Chapter 3

96 9 2
                                    

Ano bang ginagawa niya rito? Makikikain?

Talk about awkwardness. Nasa hapag na kaming lahat. Nasa kaliwa ko ang dalawang kaibigan samantalang nasa harap namin sina Enri, Seia, at Lethius. Si Mang Renato naman ay nasa upuan para sa padre de pamilya. Kasulukuyan kaming nakatayo habang nakasaklop ang mga palad.

We’re praying. Si Mang Renato ang nagsasalita.

Hindi ko mapigilang dumilat nang palihim. Sumulyap ako sa katabi at taimtim naman silang nakikinig, maging ang dalawang babae. Nang tumingin ako kay Lethius, nakatingin na rin pala siya sa akin. Maliit siyang ngumiti at muling pumikit. Gusto niya yatang masipa sa ilalim ng lamesa. Mukhang natatawa, e.

“Amen!” sabay-sabay nilang bigkas.

Matapos ang dasal, kumanta muna kami para kay Enri na panay saway sa amin. Cute-cute talaga. Nilingon ko si Lethius na umuupo na rin nang may ngiti sa labi. Hah!

Nagdala pa talaga ng mga bulaklak at chocolate. Idea ko sana iyon pero sige, siya na lang. Pasalamat siya nakalimutan kong bumili dahil masiyado akong naaliw sa cake.

“Seia, ilang taon ka na?” baling ko kay Seia.

Na-curious ako at gusto ko rin malaman kung ilan para hindi lang ako ang minor pa rito. Si Seia ay ‘yong babaeng maganda na nakita ko sa grade 12 STEM. Kapag tinabi talaga sila ni Enri, sobrang laki ng kaibahan sa kilos. Although pareho silang maganda, mas mukha siyang feminine. Mahinhin pa siyang tunay.

Namula ang pisngi niya at tumungo. “18.”

Narinig ko kaagad ang mahinang bungisngisan nina Kazue at Callum. Mga buwisit.

“Ikaw lang talaga minor dito, Dale,” tawa ni Kazue.

Inis kong sinipa ang paa niya sa ilalim na nagpatikom ng kaniyang bibig.

Ngumiti ako kay Seia. “You look more beautiful tonight.”

“Kanta iyon, ‘di ba?” dinig kong bulong ni Kazue kay Callum. Namo talaga.

Nahihiya namang tumingin sa akin ang babae. “T-Thank you.”

I simply nodded to acknowledge her. Nang bumaling ako kay Enri, masama na ang tingin niya sa akin. Nagseselos siguro ito.

“Tapos siyempre ang birthday girl na sobrang ganda rin kahit parang nanghahamon lagi ng away sa kanto,” parinig ko.

Inismiran niya ako. “Oo, tapos ikaw ang una kong uupakan.”

“That’s harsh, Enri,” komento ni Callum.

“Mas matino ka pa rito kay Dale. Magpalit nga kayo ng anyo.”

“No, thanks.”

Ah, may gano’n? Pasimple akong ngumuso at dumapo agad ang aking tingin kay Lethius. Hindi tulad ko, nakasuot lang siya ng plain white t-shirt at pantalon. Masiyado talaga siguro akong OA.

“Oh, siya, siya. Kumain na muna tayo,” si Mang Renato. Binuksan niya na lahat ng pagkain kaya nagsimula na rin kaming kumuha.

Sinadya ko talagang unahin ang mga niluto ni Enri. May pansit bihon, spaghetti, biko, at adobong manok. Hindi ko talaga hilig ang mga ganitong pagkain pero dahil siya ang nagluto, kakainin ko. Suwerte niya na talaga sa akin.

Naupo na rin kaming lahat at kumain. Ayon kay Mang Renato, hindi niya raw inaasahan na may dadalhin kami. Natutuwa nga rin ako kasi kami lang ang taong nandito. Parang family bonding lang kumbaga. Sadly, matagal nang wala ang Mama ni Enri kaya silang dalawa na lang ni Mang Renato ang naiwan.

Sina Seia at Lethius ay childhood friends kaya noong inimbita ni Enri si Lethius, isinama na rin si Seia. Sa totoo lang, ngayon lang nagkaroon ng kaibigang babae si Enri. Baka nga kinaibigan niya lang kasi kaibigan ng crush niya! Hindi ko talaga mapigilan ang bugso ng damdamin. Nandito pa si Lethius at magkatabi ang dalawa.

Reaching The Star (Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon