Chapter Thirty Seven

544K 13.7K 1.1K
                                        

HINDI nahirapan si Gel na makatulog kagabi. Pagod na pagod ang kanyang pakiramdam kaya agad siyang nakatulog pagkahiga niya sa kama. Na-miss niya ang kanyang kama. Ang matulog mag-isa at walang kahati. Pero ganoon pala ang pakiramdam kapag nakasanayan na may katabi sa pagtulog. Kayakap at nakadikit ang init ng katawan sa kanya. She felt like something was missing.

Ang akala ni Gel ay nananaginip pa siya nang maramdaman ang maiinit na haplos sa kanyang hita. Hindi siya nagpalit kagabi ng suot. She was still wearing her mini black dress. Nagpatuloy ang paghaplos, may kasamang pagpisil. Unang pumasok sa isip ni Gel ay nalooban siya! Naalarmang napamulat siya at napabangon.

"A-ano'ng—"

Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Kaleb. Ano ang ginagawa doon ng lalaki? Nanigas siya. Paano nito nalaman kung nasaan siya?

"Good morning, baby. How was your sleep?" kaswal na tanong nito. But the tension in his gaze was not lying.

"How did you get in here?" Napaupo siya sa kama, bahagyang lumayo sa lalaki. Napansin niyang kumalat ang tensiyon sa matipunong katawan nito.

"Why are you so surprised to see I'm here? We're living together now. Hindi ka umuwi kagabi."

"I-I just need space."

"Why? You didn't call to inform me. Naghintay ako."

Nakaramdam ng guilt si Gel. That was right. Pinagpatayan pa niya ng cell phone si Kaleb para hindi siya ma-contact.

"I'm sorry. Nawala na sa isip ko. Pagod na ako, eh."

Pinuwersa ni Gel na ngumiti. Tinitigan siya ng lalaki, sinalubong ang kanyang mga mata at nakita ang kasinungalingan dito. Gusto niyang sampalin ang sarili sa inis. Bakit hindi na lang niya tapatin ngayon din si Kaleb? She should be really mad at him! Dapat, ipinagtutulakan na niya ang lalaki. Hindi iyong nakokonsiyensiya siya sa hindi pagpapaalam kay Kaleb kung nasaan siya at sa kanyang pagsisinungaling.

"You should have called me. Susunduin naman kita para hindi ka na napagod pa." Umakyat ito ng kama. Napalunok siya sa paglapit ng lalaki.

"H-hindi mo naman kailangang gawin 'yon. Alam ko pagod ka rin sa trabaho mo."

"Makita lang kita, nawawala na ang pagod ko."

Nanginginig na humugot ng hangin si Gel. Kapag nagsasalita ng ganoon si Kaleb, parang bawat himaymay ng kanyang katawan ay tumutugon. Nakakapanghina ng mga buto.

"I really missed you, baby. My bed is empty without you."

Mataman itong nakatitig sa kanya, and she was afraid to look at him. "Why do you need space anyway? May problema ba tayo?"

"Gusto mo bang pag-usapan na talaga natin 'yan?"

"Gusto mo ba?" malamig na balik ni Kaleb sa kanya.

"Bakit hindi? Wala naman akong dapat ikatakot dahil wala akong kasalanan dito."

His gaze hardened. Para siyang masusunog sa mga titig ni Kaleb. Sumisikip ang kanyang kuwarto para sa kanilang dalawa. Sa laki ni Kaleb, parang lumiit ang kama niya. Gumalaw siya para bumaba ng kama, pero maagap siyang napigilan ng lalaki.

"Bakit ka lumalayo? Tatakbo ka na naman ba palayo sa akin?"

"B-bitawan mo ako, Kaleb."

"Hindi pa tayo tapos mag-usap."

"Puwede mo naman akong kausapin na hindi hinahawakan!" angil ni Gel. Binitawan siya ni Kaleb. Tumatambol ang kanyang dibdib sa iba't ibang emosyong lumulukob sa kanya. Nahihilo siya sa presensya ni Kaleb. Pumaikot sa kanya ang nakakahalinang amoy ng lalaki, parang isang matamis na lason.

TEMPTATION ISLAND: Hot EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon