ang katawan niya? She checked herself on the mirror. Tinitigan niya ang sarili doon ng matagal. Hinanap ang sinasabi nitong ordinaryong pangangatawan.
Nakakairita! Oo na, tanggap niyang nareject siya. Pang-aakit failed. Mukhang hindi talaga siya pang-kontrabida. Hindi siya papasang pang-malandi role. Why? Bigay todo na nga yong kalandian niya kanina. Hindi ito bumigay sa kanya.
And that's okay. She should be grateful. It's his loss, anyway! Pero kailangan talaga sabihin na pang-ordinaryo lang siya? Her jaw clenched. Iyon ba ang rason kaya siya ipinagpalit ni Lon? Kaya nito pinatos ang kapatid niya? Because she's just ordinary?
She inhaled sharply.
Bumaba na siya sa kusina. Nasa hagdan pa lang siya naririnig na niya ang paghahain nito. Napataas ang kilay ni Gel. Infairness. The guy's really caring. Wala siyang masabi sa pagiging good samaritan nito.
Sa sobrang good samaritan, tinulungan ka rin niya makaraos kanina sa ibabaw ng kabayo. Magaleng.
She cursed in her mind. Kung ano man ang nangyari kanina, that's because she's reckless. But she doesn't want to regret that.
Nagtama ang mata nila ni Kaleb nang pumasok na siya kusina. May nakahain na nga doon na mga pagkain. Napansin niya ang paraan ng pagkaka-present ng foods.
"Chef ka ba?" tanong niya sa lalaki.
"Minsan." Ngumiti ito at ipinaghila siya ng upuan. "Tara, kumain ka na."
Nakakapagduda talaga ang pagiging gentleman nito. Pero komportable naman siya. Hindi siya madaling magtiwala sa tao. Marunong lang siya kumilatis sa personalidad ng isa.
"Paanong minsan?" tanong niya habang nakatitig dito.
"Minsan chef, minsan hindi."
"You mean, alam mo talaga kung paano magluto?"
Nawala ang ngiti sa labi nito. "Bakit parang wala kang tiwala? Nakakain yan."
Sinulyapan niya ang mga niluto nito. "Hindi sasakit ang tiyan ko?"
He frowned at her.
"Sorry. Trust issues."
"I get it. But don't worry about the food. Safe kainin 'yan." seryosong sabi nito.
"I'm just kidding."
"Parang hindi naman." Umangat ang sulok ng labi nito. Pagkatapos ay kinuha ang kutsara at tinikman ang butternut squash soup. Nahuli niya ang ngiting gumuhit sa labi nito. "Sarap."
Mas masarap ako d'yan.
Napatuwid siya ng tayo. Hindi na naman niya gusto ang tumatakbo sa kanyang utak. She didn't know what happened to her. Alam niya gwapo talaga ang lalaking kasama ngayon. Pero kakaiba 'yong atraksyong nararamdaman niya dito. The level of sexual tensyon was high. This is really insane. Iniisip na lang niya na kaya niya nararamdaman iyon ay dahil gusto niyang ibalik kay Lon ang ginawa nito sa kanya. Gusto niya ng panakip-butas.
Fuck her. Hindi siya gagamit ng iba para lang pagtakpan ang pagiging miserable niya. But she's also that someone who want to taste this hot guy infront of her. Ang gulo!
"Bakit hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo? You should try the squash soup. It's really good."
"Nag-angat ng sariling bangko?"
Nginisian lang siya nito. Napahawak siya sa hita niya, napakapit doon. May mas gagwapo pa ba sa ngisi nito? Kagigil ka.
"C'mon, tikman mo na." pagpupush nito sa kanya. Baka naman sabihin nito nag-iinarte siya kaya sinubukan niyang tikman ang soup na ginawa nito.

BINABASA MO ANG
TEMPTATION ISLAND: Hot Encounter
General Fiction"You're invited to Temptation Island."