Chapter Twenty Four

579K 11.2K 772
                                        


"I WANNA go there!"

"Seryoso ba, Gi?" Napabaling siya dito. Nagpaplano naman ito at sina Noah na magpunta sa zipline.

"Why not? We should try the zipline! Mag-jetski tayo!"

"Wait, wait--"

"Right." Sumang-ayon pa si Noah. "Madali lang naman ang pagpunta doon. And we still have more time. Two thirty pa lang."

Oh my God. Katatapos lang niya magbihis at galing sa buwis buhay na pagtalon mula sa cliff pababa sa tubig. Pinapangako niya hindi na niya uulitin 'yon. Akala niya katapusan na niya. She's not really an adventurous person. It's not just her thing. Iniimagine pa lang niya kung gaano kalalim ang tubig. Naku po. Kahit pa sabihin na naka-lifevest siya, it's a big no.

But Kaleb made her do it! Binulungan siya nito na hahalikan siya kapag naging killjoy siya. Iyon lang pala eh. Kaya syempre, nagpahalik na siya.

Syempre hindi! She jumped. Tuwang tuwa pa si Gigi. Ito ang may ideya noon eh.

"May takot ka ba sa matataas na lugar?" si Kal iyon. Nasa tabi na naman niya ito. Kahit na pilit niya itong iwasan, natatagpuan pa rin niya ito sa tabi niya. Hindi humiwalay sa kanya ang mga mata nito and that's making her uncomfortable. Nasa paligid lang si Gigi. Ayaw niyang makahalata ang pinsan niya sa kakaibang atensyon na ibinibigay sa kanya ng dati nitong nobyo.

"Gusto ko na lang magpahinga."

"Kung pagod ka na, pwede naman na ihatid na kita sa tinutuluyan nyo. Maiintindihan naman ng pinsan mo."

"Wait, wait!" Pinigilan niya ang akmang paglapit nito kina Gigi. "Anong sasabihin mo?"

"Sabihin ko na gusto mo na magpahinga at ihahatid na kita."

And then, what? Maiiwan siya kasama ito? Magkakasolo? No, thanks. She's still in her right mind as of the moment. Wala siya sa ilalim ng impluwensya para hayaan na naman ang sarili na matukso.

"Sasama na ako."

"What? Akala ko ba--"

"Hindi ako papayag na may mangyari ulit sa atin no," angil niya.

His lips parted. Kapagkuwan ay tiningnan siya ng may pagyayabang. "You know we both wanted it. I didn't force you. You want me as much as I want you. Don't act as if I'm the only who wanted it."

"Well, let me remind you that it's you who keeps on seducing me."

"Oh, then it's really working." Parang naka-jackpot ang naging ngisi ni Kaleb.

Pakiwari niya ay namula pati talampakan niya. Sabi nga nila, nahuhuli ang isda sa sariling bibig. Sa kaso niya, parang inamin na rin niya sa binata ang totoo.

"Ihahatid na kita kung pagod ka na."

Umiling siya. "Hindi na. Sasama na ako."

"Wag ka mag-alala. Hindi kita iuuwi sa cabin ko kung 'yon ang nasa isip mo."

"Hindi naman umaabot sa ganoon ang imahinasyon ko."

"Saan pala? Wag naman sana sa bitin na sandali ulit."

Ngali-ngali na niyang sungalngalin ito. "Nakakaasar ka rin talaga no?"

He chuckled. "I really like it when you're blushing."

"Dahil naaasar na ako sa 'yo."

"O baka dahil naaalala mo pa rin. Hindi naman ako maooffend kung sa isip mo nauubuso mo na ang katawan ko--- Fuck." Malakas na siniko niya ito. Pulang pula na ang mukha niya.

TEMPTATION ISLAND: Hot EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon