Chapter 1: Hydrangea

622 20 5
                                    

Ella POV

"Ky... anyare?" I asked her and directed my sight to a distressed Jema on a call.

Ky and Jema own Harmony Weddings & Events. Sila ang naghandle ng decor and coordination sa event today.

"Eh... kasi kulang yung dumating na flowers from Japan kanina. Yung Hydrangea pa talaga para sa head table, yun pa ang wala." Ky replied. Jema just finished the call and came closer to where Ky and I were. She just gave me a faint smile, I did the same, and then she turned her attention to Ky.

"Hindi daw na relay nung assistant kay Ms. K kaya hindi nasama."

"Pano yan, anong plano natin?" Ky asked

"Tinawagan ko na din yung local supplier natin, wala daw silang available this week" Jema replied

Hindi na maipinta ang mukha ng dalawa, nag-iisip anong pwede nilang gawin.

"Je may sasakyan ka diba?" tanong ko

"Yes meron"

"Tara, sama ka muna sakin, dala tayo ng boxes"

Jema POV

Ella drove my car, parang may alam siyang supplier kaya sumama ako. First time yung ganitong interaction namin. Mga dalawang taon na rin siguro kaming nagpapang-abot sa mga wedding events. Halos every week may event kami na Ever After Media yung photo/video team. Hi, hello, or ngitian lang naman kami usually. Or pag may after party may konting usap about sa event, pero usally tahimik lang siya, yung mga kasama niya sa team palagi nakikipagchikkahan sa amin.

First time kanina na nilapitan niya kami ni Ky. Syempre a day before the event andun na kami sa venue para mag decorate. Siya naman, napansin ko, palaging nauuna sa team nila, a day before din para mag ocular ulit. Bat ko ba napansin yon.

Tahimik lang kami buong byahe until pumasok kami sa isang exclusive subdivision and sa isang mansion na pagkalaki-laki ng gate.

"Regular client namin sina Mrs. Tan. Tignan natin kung meron sa kanila. Tara." aya niya sa aking bumaba.

After niya mag doorbell, pinapasok naman kami agad ng guard. Kilala na ata siya. 2 minutes later lumabas naman yung Mrs. Tan.

"Teka lang ah, dito ka muna kausapin ko muna" sabi ni Ella

Paglapit ni Ella nagbeso sa kanya yung madam, parang well acquainted sila. Hindi ko sila marinig pero nakikita ko na nag-eexplain si Ella sa kanya. Tumango naman yung madam tas lumingon si Ella sakin signaling na lumapit sa kanila.

"Ma'am, si Jessica Galanza po from Harmony Weddings & Events"

"Nice meeting you po ma'am"

We exchanged pleasantries then naglakad na kami papunta sa right side ng property nila kung saan may malaking garden.

"Eto kakarating lang galing sa farm namin, buti maaga kayo E." sabi niya kay Ella sabay tingin sa akin. "Hindi talaga ako nagsusupply sa events kasi may clients narin ako sa mga to pero since malakas si Ella sa akin, sayo ko ibibigay."

"Talaga po? Ma'am sobrang thank you talaga."

"O sige kunin niyo na, about sa payment naman kung anong rate niyo import niyo, 10% discount sa akin tsaka I'll give you 1 week to settle the payment. Kapag hindi ka nagbayad, libre next event na ipapacover ko kay Ella" loko naman ni ma'am

After we discussed the payment arrangements, ni-load na namin ni Ella sa likod ng sasakyan yung flowers and drove back sa venue.

"I owe you big time on this E"

"Kape lang sapat na" sabi naman niya ng nakangiti while driving.

Quiet gestures, ganun pala siya.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon