“Angas ng haircut, pre!” bulalas ni Kazue, kaibigan ko. Sinisipat niya ang bawat anggulo ng aking buhok. “Saan ka nagpagupit?”
I smirked. “Tinatanong pa ba ’yan?”
“Top-tier talaga gupitan ni Mang Renato!”
“Kahit nga hindi na siya gumamit ng clipper ay magagawan niya pa rin ng paraan,” pagbibida ko. Pinagmasdan ko naman ang kaniyang wavy na buhok at umaktong hindi nagandahan. “Parang bulbol naman gupit mo, pre.”
He grinned. Maangas niya itong hinawi sa harap. “Badtrip nga. Ang sabi ko gayahin niya ang gupit ni Leo DiCaprio pero muntikan ko na maging kamukha si Mackenyu,” kunwaring reklamo niya, nagyayabang. Pareho namang guwapo ang dalawang aktor na binanggit.
“Gutom lang ‘yan.”
“Baka nga makain ko na ‘tong katabi ko. Kanina pa tahimik, parang display lang sa gilid,” parinig niya pa sa isa naming kaibigan.
Callum shot us a glare. “Don’t bother me.”
“Amoy panis na paksiw siguro bibig mo kaya hindi ka nagsasalita?” pang-aasar ni Kazue.
Napaayos tuloy ng upo si Callum at hinarap ang kaibigan. “What?”
“May buni ka raw sa puwet, pre,” segunda ko.
“Maniwala ka riyan,” ang natatawang Kazue habang tinatapik ang balikat ng kaibigan. “Pero try mo gamitan ng anti-bacteria na sabon ‘yan, baka sakali mawala.”
Tawa ako nang tawa at halos malaglag na sa kinauupuan ko. Nasa loob na kami ng bagong classroom at kaunti pa lang ang mga estudyante. Dahil sa excitement, medyo napaaga kami rito. Palibhasa, first day of school kaya puro fresh pa ang karamihan. Tamo, sa second semester ay magiging zombie na ang lahat dahil sa stress.
Hindi rin nagtagal, pumasok na ang magiging bagong guro namin at sunod-sunod na iyon para sa buong first sem. As usual, hindi gaano nagkaroon ng klase sa kadahilanang puro paghahanda ang nire-remind sa amin at mga requirements na kailangan dalhin.
Tumambay na muna kami sa usual spot sa kiosk para magpahinga at muni-muni. Alas-tres na ng hapon, whole day ba naman ang klase.
“I heard may crush na raw si Enri na nasa grade 12 STEM?” untag ni Kazue.
My eyes widened. Mabilis kong nilingon si Kazue para tingnan kung nagbibiro ba siya o ano. Ramdam ko na ang pagkakasalubong ng aking kilay at ang malakas na kabog ng dibdib ko.
It can’t be...
“Sino naman daw?”
Nagkibit-balikat siya. “Ewan ko lang. Hindi rin ako sigurado kung sino pero lagi na lang nagagawi si Enri sa classroom ng STEM tapos parang may tinitingnan. Sabi ng iba, kinikilig pa raw siya,” pahayag nito.
My shoulder loosened. Pakiramdam ko nawalan ako ng gana sa lahat! Matagal ko ng gusto si Enri Torres at mga bata pa lang kami ay talagang crush ko na siya kaya hindi ako makapaniwala. Ni bilang nga lang sa daliri na nakita ko siyang tumawa o ngumiti dahil sa sungit niya.
“Ayos ka lang, pre?” nag-aalalang tanong ni Kazue, seryoso na. “Sorry. Narinig ko lang din kasi at baka gusto mong malaman.”
Bahagya akong tumango. “It’s fine.”
“Liar,” saad ni Callum saka ginulo ang aking buhok. “Kapag nagmahal ang isang tao, normal lang na masaktan. Don’t worry, we’re here.”
Normal? Siguro nga. Sa mga nagdaang araw, mas lalo akong napanghihinaan. Lalo na’t narinig ko sa cafeteria mismo ang inamin ni Enri na may crush talaga siya na grade 12 STEM student. Iyon na pala ang type niya? Akala ko HUMSS kaya nga ito ang kinuha ko para at least mapansin man lang. Hindi ko aakalain na magbabago ang tipo niya sa isang lalaki. How stupid of me.