Chapter 12: Ella's Solace

235 14 2
                                    

Jema POV

Gusto ko siyang tanungin bat sinama niya ako dito. Bat ako. Sino si Aeriel. At kung ano ba tong pinapakita namin sa isa't isa. Bumaba muna si Ella saglit para labhan daw yung mga binili naming damit at matuyo agad habang may araw pa. Ang ganda ng view dito. White sand beach at napaka tahimik lang. Marerelax ka talaga. Naalala ko tuloy yung sabi ni Ella. Gusto niya sa dagat kasi 'it drowns the noise of life.'

"Je? Kain muna tayo, luto na ang ulam"

Pumanhik naman ako tapos pumunta kami sa kubo nina mang Berting. Na meet ko din asawa niya si aling Lita.

"Ok lang ba sayo magkamay?"

"Oo naman... Ang sarap naman po nang niluto niyo" baling ko ng attention ko kina aling Lita

"Request ni Ella yan, inihaw na isda, kilawin, sea urchin. Kumakain ka ba nyan?"

"Hindi ko pa po na try"

Kumuha na man si Ella, nilagyan niya ng sukang maanhang tsaka isinubo sa akin. Medjo nagulat pa ako konti sa ginawa niya, pero ang sarap pala.

"Mamayang gabi inihaw na pusit naman tayo" sabi ni aling Lita. At nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Pagkatapos non, tinulungan muna ni Ella si aling Lita sa kusina. Tanaw lang naman namin sila ni mang Berting sa mesa.

"Ngayon lang yan si Ella nagdala ng kasama. Sa pabalik-balik niyan dito siya lang palagi mag isa" kwento ni mang Berting.

Kahit yung Aerial di niya dinala dito?

"Palagi po pala si Ella dito?"

"Siguro sa isang taon mga apat o limang beses yan nagpupunta dito. Mabait yang batang yan, palaging may dalang pasalubong sa amin. Para na rin naming anak. Hindi makwento si Ella sa personal niyang buhay pero ramdam namin ni Lita pumupunta yan dito para huminga galing sa problema niya sa Maynila. Nakaka-usap lang namin yan saglit, gaya ng ganito habang kumakain. Pero kadalasan andon lang yan siya sa buhanginan nakatingin sa dagat hanggang dumilim."

Pagbalik ni Ella inaya niya muna akong maglakad-lakad kaya nagpaalam muna kami kina mang Berting. Nilibot namin yung isla tsaka nagpahinga sa may buhanginan. Nung hindi na mainit, inaya nia akong magkayak. Ang sarap pala sa pakiramdam na napapalibutan ka ng dagat at namnamin mo lang ang katahimkang hindi mo magagawa kung nasa Maynila ka.

Nung padilim na, tinawag na kami ulit nina aling Lita para maghapunan. Pagkatapos non nagrequest naman si mang Berting kay Ella.

"La, miss na namin boses mo." sabay abot ng gitara kay Ella.

Ako naman ang tumulong kay aling Lita magligpit habang nagkakantahan lang sa mesa sina Ella. Ang ganda ng boses niya, nakakahumaling. Muntik ko pang mabitawan yung basong sinasabunan ko. Maaga pala silang matulog dito kaya umalis na rin kami ni Ella pagkatapos. Inabutan niya ako ng isang bote ng flavored beer at may isa din siyang hawak habang naglalakad kami sa dalampasigan.

Naalala ko bigla sabi ni mang Berting kaninang tanghali. "Kadalasan makikita mo kay Ella ang bigat ng pakiramdam niya. Pero ngayon, hindi siya ganon"

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon