Chapter 6

86 9 0
                                    

“Kuya, kahit konti lang!”

Mabilis kong itinaas ang hawak na tupperware nang akmang kukunin ni Denry. Kanina niya pa pinagdidiskitahan ang mango float! Baka maubos na rin ito at wala na akong maibigay kay Callum.

“Ano ba’t ang kulit mo?” naiinis kong saad.

He pouted. “Ang damot mo naman! I’m sure hindi magagalit si Kuya Callum kapag nanghingi ako ng isang slice?”

“Hoy, Denry. Alam mo ba ang pagod kong gawin ‘to? Tapos ginamit ko pa ang allowance ko!”

“Eh? Bakit parang kasalanan ko pa? Sabi ni Kuya Kazue, peace offering niyo ‘yan.”

“Tss. Kaya nga! Ano na lang ang ibibigay ko kay Callum kung hihirit ka pa?”

Napasimangot siya lalo. He stomped his feet like a kid! For heaven’s sake, hindi siya mapirme!

Naiinis man, agad kong hinablot ang hawak niyang platito at nilagyan ng isang slice. May bangas na tuloy ang mango float. Ipapaliwanag ko na lang kay Callum na may patay-gutom na tumangay no’n.

Nagpuyat ako kagabi gumawa kasi ang tarantadong Kazue, hindi sumipot sa bahay. May ginawa na rin daw siya! Kani-kaniyang diskarte na kami. Wala pa si Mama rito kaya pinanood ko na lang ang nasa YouTube tutorial. Madali lang naman gawin, mahirap lang kapag may kapatid kang maya’t maya nagbubukas ng ref.

Bago pa maubos ang mango float, nagpaalam na ako kay Papa. Hindi pa si Mama umuuwi dahil may inaasikaso sa café niya. Kaunting aberya lang daw. Nitong sabado at linggo, nasa campus ako para manood ng practice nina Callum. Kasama ko pa nga ang magaling na Kazue, akala niya raw nakagawa na ako kaya gumawa rin siya.

Bitbit ko ang malaking tupperware na nakapaloob sa makapal na paperbag. Nilakad ko na ang labas ng village papuntang highway at agad nang pumara ng tricycle. Nag-solo na nga ako kasi malapit na rin ma-late.

“Ano ‘yan?”

Napapitlag ako sa gulat nang may magsalita sa gilid ko! Si Enri na kasama sina Seia at... Lethius. Mukhang kararating lang din nila sa school.

“Secret!” I mouthed.

“Sus. Hindi ka naman hihingian,” she hissed. “Napaghahalataang matakaw.”

Kung hindi lang kita gusto, baka nakaltukan na kita! Ang daming sinasabi. Ayaw na lang kausapin ‘yang crush niya.

“Mango float ‘to! Kay Callum, hindi para sa ’kin. Kung gusto mo, manghingi ka sa kaniya.”

“Wow, talaga? Sarap niyan. Pasabi patikim, ah?"

Tiningnan ko si Lethius at bahagyang nagyabang sa kaniya. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang reaksyon ko gayong kampante naman din ako na siya ang nagugustuhan ni Enri. Mabait siya, yes. Pero tao pa rin naman ako! I get jealous.

Binalik ko ang tingin kay Enri at tumango. “Sige.”

“Puwedeng... ako rin?”

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Lethius! At talagang gusto niya rin matikman itong hawak kong mango float. Hindi ba siya pinapakain sa bahay nila? Mukhang may kaya naman sila sa buhay at hindi hikahos!

I tried to smile. “Uh. Okay.”

Kung hindi lang kami sinita ng guard na magsisimula na ang klase ay magmumukhang awkward para sa akin ang sitwasyon doon. Thank God! Narating ko na ang classroom namin at agad na binigay kay Callum ang paperbag.

“Ang dami niyan, pre,” sambit ko. Bumali ang ulo ko para lingunin siya sa tabi. “May bawas na nga lang ‘yan, may patay-gutom kasi sa bahay.”

Natatawa siyang tumango. “Denry, right? Ang dami ngang text kanina. Nanghihingi ng slice.”

Reaching The Star (Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon