Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Para siyang nanggaling sa rollercoster. Masakit ang ulo at bahagyang nahihilo. Nakita niyang nakaupo sa tabi niya si Gigi. Nakatungo ito at malalim ang iniisip.
Tila naramdaman nito ang paggalaw niya. "Hey. Thank God gising ka na."
"W-What happened?" naguguluhang tumingin siya dito.
"You don't remember? Nawalan ka ng malay kaya isinugod kita dito. You scared the hell out of me, Gel."
Ugh. Nasapo niya ang noo. She remembered now. She had passed out at the coffee shop. Paalis na siya noon nang biglang umikot ang paningin niya.
"I'm sorry. Siguro dahil wala pa talaga akong kain kanina, and you know.. Yong nangyari kanina."
"You feeling better now?"
"Yeah. I can handle it on my own, but thank you."
"Pasalamat ka na nga lang hindi ka pa nakakaalis non. Kung hindi baka kung napaano ka pa.. You have to take care of yourself now."
Lumamlam ang mata nito. May kung anong emosyon sa magandang mukha nito ang pumukaw sa kanya. May lungkot siyang nasilip doon.
Then, she remembered Kal. Ang huli niyang natatandaan ay tumatawag ito sa kanya. Napalunok siya, namuo ang hinala sa dibdib.
"O-Okay lang ako, Gi. Inaalagaan ko naman ang sarili ko.."
"You should. Because, it's not just about you now." Then, she gave her that look.. The look that she knew the truth about her.
She took a deep breath. "Gi--"
"Okay, don't.. Wag mo na I-stress ang sarili mo trying to explain about it. Ayaw ko dumagdag pa. You're pregnant, dear cousin."
Ang manggaling sa bibig ng pinsan niya 'yon ay parang wake up call sa kanya.
May hinala na siya. Ilang umaga na ang dumaan na nagduduwal siya at nagiging maselan sa amoy.
May duda na siya pero pilit niyang binabalewala. She thought, maybe she's just stressed with all the happenings around her. Ngayon nga, sigurado na siya.
She's having a baby.
Kal's baby.
Namuo ang hindi maipaliwanag na emosyon sa dibdib niya. Masaya siya sa katotohanan na buntis siya sa anak ng lalaking mahal niya. Ngunit may kaakibat na pangamba iyon. Sumulyap siya kay Gigi na kinuha ang bag niya sa tabi nito. Pagkatapos ay dinampot ang kanyang phone at inabot sa kanya.
"Tawag siya ng tawag sa 'yo. So, I turned off your cellphone so he can't call you."
"W-Who?" pagpapatay-malisya niya pa.
Gigi frowned at her. "Gel. Do you really think I have no idea who's the baby daddy?"
Nakagat niya ang ibabang labi. Ginapangan siya ng hiya at konsensya sa sinabi nito. So she was right. Alam na talaga nito.
"I wasn't born yesterday. I know what's really going on. Kahit noong nasa isla pa tayo. Nagbulag-bulagan lang ako dahil ayaw ko masaktan.."
"Hindi ko sinasadya."
"Yeah, I know you, cousin. You're not the type. You just don't have it, that mang-aagaw ng shota ng iba vibes in you, so.. So, I can't really be mad at you."
Pinahid nito ang luhang tumulo sa pisngi. "Isa pa, walang kami. He's free to be with someone he wants. I'm just trying to get him back to me. I still love him. Hindi ko pa rin siya malimot kahit matagal ng nagtapos ang relasyon namin."
BINABASA MO ANG
TEMPTATION ISLAND: Hot Encounter
General Fiction"You're invited to Temptation Island."