Chapter 8

75 8 0
                                    

“What are your plans, ‘Pa?” tanong ko habang nakatingin kay Denry na ngayon ay mahimbing na natutulog sa sofa. Sinusuklay naman ni Mama ang buhok nito nang marahan. “Hindi puwedeng hayaan na lang natin na i-bully siya roon.”

“Kakausapin ko ang mga magulang ng mga batang ‘yon. Ipapaalam ko na muna sa kanila at kung aalma ay doon na ako magfi-file ng case.” He took a deep breath and smiled. “Sa ngayon, huwag na lang muna natin banggitin kay Denry dahil baka ika-trigger ng kapatid mo. Maaasahan ba kita, Kuya Dale?” kalmadong saad ni Papa.

I nodded. “Yes, ‘Pa.”

“Tama ang Papa mo, anak. Hindi palagi dinadaan sa dahas. Kung puwede pang pakiusapan, hayaan natin silang magbago,” wika ni Mama.

“Opo,” sagot ko.

Para na akong nanalo sa lotto dahil nagkaroon ng ganitong klaseng mga magulang. Kung wala sila, baka mukha na akong ligaw na hayop. Lagi pa ako noon nasasangkot sa gulo! Nakikiawat pa kasi tapos kapag nasuntok, magagalit agad kaya imbes na tumulong, ayon nakisapak na.

Ilang sandali pa, nakaramdam na ako ng antok kaya nagpaalam akong papasok na sa kuwarto. Paniguradong bubuhatin ni Papa si Denry para mailipat din. Gigising na lang iyon na magtataka kung paano siya napunta roon.

Pabagsak akong humilata sa kama at huminga nang malalim. Ipipikit ko na sana ang mga mata nang maramdaman ang pag-vibrate ng aking phone na nasa bulsa. Muntikan ko pa nga makalimutan!

Kaagad ko itong kinuha at bahagyang nasilaw sa lakas ng brightness. Nakapatay na kasi ang ilaw sa loob ng kuwarto ko. Unti-unti nang luminaw ang aking paningin kaya minanipula ko na ito.

Ganoon na lang ang aking gulat nang mabasa ang nakalagay sa notification.

Lethius Archambault reacted ❤️ to your post.

Kasunod pa no’n ay ang comment ni Kazue.

Kazue Flores: s4lamat sa pagtira sak3n,, idol!

Dito pa lang, hindi na talaga ako magtataka kung bakit sinasabihan siyang jejemon. Hindi ko alam kung sinasadya o seryoso na. Isinawalang bahala ko na lamang at inilapag sa study table ang phone. Maaga pa ako bukas. Umayos na ako ng higa at napagpasiyahang matulog.

Kinabukasan, bago pa ako nakapagpaalam ay pinaalala ko na muna kila Papa ang tungkol sa mga bullies ni Denry. Hindi talaga matatahimk ang kaluluwa ko kapag wala pa kaming gawin. Mabuti na lang din at alam kong hindi naman ni Papa pababayaan ang kaso na isasampa nila kung sakali magkagulo.

“Mga gago ampota. Ano naman kung bakla? Sarap upakan, e,” naiinis na pahayag ni Kazue.

Nasa kiosk na naman kami, nagpapalipas ng oras. Nabanggit ko sa kanila ang tungkol kay Denry. Mapagkakatiwalaan ko naman sila. Bukod sa akin, sila rin ang tumatayong Kuya niyon.

“Gusto ko nga puntahan pero kilala mo naman sina Papa. Masiyadong mababait,” sabi ko.

“Expected na ‘yan. Kumusta na pala si Denden?” si Kazue.

“Nasa bahay. Maayos naman ang lagay. Hindi ko lang din talaga mapigilang mag-alala.”

Callum cleared his throat. “Bibisitahin namin mamayang uwian.”

“Sure. ‘Wag niyo lang ungkatin ang nangyari.”

“Ay, teka... Tuesday ngayon, ‘di ba? Tapos sa Sunday, August 7 na? Ibig sabihin, birthday mo na no’n,” untag ni Kazue.

Mas mukhang excited pa siya kaysa sa akin, e.

“Tss. Nawalan ako ng gana dahil sa nangyari kay Denry. Hindi na ako magce-celebrate.”

Reaching The Star (Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon