Erykah Sunshine
.
Iniisip ko pa lang ang mga magulang ni Glenn ay kinakabahan na ako.
How can I enjoy this honeymoon of ours if there's someone out there waiting for him without me in the picture?
"Are you okay? What are you thinking?" Pumalupot ang kamay ni Glenn mula sa likod at damangdama ko ito. Hinahayaan ko na siya sa lahat ng gusto niyang gawin sa akin. Walang silbi kung pipigilan ko siya dahil mas lalo niya lang akong ikukulong sa bisig niya.
"Taste this, babe. It's a buko juice with a kick of lime and alcohol."
Kumunot bahagya ang noo ko at saka tinikman ito. Tumabi agad siya sa akin, at itinaas ang paa sa isa pang silya sa harapan namin.
Panglao is a beautiful place. It's a small version of Boracay. The sand is white, and the seawater is crystal clear. There are a lot of tourists around, and there are delicious foods to choose from. Iyon nga lang may kamahalan.
Sa isang mamahaling hotel ang booking ni Glenn, dito sa South Palmas. Medyo pribado ito dahil nasa dulo na at walang tao sa dalampasigan maliban lang sa mga guests ng hotel.
"It's not bad. Hindi mo ba dala ang cellphone mo?" I pouted, looking worried at him.
"The rules are the rules, Eres. No phone, no internet except us. Iyon ang napagkasunduan natin 'di ba?" Kalmang kalma lang talaga ang hitsura niya at hindi katulad ko na nag aalala na.
"Pero ang mga magulang mo. Okay lang kaya sila?"
"They're fine. Don't worry. They're not kids who need care all the time. They can manage themselves, and the staff is there. I already gave them my instructions yesterday, and I already messaged my mother."
Napabuntonghininga ako.
Bahala na nga! Hindi ko na muna iisipin sila. Sasakit lang ang ulo ko.
"Come on. Let's go!" Agad niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at pahila ito papuntang dalampasigan.
"Ayaw kong maligo sa dagat, Glenn! Aray!" Napasigaw ako, dahil naapakan ko ang maliit na kahoy. Dapat sana ay iiwasan ko ito, pero kasi pahila ang ginawa ni Glenn sa akin, ay hindi ko nagawa.
"Kainis ka naman eh!" Bumitaw agad siya at saka napaluhod bigla.
"Did you hurt your ankle?" He gently massages it, and that tickles me.
"Hindi naman. T-Tama na. . . Wala iyon." Bahagyang tawa ko. Napalingon ako sa paligid at ang lifeguard lang ang nandito. Nakatingin siya sa amin, at iilang metro lang ang layo niya.
Pinulot ni Glenn ang maliit na kahoy na naapakan ko. "This is a souvenir. Someone might have accidentally dropped it." Inilapag niya sa silya ito, at napatingin na ako. Isang souvenir nga na isda.
"Ibili mo rin ako ng souvenir ah. Gusto ko iyong bilog bilog pampaswerte raw iyon." Humawak na ako sa kamay ni Glenn at sabay kaming nagtungo sa dalampasigan.
"I will get you all the souvenirs you like. It's not a problem." He sweetly winked and then smiled.
Imbes na maligo sa dagat, ay pinagmasdan ko lang si Glenn. He dived in perfectly and swim a little bit further from me.
Humakbang ako nang iilang metro, dahil ayaw kong mawala siya sa paningin ko. Nasa hawakan na ang tubig at hindi ko inalis ang mga mata ko sa kung nasaan siya.
"Glenn! Bumalik ka na nga rito!"
Malamig ang dagat at hindi maalon. Tumataas na rin ang tubig dahil hapon na. Ngumiti siya at kumaway lang sa akin bago ulit lumangoy.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secret Wife (MBBC#10)✅
RomanceUnder the Mondragon Billionaire's Boys Club MBBC#9 Mature content She's haunted by her past, and his heart is off-limits. They were never meant to cross paths, but when their lives collide, they find solace in each other's arms. Can they break the w...