Chapter Forty

604K 14.5K 1.1K
                                    


 HINDI alam ni Gel kung anong oras na 'yon. Ngunit nagising siya nang maramdaman niyang nag-iisa na lang siya sa kama. Nakaramdam siya ng panic.

Nasaan na si Kal?

Maingat na bumangon siya sa kama. Pagkatapos ay nagsuot siya ng roba. Malamang ay nasa labas lang ng cabin ang binata at nagpapahangin. Nang tumingin siya sa orasan, mag-aala una na.

Anong ginagawa sa labas ng binata sa ganoong oras?

Lumabas siya ng kwarto. Nakita niya ang binata na nakatayo sa terrace. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya nakikita ang mukha nito. Ngunit kita niya ang tensyon sa likod nito. Tila may malalim itong iniisip. Nakatitig sa kawalan ang lalaki kaya hindi na nito namalayan ang paglapit niya.

Nagulat pa ito nang makita siya. "Babe, bakit gising ka pa?"

"Ako dapat ang nagtatanong niyan sa 'yo." sabi niya, at agad dinugtungan. "Can't sleep?"

Tumango ito, seryoso ang anyo. Usually, hindi niya ito nakikitang ganoon na may malalim na iniisip. This time it was different. Alam niyang may mga bagay pa sa pagitan nila na kailangan nilang klaruhin. Alam niyang may kinalaman sa kanya ang ikinakaganoon ng binata.

"Is it about us?"

Lumingon sa kanya ang binata. "So there's still an us?" ngumiti ang mga mata nito sa tanong na 'yon.

"Bakit, tingin mo wala na? After what just happened?"

"Ikaw ang gustong humiwalay sa akin."

"Binabago mo ang usapan.."

"I'm not. Dahil tungkol naman talaga sa atin ang laman ng isip ko ngayon."

Lumamlam ang mga mata nito. Hindi niya alam kung bakit tila may kumirot sa puso niya sa lungkot na nababanaag niya sa mukha nito. Sa likod ng mapanuksong mata nito at mapang-akit na ngiti, nasilip niya ang itinatagong dilim sa mga 'yon.

She felt the pain, loneliness and darkness.

"Akala ko gusto mo pa rin na humiwalay sa akin."

"Kung gusto ko na talagang umalis, bakit sa tingin mo nandito pa ako?"

"Dahil natatakot ka na baka totohanin ko 'yung sinabi ko-- Na tanggalin ko ang mga empleyado nyo."

"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko inisip na baka totohanin mo 'yan. Ano bang alam ko sa itinatakbo ng isip mo?"

"You don't trust me, do you?"

"Pagkatapos ng mga nalaman ko.. I don't know if I could.. Can you blame me?"

Umiling ito pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa malayo. "Hindi kita masisisi kung mawala bigla ang tiwala mo sa akin. Pamilya mo pa rin sila. Alam kong pinagdududahan mo ang intensyon ko ngayon."

"Gusto ko lang malaman kung anong dahilan, Kal.. Ganoon ba kalaki ang galit mo sa pamilya ko? Ganoon ba kalaki ang kasalanan nila sa 'yo?"

"Do you really want to know the truth?"

"Oo. Dahil gusto kong maintindihan kita."

"They killed my parents."

Napasinghap siya. Kumabog ang kanyang dibdib. Ilang sandali siyang nawalan ng salita. Bumalik ang isip niya sa gabi na pumunta siya sa bahay ng ama at naririnig niya itong kausap ang step-mom niya.

".. matindi ang galit niya sa aming magkapatid dahil hanggang ngayon paniwala siya na kami ang dahilan sa pagkamatay ng mga magulang niya."

"T-Totoo ba?"

Nanginig ang mga tuhod niya. Itinaas niya ang mga mata sa kasama. At sa ilaw na nagmumula sa buwan, nakita niya ang muhi sa mukha nito.

TEMPTATION ISLAND: Hot EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon