Chapter 2: Coffee

289 14 9
                                    

Jema POV

Pagkatapos namin ma unload yung flowers pagdating sa venue nagpaalam na rin muna umalis si Ella kasi mag o-ocular daw muna siya. Naging busy naman kami magdamag hanggang sa event kinabukasan kaya hindi kami nagkausap.

After the ceremony may 30-minute break para sa pictorials ng groom and bride. Nasusulyapan ko naman siya kumukuha ng videos mula outdoors hanggang sa indoor reception. Napakaseryoso naman neto. After nung entrance nung couple sa reception, pinalitan muna siya ng dalawang videos assists nila para makapagpatuloy siya sa same-day edit niya.

Lumapit na ako at nilapag ko naman yung iced coffee sa harap niya. Tumingala na man siya sa akin and gave me shy smile.

"Loko lang naman yung kahapon eh"

"Ano ka ba, kulang pa nga yan eh. Sinalba mo talaga kami kahapon"

"Ano ka ba. Kahit hindi naman kita natulungan alam ko makakahanap kayo ng paraan"

Ang taas naman ng tiwala niya sa akin. Di pa naman niya ako masyadong kilala.

"Sige, iwan muna kita para matapos mo na yan"

Sa after party ko na ulit nakita si Ella. Nagka-ayaan yung grupo namin tsaka grupo nila, dun lang din naman sa venue. After a while, she slowly exited the crowd. Sinundan ko naman siya ng tingin hanggang nakita ko siyang umupo sa buhanginan at nakatingin sa dagat.

"Naiingayan ko ba sa loob?" Umupo naman ako sa tabi niya sabay lingon niya.

"Ok lang naman. Mas gusto ko lang talaga yung ganito, nakikinig sa alon, nakatingin sa dagat" The she puffed her cigarette. Napa-ubo na man ako ng di sinasadya.

"Sorry, sorry!" Sabay patay niya sa sindi nung yosi.

"Pasenya na din, na istorbo ko pa ata moment mo eh"

"Hindi ok lang" tas ngumiti sa akin

"Matagal ka ng nagyoyosi?"

"Hmm... Mga 2 years na ata" sagot ni Ella

We were silent for a while until she chugged her beer and I noticed her small wave tattoo just right above her wrist sa gilid malapit sa carpal boss bone.

"Mahilig ka pala talaga sa dagat ano?" tanong ko ulit

"Huh?"

"Yung tattoo mo kasi"

"Ah eto ba.. Eh oo. Nakakakalma kasi sa harap ng dagat, alon lang maririnig mo. Parang ang peaceful lang, kumbaga para sa akin, it drowns the noise of life"

Parang ang lalim naman ng pinanghuhugutan ng taong to. 

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon