Chapter 11

85 8 0
                                    

Pinauwi lang talaga kami ni Papa dahil sa balitang magtutungo raw siya ng Spain upang panghawakan ang iilang negosyo na iniwan ni Lolo sa kanilang magkakapatid. Wala namang interes si Papa roon ngunit nakiusap na ang mga Tito ko na siya muna ang umasikaso tutal kahit medisina ang tinapos ni Papa, mas maalam siyang mamahala niyon.

Sabi pa ni Papa, babyahe na siya kaagad kinabukasan kaya gusto niyang sulitin daw niya ang araw ng birthday ko. Iniisip ko na lang ngayon ay kung paano ako makakakuha ng oras para makipagkita kay Lethius.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatitig sa kisame, halos mabilang ko na nga ang tunog ng wall clock. Mula nang makauwi rin kami ni Denry, ayaw nang maalis sa utak ko ang sinabi ni Lethius. Oo, paniguradong hindi big deal para sa kaniya iyon pero para sa akin . . .

Gago, hindi rin, ah!

Kaagad akong napabalikwas ng bangon sa naisip at nakuha ko pa talagang kilabutan. Kinuha ko ang katabing unan sabay yakap nito at saka ako napagulong-gulong sa kama. Natigil lamang ako nang muntikan na mahulog sa sobrang likot.

Normal lang naman siguro na matawag ng ganoon, hindi ba? Puwede ko naman siguro tawagin sina Kazue at Callum tulad niyon.

Right. I’m gonna call them!

Napatikhim ako saka dali-daling kinuha ang phone at napagdesisyunang tawagan ang dalawang kumag. Una kong d-in-ial ang number ni Kazue na malamang ay naglalaro ng ML ngayong madaling araw na.

“Ay, putang—sino ba ‘to?” agarang sagot niya sa kabilang linya na halata ang iritasyon.

“Kaz, si Dale ‘to.”

Sandaling natahimik at mayamaya ay nagsalita ulit siya, mukhang nakumpirmang ako nga.

“Oh, birthday boy? Napatawag ka? Miss mo ‘ko? Magkikita naman tayo sa lune—”

“Ulul,” I cut him off.

Natawa siya nang malakas. “Oh, anong meron?”

“Ano bang ginagawa mo ngayon?”

Naglalaro ng ML. Rank pa, pre. Hanep, good timing ka talaga.”

“Alas dos na ng umaga, matulog ka na.”

“Huh? Parang ‘di ka naman nasanay sa akin.”

“Tss.” Napasinghal ako. “Matulog ka na nga.”

“E, bakit nga kasi?”

“Basta!”

“Wow, lakas maka-tatay, ah? Baka dahil nalaman mo lang galing kay Mang Renato na parang tatay kung umasta si Tito Drystan kina Dad ay magiging gano’n ka na rin,” litanya niya na sinabayan pa nang nakakalokong tawa. Pakyu, Dale. Hindi bagay sa ’yo.”

Napangiwi ako sa mga pinagsasabi niya. I rolled my eyes. Pinipigilan ko na lang talaga ang sarili na huwag ibaba ang tawag.

“Sige, serious mode na paps. May kailangan ka ba?”

I cleared my throat. “W-Wala nga.”

Siraulo ka pala, eh!” atungal niya. “Sinong gago ang tatawag ng ganitong oras tapos wala naman palang sasabihin? Adik ka ba? Naku, iba na ‘yan. Hindi ka namin ni Callum pinalaki ng ganiyan.”

“Tanginamo talaga, Flores.”

Lalo siyang humagalpak ng tawa. “Aliw sa ’yo, pre. Baka miss mo talaga ako, nahihiya ka lang aminin. Ayos lang naman ‘yon, naiintindihan kita. Sino ba namang hindi.”

Reaching The Star (Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon