Chapter Ten

758K 13.3K 1.2K
                                    


"KALEB."

 Parang may dumaang anghel sa harap ng mga ito nang bumaba si Gel sa living room. Agad siyang nakaramdam ng pagkailang nang tumutok sa kanya ang mata ng mga taong naroon. Wala na siyang oras para kilalanin ang mga ito isa isa.

Tumingin siya kay Kaleb at sinalubong ang tingin nito. "Can I talk to you for a minute?"

Umangat ang labi Sumunod naman agad sa kanya si Kaleb. Nakaligo na ito. Naamoy niya ang swabeng amoy ng body wash sa katawan nito. That should calm her down. Pero nanggigigil pa rin siya sa inis ng lalaki.

Paasa! Pabitin! Gusto niyang itali ito sa kama at ibalik dito ang ginawa nito. Naningkit ang mata niya sa ideya. Hmm, why not? Chocnut?

Tigang lang, Gel? Tigang lang?

Kwinestyon niya ang sarili. Hindi siya ganoon. Ghad, bago niya nakilala si Kaleb, may pasensya siya ng sampung tao. Fuck, this is really not her.

"So, what's the matter?" tanong ni Kaleb nang makapasok sila sa loob ng silid niya. Nakakaloko ang ngisi sa labi nito. Mapang-asar ang gago. Ang walanghiya, parang gusto niyang burahin ang gwapong ngiti nito.

Nagtimpi si Gel.

"Aalis na ako mamaya. Okay na ba 'yong car ko? Inaasahan kong ayos na 'yon, kasi okay na rin naman 'yong panahon."

Nawala ang ngisi sa labi ni Kaleb. "Hindi pa."

"Hindi pa?" Kunot noo niya.

"Nasa talyer pa rin."

"Hanggang ngayon?"

"Hanggang ngayon." Lumawak ang ngisi nito.

She groaned in frustration. "Seriously, hanggang kailan 'yon? I have to leave now. Ang bulok naman ng mga manggagawa sa talyer na 'yon kung hanggang ngayon hindi pa nila nagagawa.." Natigilan siya nang mapatingin sa mukha ng binata. Nakaangat ang labi nito. And then she realized something..

"Uhm, are you trying to trap me here?"

He chuckled deliciously. "Me?"

"Yes, YOU."

"Are you accusing me of kidnapping? You're no longer a kid."

"Yes, I'm an adult. Pero pag hindi mo pa ako hinayaan umalis ngayon at ibalik ang kotse ko, malinaw na kidnapping na 'to. So if I were you--- what the hell are you doing?" Nanlaki ang mata niya nang maghubad ito ng shirt. Humakbang ito palapit sa kanya.

Napaatras si Gel.

"Is this about what happened a while ago? Hmm."

"Sinasabi mo d'yan?!" Naramdaman niya ang malamig na dingding sa likod niya.

"Nabitin ka ba kanina? Gusto mo ituloy natin?" mapanukso ang ngiti nito, nang-aakit. Napalunok siya habang tinititigan ang bakat sa tapat ng drawstring pants nito. She could feel her feminine walls clenching at the sight of those hard muscles. Tangina, ang sarap ng walanghiya. Nag-init ang mukha niya sa malalaswang isipin na nagsisimulang umalipin sa kanya.

"Bakit ka ba naghuhubad?!" sigaw niya dito, kunyari di nagpapatukso. Kunyari strong. But the truth was, konti na lang bubuka na ang bulaklak.

"Bakit, ayaw mo?"

"G-Gusto--Ayaw!"

He grinned deliciously. Then, he grabbed her in her shoulder. Nang lumapat ang bibig nito sa kanya, parang nakakita siya ng pagsabog ng naglalagablab na apoy. Nanghina ang tuhod niya sa paraan ng paghalik nito. Puno ng alab. Marubdob.

TEMPTATION ISLAND: Hot EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon