"Doc! Anong nangyari sa baby ko?!" Humawak ako sa balikat ni Doc pagkalabas niya ng E.R.
"Doc, yung anak ko! Okay lang naman siya diba? Diba doc?!" Napakagat ako sa labi ko. Pakshet!
Kasalanan ko to! Hindi sana malalagay yung buhay nila sa piligromkung hindi dahil saakin! Paak! Kasalanan mo to Luhan! Kasalanan mo!!
"Arrrrrrrrrrgggggggggggghhhhhh!!!!!!!!" Tinulak ko si Doc at pinagsusuntok yung pader.
Wala akong kwentang ama! Wala akong kwenta asawa! Dapat ang ginagawa ko ay protektahan at alagaan sila pero ano? Anong ginagawa ko? Ako pa yung dahilan kung bakit nasa piligro sila. Ang tanga!
Isinandal ko yung ulo ko sa pader at ipinikit ang mata ko. Pag may nangyaring masama sa asawa at anak ko magpapakamatay ako!
"Luhan, kumalma ka lang please. Hindi na masabi ng doctor yung resulta dahil naghihisterikal kana." Sabi ni Desiree.
Napasabunot ako sa buhok ko sabay hingang malalim.
"Ano nga? Anong resulta? Okay lang ba sila?!" May bahid ng inis at pag aalala konh tanong. Lumunok naman yung doctor na halatang natatakot saakin.
"S..Stable na po ang lagay ng pasyente pero yung baby.." Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Wag mong sabihing...
"ANONG NANGYARI SA ANAK KO?! ANONG NANGYARI?!!!!" Kinuwelyuhan ko yung doctor. Hutang ina! Wala ako sa mood na makipaglokohan sa doctor na to!!!
"S..sir.. Relax lang po." Sabi nung doctor habang nakataas pa yung kamay.
"LUHAN!!" May dalawang tao namang sumigaw. Pag lingon ko Xiumin at Kris pala.
Napabitaw na ako agad kay doc at pilit na kinalma ng bahagya ang sarili ko.
"Hyung! Relax ka lang." Niyakap ako ni Xiumin.
"Walang magagawa yang pagiging sadista mo sa ganitong sitwasyon Luhan. Huminahon ka." Sabi ni Kris. Tumingin nalang ako sa ibang direksyon.
Palibhasa kasi hindi niyo alam yung hirap ng sitwasyon ko. Palibhasa wala kayong alam sa nararamdaman ng isang amang tulad ko.
"So what a bout the baby doc?" Tanong ni Des.
"Yung baby ay hindi pa stable, humina yung kapit niya dahil sa sobrang pagdudugo ng pasyente. Nangyayari to kapag dalawang buwan nalang bago lumabas yung baby. I'm sorry to say this pero kung patuloy na mastress ang pasyente baka mamatay ang baby sa tiyan niya at delikado po yun." Nag init yung ulo ko sa sinabi niya.
"ANO?! Doctor kaba talaga? Paano mo nasasabing mamatay yung anak ko ha?! Kung doctor ka gawan mo to ng paraan!" Sasapakin ko na sana si Doc ng humarap si Kris at Xiumin. Huminga nalang ako ng malalim. Magpasalamat kang doctor ka kung hindi patay kana!
"I'm sorry doc, gagawin po namin ang lahat para di siya mastress." Sabi ni Des at nagmadali ng nagpaalam Yung doctor.
"For Christ Sake Luhan! Anong bang gusto mong gawin? Patayin yung doctor?" Sigaw ni Kris pagkabitaw niya saakin.
"Get hold on yourself! Sa tingin mo ba yan yung solusyon nito Luhan?! Hindi kita maintindihan! Imbes na atupagin mo yung pag iisip ng magandang explanation tungkol sa nangyari sa asawa mo sinisisi mo pa yung doktor!" Umiiling iling si Kris.
"Des, let's go. Baka mamaya mapahamak pa yang anak natin sa gagong to." Sinamaan ako ng tingin ni Kris at hinila niya si Desiree palabas.
Napapikit nalang ako sabay upo sa upuan. Naisandal ko ang aking ulo sa pader. Tama si Kris. Hindi ko dapat sisihin yung doktor kasi ako naman may kasalanan dito e. Dapat hindi ko din pairalin yung init ng ulo. Kumalma ka Luhan!
BINABASA MO ANG
Engaged to Exo LUHAN
FanfictionShe's a die hard fangirl of EXO. A pretty girl with a good family background. Her dream is to marry EXO Luhan until one day she woke up with a invitation card of her own Engagement party. She don't want to get married to a guy he doesn't even know...