Chapter 4

89 9 0
                                    

Sumubsob ako sa arm chair at piniling umidlip pero hindi ako makatulog dahil ang ingay ni Kazue na nasa tabi ko lang. Naglalaro siya ng ML at pinagmumura pa ang mga nakalalaro.

Pambihira, paano kung may mga bata siyang kasama? Hindi talaga nag-iisip. Maka-trashtalk lang, buo na ang araw niya, e.

“Ayan, gago, ang hihina niyo kasi!” dismayadong bulalas nito habang pinagdudutdot ang phone.

“Lose streak na naman,” sabi ko nang mapasilip habang tinitingnan niya ang history.

“Ang kukupad! Ang bobo gumamit ng Alucard!” reklamo niya.

I scoffed. “Ang mabuti pa, mag-review ka na lang kasi may essay mamaya si Ma’am Herrera.”

“Essay na naman? Nag-HUMSS nga ako para makaiwas ng math, sangkatutak naman ang essay! Umay.”

“May reporting din at recitation pagkatapos.”

“Sana tuliin na lang ulit ako.”

Binatukan ko siya at hindi na umimik. Hindi na tuloy ako makaidlip, nawala na ang antok ko. Puyat pa naman ako nitong nakaraang araw.

“Anong balita sa inyo ni Lethius?” usisa ni Callum.

I sighed heavily. “Okay naman. Kung alam ko lang na mababa ang alcohol tolerance niya, hindi ko na sana sinalinan ang baso.”

“That’s kind of funny,” saad niya. “He wanna be babied by you... so bad.”

Ayoko na ngang isipin pa. Noong gabing iyon, nagmukha siyang bata na parang kailangan ng kalinga ng isang magulang. Buti na lang talaga at hindi kami nasubsob sa sahig. Nang makapasok na nga sa kuwarto na para sa aming mga lalaki, ang tindi niya! Nagising na lang ako na nakayapos na ang buong katawan niya sa akin.

“Nagpapa-baby pala malasing si Lethius,” sabat ni Kazue, wala na sa phone ang atensyon.

“But he’s gentle and sweet. He even put a blanket on you, Dale,” nakangiting sabi ni Callum.

Huwag ko na kaya ituloy ang pakikipagkaibigan kay Lethius? Naguguluhan talaga ako, may masama akong pakiramdam. Parang ang bait niya masiyado para sa ganoong klase kong intensyon.

Umiling ako at pilit iwinawaglit sa isipan. Siya na nga laman ng isip ko kahapon tapos pati ba naman ngayon? I need to think about my girl! Iyong Enri na ‘yon, pinagsisipa kami para bumangon. Mukha siyang Nanay na tumatalak umagang umaga! Pero hindi naman nakakainis kasi napaka-wife material.

“Huwag na natin pag-usapan. We should talk about your love life, Callum,” baling ko kay Callum na mukhang nagitla. “Proud ka pang sabihin kay Papa ang tungkol do’n, hindi mo man lang nabanggit sa ‘min?” pangongonsensya ko.

Pumalakpak si Kazue at mukhang naalala niya nga rin iyon. “Ay, oo nga! Wala kang sinabi sa inlab-inlab na ‘yan. Sino ‘yon, ha?"

“Baka ‘yong babae na nasa TVL? Hindi ba may laro kayo ni Yuki ng billiard? Sa pagkakatanda ko, nandoon din iyon, ‘di ba?”

“Oo, pero masama ang tingin ni gago. Hindi ako makaporma roon,” angil ni Kazue. Parang problemado dahil sa ginawa ni Callum.

Lumaki ang ngisi ko. “Pero iyan pala ang study first?”

“Pa-impress lang ‘yon kay Tita! Syempre baka may maireto siya sa ‘kin.”

Inabot ko siya sa likuran at pinitik ang tainga. Napahiyaw siya sa sakit habang hinihimas ang parteng tinamaan.

“Pucha naman, Dale! Para saan ‘yon?”

“Para kay Mama. Dinadamay mo sa kalokohan.”

Kinabig niya ang nanahimik na Callum sabay headlock dahilan upang mabitawan ang hawak nitong libro. Kakatwang hindi man lang siya umaangal na para bang hinahayaan niya ang kaibigan na bawian siya ng buhay.

Reaching The Star (Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon