Chapter Seven

968K 16.8K 1.6K
                                    


 "HANGGANG kailan ang bagyo?"

Napalingon sa kanya si Kaleb. Nanonood ito ng news sa living room. "Bukas pa ang dating ng isa. Pero may kasunod pa. What?"

"Ah, so, okay pa rin kung magbyahe na ako mamaya? Kung bukas pa naman ang dating."

Nagsalubong ang kilay ng lalaki sa narinig. "You're leaving?" mababa ang tinig nito, may disgusto doon. "Aalis ka na?"

"Hindi naman ako dapat mag-stay dito, hindi ba? I mean, hindi magandang tingnan. We're completely stranger to each other."

"Even after what happened last night?"

"Counted na ba ang sex sa pagiging magkakilala?" balik niya. "Hindi pa natin talaga kilala ang isa't isa, Kal."

"Okay, I get that." Tumiim-bagang ito at madilim ang mga mata na tumitig sa kanya. "But it's too dangerous to get out. It's raining. Paano ka makakaalis? Nasa talyer pa ang kotse mo."

"Oh." Saka lang ni Gel naalala ang tungkol doon. Nasapo niya ang noo. "So, kailan pa maayos 'yon?"

"Pwede ko naman itawag na ayusin na nila. Pero hindi ka pa rin makakaalis ngayon."

"Pinagbabawalan mo ako?"

"Wala akong sinasabing ganoon."

"Pero ayaw mo ako paalisin. Parang ganoon na 'yon."

"Just stay here, kahit ilang araw lang. Padaanin mo muna ang bagyo. Now you're with me, responsibilidad na rin kita."

Naningkit ang mata niya. "I'm not your responsibility."

"You are." diin nito. "Kung aalis ka sa bahay ko, gusto ko makatiyak na maayos ka rin na makakauwi."

"Sino bang nagsabi na uuwi ako? May sasadyain ako."

Nagsalubong ang kilay ni Kal. Pagkatapos ay biglang dumaan ang dilim sa gwapong mukha nito. Humakbang ito palapit sa kanya. It reminded her of an angry beast.

"Sino? Boyfriend mo?"

Her cheeks burned at the tone of his voice. Parang nanunumbat agad ang tinig nito.

"Wala ka na doon, Kal."

"May boyfriend ka?"

"That's a personal question. I can't answer that." Akmang tatalikuran niya ito nang mabilis na hinablot nito ang braso niya.

"Yes or no."

"Why do you care? We just have sex. 'Yun lang 'yon!"

"Just answer me." madiing tanong nito at hinila siya. Her body was pressed against the hard frame of his body. May mumunting kiliti na gumapang sa kanya nang maramdaman ang init ng katawan nito. He was just wearing his boxers for god's sake! Nauuhaw siya sa sarap ng pakiramdam ng matigas na bagay na pumupukol sa kanya. Nananadya ang lalaki!

Mainit ang mukha na nag-angat siya ng mukha sa lalaki. "Ang bastos mo."

"Ngayon mo pa sasabihin sa akin 'yan pagkatapos ng mga ginawa natin kagabi?" tumaas ang labi nito. Pagkatapos ay muling sumeryoso. "You're not answering my question."

"Meron."

His eyes turned murderous.

Iniangat niya ang baba, nanghahamon na tumitig dito. "That's the answer. I have a boyfriend."

Dumiin ang hawak ni Kal sa beywang niya. Napakurap siya sa pwersa nito. "Bitawan mo ako."

"If you already have a boyfriend, then why did you seduced me?"

TEMPTATION ISLAND: Hot EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon