TW: Homophobic remarks
Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig. Romantic love. Ang alam ko lang kasi ay 'yong tungkol sa platonic at para sa pamilya. Naalala ko pa noong una kong nasilayan si Enri, mga batang uhugin pa kami no'n.
"Si Dale ay white lady!" ang anim na taong gulang na Enri habang inaasar ako. "Ang puti mo naman! Tingnan mo pati binti mo, oh."
Iritang irita talaga siya sa akin. I don't know why she's like that, though. Lahat napapansin.
Naiinis ako. Hindi dahil sa sinabi niya kundi ay sa sarili ko. Gustuhin ko mang itulak siya nang malakas ay hindi ko magawa. She's too pretty. Nakasisilaw rin ang ngiti niya kahit pa puno iyon ng sarkasmo. May dumi pa siya sa pisngi ngunit hindi ito naging hadlang upang hindi siya hangaan.
Bilang limang taong gulang, sineryoso ko masiyado ang pang-aasar niyang iyon.
Umiiyak akong umiling. "I'm not a lady! I am a boy! You see, I have two balls..." Ibababa ko na sana ang aking salawal nang mahuli ako ni Papa at pinagsabihan.
"Son, do not show your treasure in front of a young lady because that's very inappropriate," pangangaral ni Papa. "They might think that you're pervert. Are you a bastos little boy?"
"N-No po. Pero ayaw niya po maniwala na lalaki po ako. What should I do, Papa?" I cried. Narinig ko ang mahinang tawa niya sa kabila ng aking pag-iyak. Naramdaman ko naman ang mahinang paghagod niya sa likuran ko saka ako binuhat at parang inihehele. "Papa..."
"Yes, son?"
"Dale's sleepy."
"Sleep, then. Papa's here."
I love my family. Pero alam kong iba ang nararamdaman ko sa kaaway kong si Enri. Mukha man kaming aso at pusa, may parte sa puso ko na natutuwa sa mga ganoong interaksyon namin.
Si Mang Renato ay ang kaniyang Ama kaya nga kahit hindi pa naman mahaba ang buhok ko, nagpapagupit na agad ako para lang makita siya. Ganda sana tawagin si Mang Renato na Tito kaso noong huli kong sinabi iyan, pinagtawanan ako ni Enri kasi hindi raw bagay sa akin. Tch.
"Kanina pa kita tinatawag, Dale!"
Nagising na lamang ako sa reyalidad nang yugyugin ni Kazue ang aking balikat. Kasulukuyan kaming nakatambay sa cafeteria, kumakain ng tanghalian. Hindi ko man lang napansin ang oras.
"Bakit?" baling ko sa kaniya.
"Si Yuki nang-aaya ng billiard. Ang tagal na rin natin hindi nakapaglaro, e. Punta tayo?" anyaya niya. "Itong si Callum lang hindi sasama kasi mas gustong magmukmok at magbasa sa bahay nila."
I sighed. "Pre, hindi rin ako sigurado."
Si Yuki ay schoolmate lang din namin at nakakasama sa bilyaran kaya medyo close na rin kami sa kaniya. Sila ni Kazue ang laging nagtutuos nitong bakasyon. Nagpunta kasi kami ng aking pamilya sa Spain para bisitahin ang ilang kamag-anak namin doon.
"Ano ba 'yan, ang KJ niyo talaga. Maganda sana 'yon para sa mga brokenhearted," giit niya.
Ininguso ko si Callum na seryosong nagbabasa. "Pre, sama ka. Brokenhearted ka rin pala?"
"To hell with that," malamig na sagot nito.
"May mga magaganda roon! Nandoon nga si Hestia, 'yong maganda sa TVL!" si Kazue.
Pabagsak na inilapag ni Callum ang librong hawak at masama ang tingin na ipinukol iyon kay Kazue na malawak naman ang ngisi.
"Pupunta ako," mariin niyang sinabi bago binalik ang tingin sa binabasa.