Maaga akong nagising. Tulog pa si Luhan sa tabi ko. Tumitig muna ako sakaniya at hinawi yung buhok niya. Namiss ko talaga siya. Humalik ako sa noo niya bago ako tumayo at pumunta sa kusina.
Tiningnan ko yung lamang ng ref namin at inilabas yung hotdog, bacon at egg. Nagsangag ako ng kanin at nagprito. Pagkatapos ay inihanda ko iyon sa lamesa. Sakto namang paglagay ko ng plato sa mesa ay dumating si Luhan. Ngumiti ako sakaniya, tumitig lang siya saakin.
"Good morning!" Bati ko. "Halika ka kain kana hubby." Tinap ko yung taas ng upuan na nasa tapat ko.
Hindj siya umiimik nakatitig lang siya saakin.
Ngumiti ako muli. "May problema ba?" Malambing kong tanong.
Nabigla ako ng ngumisi ito at irapan ako.
"Tinatanong mo pa talaga ako." Ang cold ng boses niya. Tiningnan niya ako pataas pababa.
"Buti dito ka umuwe at hindi dun sa lalaki mo." Sabi nito.
Naguluhan naman ako. Anong lalaki? Wala naman akong lalaki ah!
"Luhan, wala akong lalaki." Malumanay kong sagot sakaniya.
"Ha-ha wala? Talaga? Wag mo nga kong gawing tanga dito Charisse!" Nagulat ako dahil sumigaw siya. Napasinghap ako.
"Ano bang sinasabi mo Luhan? Wala akong lalaki." Paliwanag ko.
Ngumisi ito. "Talaga? Eh sino yung tunay na ama ng dinadala mo?" Nanlaki yung mga mata ko. Napanganga ako sinabi niya.
"Ano bang pinagsasabi mo Luhan? Ikaw ang ama ng batang to!" Medyo tumaas na din boses ko.
"HAHAHAHHAHA!" Tumawa siya ng mapang asar. Tiningnan ako nito na parang may ginawa akong masama.
"Talaga? Eh paano mo ipapaliwang tong video na to?" Inilabas niya yung cellphone niya at may plinay na video.
Nanlaki yung mga mata ko at napaawang ang bibig ko. Unti unti ay may namumuong luha sa gilid ng mga mata ko. Hindi ko alam yung mararamdaman ko. Biglang bumalik yung trauma at aalala nung araw na yun. Bigla ay natakot ako.
"Luhan.. Magpapaliwanag---"
"WAG KA NG MAGPALIWANAG! ANO PA? ANO PANG IPAPALIWANAG MO E KITANG KITA NA SA VIDEO NA TO!!!" Napaatras ako ng ibato niya yung cellphone at nagkapira piraso ito sa harapa ko.
Nanginginig yung tuhod ko. Napahawak ako sa upuan sa harap ko para sa suporta. Nakayuko lang ako. Natatakot ako na kinakabahan.
"SABIHIN MO NGA SAKIN, HINDI PA BA SAPAT YUNG PAGMAMAHAL NA BINIGAY KO SAIYO?! HINDI PA BA AKO SAPAT SAIYO?!" Narinig ko siyang humakbang hanggang sa makita ko yung mga paa niya sa tapat ko. Nakayuko parin ako. Tumutulo na yung luha ko.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko at kung paano ko ipapaliwanag yung video. Alam ko hindi dapat ako matakot kasi wala namang akong ginawang masama dun. Ako yung biktima dito e. Pero bakit parang ang lumabas ay kasalanan ko pa? Napapikit nalang ako. Tuloy parin ang agos ng luha sa mga mata ko.
Huminga ng malalim si Luhan at iniangat ang mukha ko. Nakapikit parina ko.
"Paano mo nagawa sakin to? Hindi pa ba sapat yung pagmamahal ko saiyo?" Napadilat ako dun sa sinabi niya.
"Luhan hindi kita niloloko.. Maniwala ka sakin.." Tumingin ako sa mata niya. Huli na dahil puno na ito ng galit.
"Hindi mo ako niloko?.." Ngumisi ito. "Gusto ko sanang paniwalaan yan kaya lang ayoko na. Tama na Charisse. Ang tagal tagal ko ng nagpapakatanga sayo! Simula palang ako na yung laging sumusuyo sayo! Ang dami na nating pinagdaanan pero hindi ito pa yung ginawa mo!" Tinulak niya ako bigla.
BINABASA MO ANG
Engaged to Exo LUHAN
FanfictionShe's a die hard fangirl of EXO. A pretty girl with a good family background. Her dream is to marry EXO Luhan until one day she woke up with a invitation card of her own Engagement party. She don't want to get married to a guy he doesn't even know...