2 months later..
Naging smooth naman ang pagiging buhay mag asawa namin ni Luhan. Simula nung nagtampo ako sakaniya nung hindi siya umuwe dahil nalasing siya ay hindi na siya umiinom ng alak sa labas, dito na siya sa bahay umiinom mag isa. Minsan nakakatampuhan padin kami sa ibang bagay pero naayos naman namin agad.
Sana nga ganito nalang kami forever. Yung away tapos magbabati din agad. Nakatanaw ako sa bintana mula dito sa 7th floor. Umuulan kasi kaya hindi ako makalabas. Wala din si Luhan dahil may praktis sila, gusto ko nga sanang sumama kaya lang ayaw niya. Nilaro laro ko nalang yung kurtina habang nakatanaw parin sa bintana.
Lately, gustong gusto kong mapag-isa tapos gustong gusto kong kumain ng mga pagkaing blueberry flavor. Ang weird nga e, gusto ko lagi kong supt na damit my touch of violet. Minsan iniisip ko kung bunga ba to ng pagiging buhay may asawa or ano. Mabilis din akong mairita, lalo na pag nilalambing ako ni Luhan.
*bzzt bzzt*
Kinuha ko yung cellphone sa bulsa ng shorts ko.
---
From: My Hubby <3
No! There's no way I would meet you again. No. Not again.
---Napakunot yung noo ko. Wrong sent?
Ewan ko pero bigla natakot ako. May kaaway ba si Luhan? Bakit hindi naman niya nukukuwento saakin.
Hindi ko nalang pinansin yung text niya. Baka kaya may hindi lang siya nakasundo at hindi niya sinabi kasi ayaw niyang alalahanin ko pa yun. Umalis na ako sa bintana at humiga sa bed.
Hindi ko alam kung anong gusto kong gawin. Naiirita nanaman ako.
~~~
Luhan POVSince that day na nagkatampuhan kami ni Charisse ay hindi na ako umiinom sa labas lalo na sa bar. Natuto na ako. Baka mamaya sa susunod hindi tampo. Nagpapahinga kami ngayon, 10 minutes break. Kakabuo lang namin ng limang step para dun sa first stanza ng kanta namin.
Kinuha ko yung cellphone ko. Nagulat ako ng number nanaman niya yung lumabas sa notification. Hindi ba talaga ako titigilan ng babaeng to?!
Kasabay ng pagbababo ko ay ang pangungulit naman ni Kianna. Walang araw na hindi ako nakarecieve sakaniya ng text o tawag. Hindi ko nalang pinansin yun kaya lang minsan pagnapupuno na ako pinapatulan ko na din sa text.
Nagtype ako ng sasabihin ko sakaniya at sinend na yun.
Sana naman lubayan na niya ako.
Oo inaamin ko na may parte padin saakin na malaman yung nakaraan naming dalawa ni Kianna. Pero pag iniisip ko namang mabuti, bakit ko pa babalikan kung kahit maalala ko naman hindi ko na din naman maibabalik yung nakaraan. Isa pa mahal na mahal ko so Charisse, ikamamatay ko pag nawala siya saakin.
"Luhan hyung.." Tumabi si Kris sa tabi ko.
"Oh?" Sagot ko naman at itinago ang cellphone ko.
"Minsan ba nagsusungit din sayo si Charisse?" Seryosong tanong niya. Napaisip naman ako.
Hm.. Nitong mga nakaraang buwan ang bilis niyang mainis at ang init ng ulo niya. Kahit nga nilalambing ko e, mas lalo pang naiirita.
Tumango ako. "Oo. Parang laging may dalaw." Biro ko. Napangiti naman si Kris.
"Si Desiree din kasi. Hindi ko na nga alam yung gagawin ko sakaniya e." Hinimas ni Kris yung noo niya.
"Hyung, ganyan sigurp talaga pag may asawa na nagiging masungit na." Natatawa kong sabi.
Umiling ito. "Siguro nga. Pasalamat siya mahal ko siya, kung hindi nako." Biro niya pabalik, nagtawanan nalang kami.
Bakit kaya ganun no? Ang mga babae pag nagkakaroon ng asawa nagiging masungit. Nilalambing na nga magsusungit pa lalo. Hayy. Buti nalang may mga lalaki pang tulad namin ni Kris, nagmamahal ng tapat kaya kahit masungit nagtitiis.
BINABASA MO ANG
Engaged to Exo LUHAN
FanfictionShe's a die hard fangirl of EXO. A pretty girl with a good family background. Her dream is to marry EXO Luhan until one day she woke up with a invitation card of her own Engagement party. She don't want to get married to a guy he doesn't even know...