NAKAUPO si Gel sa sala. Nakabukas ang TV, pero mas nananaig para sa kanya ang boses ni Kaleb habang may kausap ito sa telepono. He was talking to his friend. May nababanggit itong party at isla. Iyon marahil 'yong tinutukoy nito noong nakaraan. He wanted to bring her to his friend's party.
Ano, magiging palamuti lang siya sa tabi nito?
May ngiti pa rin sa labi nang umupo ito sa tabi niya.
"Is that your friend?"
He nodded. "His name is Tariq. Pinaalalahanan niya ako na kailangan dumalo ako sa birthday party niya. And he wants me to bring you.."
Bahagyang tumaas ang kilay niya. "Kasama ako? Sa kanya ba galing 'yon o sa 'yo?"
Tumawa ito. "It doesn't matter. You should come with me. No.. You're coming with me." Malambing na inakbayan siya nito.
Nakakapanghina ang pakiramdam na 'yon. Kanina pa siya kumukuha ng tiyempo para sabihin kay Kaleb ang pag-alis niya. Kung paano niya sasabihin dito, hindi niya alam kung paano. Nahihirapan siya. Hindi naman ganito kahirap noong iwan niya ang relasyon nila ni Lon at mag-walk out ng walang paalam. Pero bakit nahihirapan siya kay Kaleb? Kung tutuusin hindi naman mahirap 'yon. Wala pa silang isang buwan na magkakilala. But why it's so hard to say goodbye?
"Mas maganda kung hindi mo na ako isasama."
"Why not?"
"Because.." Natigilan siya, sandaling hindi alam kung ano ang sasabihin.
"Gel."
"I believe that's not a good idea." She felt a lump in her throat. She swallowed hard.
"Not a good idea? Care to tell me why it's not a good idea to bring you in my friend's party?"
He's totally clueless. Habang tumatagal siya na katabi ito, mas lalo siyang nahihirapan na I-voice out ang nararamdaman niya, ang gusto niyang sabihin. Bumibigat ang tensyon sa mga ugat niya.
Tumingin siya kay Kaleb. Bumakas ang pag-aalala sa mga mata nito. "You look so pale. What's the matter?"
"I can't do this anymore, Kal."
"W-What?"
Humugot siya ng hangin, at pilit na sinalubong ang mga mata ng lalaking sa loob lang ng ilang araw ay nagawa na agad niyang mahalin. Tangina. Ngayon inaamin niya sa sariling nahulog na nga talaga siya. Within days. Inlove na agad siya.
Wow, talent!
"Hindi kita maintindihan. Anong sinasabi mo?"
"I'm saying... I can't stay here anymore, Kal. Hindi na ako makakatagal pa dito sa villa mo. Gusto ko na magpaalam sa 'yo. Aalis na ako."
Napakurap si Kaleb, bumakas ang pagkagulat sa mukha.
"Maybe later or tomorrow morning. Ayaw ko naman bigla bigla umalis na hindi nakakapagpaalam sa 'yo ng maayos. Kanina ko pa iniisip kung paano ako magsasabi sa 'yo ng--"
"Stop."
"--hindi ka mabibigla."
Napatiim-bagang si Kal. "Why are you leaving?"
"Anong tanong 'yan? H-Hindi naman habambuhay nakatira ako--"
"I'm asking you why."
"Baka nakakalimutan mong may buhay rin akong akin bago tayo nagkakilala. It's time to go back. I'm okay now. Thank---"
"Oh, that's it." malamig na putol nito sa akmang pagpapasalamat niya dito. "I get it. You're okay now kaya babalik ka na sa dating buhay mo." Malinaw ang lamig sa tono nito. Inignora niya iyon.
BINABASA MO ANG
TEMPTATION ISLAND: Hot Encounter
General Fiction"You're invited to Temptation Island."