Chapter Twelve

773K 13.7K 1K
                                    


 HINDI mahirap mahalin ang tulad ni Kaleb. He was sweet. He was caring and thoughtful. He was-- He.. He-- Che!

Masosobrahan siya sa paggamit ng "he" kapag ipinagpatuloy pa niya ang paglalarawan nito sa isip niya. Lahat kasi ng magagandang katangian ng isang lalaki parang naididikit na niya sa pangalan ni Kaleb. Hindi naman ito perpekto. But it feels good to be around him. Feeling niya parang isang prinsipe ito na hinugot sa isang alamat. Iyon nga lang, hindi purong maginoo dahil medyo bastos. And she like it. She like it when he's being naughty around her.

At iyong tipo nito ang nagbibigay sa kanilang mga babae ng hirap sa pagpapakipot.

Pagkatapos nila kunin ang kotse niya sa talyer, pumunta sila sa may town para bumili ng mga kailangan niya. Dahil nga isang linggo pa siyang mananatili doon, kailangan rin niya bumili ng extra clothes and underwear.

At dahil doon, bigla niyang naalala kung bakit may mga gamit ng babae sa kwarto na tinutuluyan niya sa villa. May dati bang nakatira doon na babae ni Kaleb? Ofcourse, she didn't ask him. That would be too much. Ano naman ang paki niya sa past ng lalaki? Kung meron nga, labas na siya doon. Ayaw nga niya pag-usapan nila ang walanghiyang ex niya, pagkatapos ay siya naman itong magtatanong tanong. Oh, please.

"Wala bang shopping mall dito, Kal?" tanong niya sa lalaki nang makarating na sila sa town. Siya ang nagmamaneho.

Lumingon siya sa lalaki at nakitang nakatitig ito sa kanya. "Wag kang tumititig ng ganyan. Kanina ka pa."

"Walang mall dito tulad nang nakikita mo sa Makati. Pero 'yang mga nadadaanan natin na establishment, may mga clothing store din naman sila."

"Okay lang sa akin."

"Hindi mo na rin naman kailangan niyan.. okay lang sa akin kahit wala ka ng damit."

"Napa-kamanyak mo, Kal."

"Grabe, di pwedeng ina-appreciate ko lang 'yung natural beauty mo?" Nakikita niya sa gilid ng kanyang mata ang lawak ng ngisi nito. Parang gusto niyang burahin iyon.

"So, nakikita mo lang ba ang natural beauty kapag wala akong saplot ganon?" Sinulyapan niya ito.

Ang gago, kung makatitig nga sa kanya.. Well, ang sarap nito tumitig. Na-eenjoy naman niya kaya deadma.

She grinned. "Okay lang. Di ako nao-offend."

"Uhm, may I ask why?"

"Kasi tanggap ko nang nature n'yo 'yang mga lalaki. Minsan maginoo. Kadalasan talaga manyak. Parang ikaw lang.

Tumawa ang binata. "That's too much, babe. Hindi naman lahat.. And I'm just kidding."

"Well, I'm not."

"Binabawi ko 'yong sinabi ko kanina. I like you better when you're wearing my shirts."

"May naghuhugas kamay.." pakanta niyang sinabi.

"And I would appreciate it very much if I would see you wearing my underwear."

"Yuck!"

"Grabe 'yung yuck, parang hindi mo tinitik---"

"Subukan mo ituloy 'yan, Kaleb."

Malakas na tumawa si Kaleb. Napailing na lang siya habang pinipigilan mapangisi. Loko-loko talaga.

Mga ilang saglit pa ay inihinto na niya ang kotse sa parking lot ng isang commercial establishment. Nagtagal sila sa pamimili niya ng mga kailangan niya bago sila nagpasyang pumunta sa grocery store. Naghabilin si Manang Celis sa kanila na kung maaari ay isabay na rin nila ang pagbili ng mga kailangan sa bahay. Hindi makaalis ang matanda dahil binabantayan nito ang anak na kakagaling lang sa ospital. Si Mang Rudy naman ay nasa farm ni Kaleb. Abala sa mga bagong panganak na baka.

