ALAM ni Gel na hindi pa rin matatapos ang drama na namamagitan sa kanila ng dating nobyo at kapatid. To hell with them! Hindi na sakop ng care niya ang namamagitan sa dalawa. Ayaw niyang pahintulutan ang sarili na mainvolve pa sa kung anong kadramahan. Tama na ang isang beses na komprontasyon. Hindi niya kailangan iyon.
Pero ang kapal ng lalaking 'yun para sabihin pa sa kanya na kasalanan niya ang kinahinatnan ng relasyon nila.
"She made me feel like a man ka pang nalalaman, juts ka!" Pinagtatapon na niya ang mga litrato ni Lon. Binura ang natitira nilang pictures sa laptop niya. Sa ibang araw na niya pagkakaabalahan kung saan niya ibabagsak ang mga regalo nito sa kanya.
For now, she need to get back to her work. Binungad siya ng mga tanong agad mula sa mga kakilala niya sa loob ng kompanya. Malamang na magtatanong ang mga ito. Ilang araw ba naman siyang nawala. Umalis na walang paalam. She admit that was so unprofessional of her. Pero hindi rin siya nagsisisi. Iyon lang naman ang unang beses na hinayaan niyang magtake-over sa kanya ang galit niya. Kalmado talaga siya most of the time.
"Ma'am, nag-worry talaga ako na ilang araw kayong nawala na walang pasabi." sabi ni Becca sa kanya nang tawagin niya ito sa opisina niya.
"Hindi naman ako nawala ng isang buwan. There's nothing to worry." She smiled. Tama naman kasi. Hindi talaga siya nagpasabi bago siya umalis. Sinabi lang niya na may pupuntahan siya noong araw na nalaman niya ang kataksilan ni Lon. Pero hindi siya nagsabi na mawawala siya ng ilang araw.
"Eh, kasi may usap-usapan.. Baka daw nadepressed kayo pagkatapos nung nangyari sa inyo ni Sir Lon.."
Napaangat ang tingin niya sa babae. "So, ako pala ang headline nitong mga nakaraang araw?"
Alinlangan itong napa-hehe.
""Hindi maiwasan ng mga tao na mag-usap lalo na nakikita nila si Sir Lon kasama si Ma'am Terry. I mean, alam naman ng lahat na ikaw ang girlfriend.. but all of the sudden, iba ang nakikita namin na kasama niya. At ang sweet sweet pa nila."
Wala talagang kahihiyan. Lihim niyang minura si Terry at Lon sa isip niya. Nag-public display of affection pa pala ang mga animal habang nasasaktan siya.
"Tapos nadagdagan pa na may rumor na iba na may multi-billion corporation na magta-take over sa Victorius ." pagpapatuloy ni Becca.
Tuluyan siyang natigilan. So, mukhang siya na lang talaga ang walang ideya sa kinakaharap na problema ng ama niya. A multi-billion corporation? What the hell.
Hindi niya alam kung ano talaga ang nangyari. It's really bothering. Nasa ospital pa rin ang ama niya ngayon. Mamaya ay bibisitahin niya ito para kumustahin pagkalabas niya ng opisina.
"Well, it's true. Tapos na kami ni Lon."
Napasinghap ito. "Sila na nga ni Ma'am Terry?"
"Yeah, but I'm not sad so don't worry. Pero wala akong idea sa pangalawang sinabi mo, Becca. It's just a rumor, I think. Hangga't walang ebidensya, chismis lang 'yan. Si Dad pa rin ang may-ari ng Victorius."
Pagkatapos ng working hours, muli siyang bumisita sa kanyang ama. Nagdala na rin siya ng prutas para dito. She was excited to see him. Maganda ang naging resulta ng mga test na ginawa dito. Ibinalita iyon sa kanya ni Gigi na naunang bumisita na sa ama niya ng tanghali. Atleast, it's not serious. Kailangan lang talaga nitong magpahinga at huwag mastress.
Binuksan niya ang pinto ng private room.
Nabura ang ngiti ni Gel sa bumungad sa kanya. Napahinto siya. Nandoon ang buong pamilya nito. Ang asawa nito at tatlong anak. Puno ng saya ang mga mukha. Larawan ng isang masayang pamilya. At hindi siya napapansin dahil nagkakatawanan ang mga ito.
BINABASA MO ANG
TEMPTATION ISLAND: Hot Encounter
General Fiction"You're invited to Temptation Island."