Nabato ako sa kinatatyuan ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong reaksyon dapat ang ipakita ko. Magkakaanak ako?...sa babaeng parte ng nakaraan ko.
"Luhan, ikaw ang ama ng batang dinadala ko." Humigpit yung pagkakahawak niya sa braso habang umiiyak.
Nasa term of shocked pa ako.
Bakit?
Paano?
Isang gabing lang naman yun. Paanong may nabuo?
"Sigurado kabang anak ko yan?" Hinugot ko na lahat ng lakas ko para maitanong yan.
Mukhang hindi siya makapaniwala sa tanong ko. Napiling ito at biglang nagiba ang expression ng mukha. Napapikit ako ng mariin.
"Kianna, baka naman hindi ako ang----"
*paaaak*
Napahawak ako sa pisngi ko. Tila hindi ko naramdaman ang sakit. Tumingin ako sakaniya at nakatingin ito sa mga mata ko, galit na galit.
"Matapos na may mangyari saatin Luhan?! Matapos mo akong gawing parausan ito? Ito pa yung igaganti mo?! Anong tingin mo saakin malanding babae na kung kanikanino kumakama?!" Naguilty naman ako.
Oo nga may nangyari saamin nung gabing yun, pero minsan lang yun at di na naulit paanong may nabuo.
Arrh! Mababaliw na ako!
"Kung ayaw mong panagutan ang batang dinadala ko, fine, ipapalaglag ko nalang." Pinunasan niya yung luha niya. Hindi ko naman masikmura na papatayin niya yung bata. At kinabahan ako may posibiledad nga naman kasi talagang anak ko yun dahil may nangyari saamin.
Kung anak ko talaga yan wala akong magagawa kung hindi panagutan.
"Fine, Papanagutan ko yang bata." Hinawakan ko yung kamay niya.
"No. You don't have to do this Luhan. Ipapalaglag--"
"No!! Papanagutan ko na nga Kianna, what else do you want?! Wag kanang mag inarte! Papanagutan ko. Papanagutan ko na!" Naisuklay ko nalang yung kamay ko sa buhok ko. I'm frustrated right now. I thug my hair.
"But for now, leave me alone. I need to think." May kumawala munang luha sakaniya bago ito umalis.
Ugh! Naguguluhan ako. Bakit kailangan maging ganito ang sitwasyon? Bakit kailangan mas maging magulo?
Sinipa sipa ko yung gulong ng kotse ko at napasandal nalang ako.
I'm trying my best to be a loyal husband. Lalo na ngayong magkakaanak na kami. Anong gagawin ko? Paano ko sasabihin kay Charisse to?
"Damn it!"
---
Charisse POV"May check up kaba ngayon?" Tanong ni Kaila. Nandito kami sa isang coffee shop. Umiling ako.
"Wala. Tapos na last week. Sinamahan ako ni Yeol." Sagot ko sabay higop sa kape. Napatango lang ito.
Ang totoo niya , bores na ako sa bahay kaya napag isip isip kong lumabas at itext si Kaila para samahan ako. Lately, busy si Luhan siguro pati buong EXO. Medyo nalalate siya umuwe at minsan hindi na kumakain ng dinner sa bahay dahil kumain na daw siya kasama ang EXO members.
"So, may pangalan naba yang inaak ko?" Open ni Kaila ng topic.
"Uhmm.. Wala pa." Sagot ko. Napailing naman to.
"Bakit wala pa? May gash, ilang buwan nalang no. Dapat meron na." Humigop ito sa kape niya. "What about.. Lorisse?" Mungkahi niya. Natawa naman ako.
BINABASA MO ANG
Engaged to Exo LUHAN
FanfictionShe's a die hard fangirl of EXO. A pretty girl with a good family background. Her dream is to marry EXO Luhan until one day she woke up with a invitation card of her own Engagement party. She don't want to get married to a guy he doesn't even know...