Inignora niya ang mga babaeng panay ang tingin sa kanila.. Actually, kay Kaleb lang. Ang mga mata ng mga kapwa niya, hindi magkaintindi. They were obviously eye-fucking him and she couldn't blame them. Kaleb is really an eye candy. Masarap titigan. Pero mas masarap kung matitikman.

She giggled at the thought.

"You know, I'm just wondering, ano palang ginagawa mo sa buhay? Wala ka bang office works? Di kita nakikitang humahawak ng phone masyado or serious mode.."

"Tambay lang talaga ako."

"Oh?" Napatingin siya dito.

"Houseboy lang talaga ako nung bilyonaryong may ari ng villa na 'yon."

"Very funny."

Inirapan niya ito at nagpatuloy sa pagkuha ng mga snacks. Tumatawang nakasunod sa kanya ang binata.

"Why are you suddenly asking me personal questions?" tanong nito. "Hmm. Ito na ba 'yong part na nagiging interesado ka na sa akin?"

"Hindi ba pwedeng gusto ko lang malaman kung pasado ka ba para maging sugar daddy ko?" pagbibiro niya. Nakita niyang natigilan ang lalaki at sumeryoso. "Hoy, biro lang 'yon." sabay bawi agad niya.

He just smirked at her.

"Kung di ba biro 'yon, ibig sabihin, pasado ako?"

"Well, I'm financially stable, and I'm old enough to be a sugar baby. So, nah, I don't need a sugar daddy."

Yumuko si Kaleb at itinapat ang bibig sa tenga niya. "But if you need one, I'm willing." he whispered.

Ang lakas ng tawa niya.

"Bakit ka tumatawa? Seryoso ako. I'm very much willing." naka-angat ang kilay na sabi nito.

"Nice try, Kal. So, ano nga? I'm serious."

"Ikaw ang nag-open ng topic, bakit hindi ikaw ang mauna?"

Bumuntong-hininga si Merigiel.

"Wala naman kasing interesting sa buhay ko. Isa lang akong brokenhearted at soon to be jobless na babaeng nakilala mo. Nasa punto ng buhay niya na inabot ng malas. Pinagkaitan ng atensyon sa pamilya, inagawan ng posisyon sa trabaho ng malanding kapatid at inagawan din ng long time jowa. Imagine that, halos ipinagkait na sa 'yo ang lahat at 'yong huling meron ka, inagaw pa sa 'yo. Ang lungkot no?"

Tumingin siya kay Kaleb at nakita niya ang simpatya sa mukha nito. Doon niya narealize ang pagkakamali niya. Fuck. She almost gave him the summary of her life. Wait, iyon na nga ang buod ng buhay niya! Ang masalimuot na buhay niya bilang isang anak at isang babaeng nagmahal. MMK material.

Napatiim-bagang siya. Great.

"It's okay."

Napalunok si Gel, nag-iwas ng tingin at naunang maglakad sa binata. "That's not okay."

"I know, and I feel sorry--"

"Don't," madiing sambit niya. "I don't want you to feel sorry for me. Stop it, Kal. Ayaw ko na pag-usapan pa ulit natin 'to. Kung ayaw mo na hindi tayo magkasundo."

Alam niyang napaka-rude niya para sabihin iyon. Nagiging concerned lang naman ito sa kanya. Wala naman itong ibang intensyon. Pero ayaw niya lang I-open ang mga ganoong bagay sa isang tao. Hindi siya nanghihingi ng simpatya mula sa iba. Nakaugalian na niya iyon. Tinanggap rin naman niya ang mga nangyari. Pinipilit niya.

Pero minsan talaga kahit pa sabihin niya ngayon na unti unti siyang nakakamove on, pag binabalikan niya ang paksa sa nangyari ay parang nararamdaman pa rin niya ang sakit. Iyon nga siguro ang sugat kapag nasaktan ka sa pagmamahal.

But she will be okay. She's already in the healing process. Oras na lang ang kailangan niya at distansya sa mga ito.

Hindi na siya nagsalita pagkatapos nun. Nanatili rin na tahimik si Kaleb habang nakasunod sa kanya. Walang bumabasag ng katahimikan hanggang sa makauwi sila.


Itutuloy..


TEMPTATION ISLAND: Hot EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon