"Good morning." Bati ko sakaniya.
Halata sa mukha niya na inaantok pa siya. Ginusot nito ang kaniyang mga mata chaka ako binati.
"Good Morning." Labas gilagid niyang ngiti.
"Kain kana." Sabi ko habang nilalagay yung mga niluto ko.
Maaga akong nagising para magluto ng agahan. Nasanay na kasi akong pinagluluto si Luhan kaya siguro hinahanap hanap ko na tuwing umaga na magluto. Umupo naman si Lee Ban sa upuan malapit saakin.
"Let's eat together." Hinawakan niya yung braso ko ng paalis ako para ilagay yung pinggan sa sink. Nagpuppy eyes pa ito. Tumango ako at ngumiti.
"Wait, ilalagay ko lang ito." Sabi ko. Inilagay ko na nga yung plato sa sink at chaka umupo sa harap niya.
Para siyang baliw na nakangiti at nakatingin lang saakin habang kumukuha ako ng pagkain. Naiilang ako sa mga titig niya kaya ngumingiti nalang ako.
"May problema ba?" Mahina at nahihiya kong sabi. Masigla naman siyang umiling.
"None. Ang ganda mo kase sa umaga." Biglang sabi niya. Naubo naman ako bigla at alam kong namula ako sa sinabi niya.
Hindi talaga ako sanay sa mga banat niya. Lalo na yung mga ganyan. Isang linggo na din ako dito sa bahay niya. So far maganda naman ang pangingitungo niya. Maalaga siya, mabait at masasabi ko na ding mapagmahal pero kahit ganun ay may isang bagay akong di kayang ibigay sakaniya.. Yun ay ang puso ko.
Sabi nila minsan lang daw ma inlove ang isang tao and the rest ay puro paghanga nalang. Dati hindi ako naniniwala jan pero ngayon? Oo naniniwala na ako.
Itinuloy ko nalang ang pagkain ko at nagsimula na din siyang kumain. Ngumingiti nalang ako sakaniya tuwing tumitingin siya saakin.
Thankful ako dahil andiyan si Lee Ban at ang mga kaibigan ko na sumosuporta at nag aalaga saakin kahit papaano ay nabawasan na ang sakit. I don't know kung nawabasan o pansamantala ko lang nakalimutan.
Napagod na din kasi akong isipin lahat ng nangyari. Bukod dun ay hindi healthy sa baby ko kung magpapadala ako sa emosyon ko kaya mas pinili ko nalang na wag munang isipin lahat. Kasabay ng pansamantalang paglimot ay ang hindi ko pag aalam ng mga pangyayari sa buhay ni Luhan.
Namimiss ko na siya. Hindi naman mawawala yun dahil tatlong taon siyang naging bahagi ng buhay ko pero ayoko lang muna talaga na mag akasaya ng Luhan ngayong alam ko naman na ako lang yung nasasaktan habang siya masaya. :(
"Magpapacheck up kaba mamaya?" Napatingin ako kay Lee Ban.
"Oo, ngayon yung last schedule ng check up ko kasi malapit ng lumabas si baby." Masayang sabi ko. Ramdam ko din na sumaya siya.
"Great! Let's go to the hospital together." Masayang sabi niya. Tumango naman ako.
Agad naman niyang binilisan ang pagkain niya. Nauna akong natapos kaya agad akong naligo at nagbihis. Isinuot ko yun isang pulang bistida na lagpas tuhod ang haba. Sobrang halata ng baby bump ko, hindi ko alam kung lahat ba ng nanay nafefeel yung ganito.. Yung nacucutean sa baby bump nila. Mas lalo tuloy akong naexcite na makita si Baby.
*Knock 3x*
"Are you ready?" Sigaw nito mula sa labas ng kwarto ko.
Nagmadali naman akong maglagay ng lipstick.
"Coming!" Sigaw ko at dahan dahan na binuksan yung pinto.
BINABASA MO ANG
Engaged to Exo LUHAN
FanfictionShe's a die hard fangirl of EXO. A pretty girl with a good family background. Her dream is to marry EXO Luhan until one day she woke up with a invitation card of her own Engagement party. She don't want to get married to a guy he doesn't even know...