Chapter 11: Beach Invite

250 14 6
                                    

Jema POV

It was a Saturday morning and rest day ko sana pero ang aga naman nag ring ng phone ko. Hindi ko nakita yung caller ID kasi hindi ko pa masyadong madilat yung mata ko.

"H-hello?..." I said groggily

"Je?"

"Sino to?"

"U-uhh Ella? Sorry nagising ata kita."

Nawala ang antok ko in a second. But I pretended I still was. Wag masyadong pahalata sis.

"Hindi, ok lang. Ano bang atin?"

"Busy ka ba today?... And tomorrow?"

Napa-isip muna ako ng ilang segundo. "Hindi na man, bakit?"

"Invite sana kitang mag beach eh, pwede ka ba?"'

"Napabalikwas na man ako. Huh? Today?!"

"Yes, ngayon sana. Actually.... Nasa baba ako ng condo mo. Sorry ah, tinananong ko kay Kyla address mo"

At mulat na mulat na nga ako. "Teka sandali lang, makapanggulat ka naman". Tumawa lang siya.

Binabaan ko muna siya sa lobby. Nagtaka na man ako nung makita ko siya. Naka shorts and t-shirt lang siya... and isang beltbag. Napalingon na man ako pero wala talagang ibang bag.

"Asan gamit mo?"

"Eto na yun"

"Huh? Sira ka ba?"

"I hope you're up for some adventure." Ano kayang plano neto. Teka, alam ba to ng girlfriend niya? 

Nalilito ako kung tanungin ko na ba siya ngayon or mamaya na. Ayoko rin kasing ma cancel yung lakad namin. Pinabalik niya naman ako sa room ko, sabi niya toiletries and undies lang daw dalhin ko, siya na daw bahala sa iba, tiwala lang daw ako sa kanya. I was back in the lobby where she was waiting in 5 minutes with just a canvas tote bag.

"Wag mo na dalhin kotse mo" sabi niya naman sa akin kasi nakita niyang hawak ko yung keyfob. There was a Grab car waiting for us pala. At laking gulat ko ng dinala kami ng driver sa NAIA terminal 2.

Nanlaki ang mata kong tumingin kay Ella. Tinawanan niya lang ako.

"Sorry ah, I asked for your personal details kay Kyla"

Kainis ka Kyla Lllana. Pero isang malaking thank you sayo.

In 3 hours dumating kami sa Siargao. Hindi pa rin ako makapaniwala. Tinatawanan lang ako ni Ella kaya sunod lang ako ng sunod sa kanya. We first went to General Luna para bumili ng mga damit. She got 3 sleeveless tie-dyed shirts and beach shorts for her then I got 2 pairs for me and a knee-length kaftan. Then she went to rent a motorbike at nag grocery kami ng konti. She grabbed my hand and put it around her waist. Ano ba to.

After non bumyahe kami ng mahigit isang oras hanggang dumating sa Alegria. She knows her way around here so much. Parang palagi siya dito. Pagkatapos pumasok kami sa isang property na may malaking gate. It was a bare property and may maliit na dock sa dulo. May pumpboat na palang naghihintay sa amin don. In 30 minutes dumating kami sa isang small private island. May mga cottage pero wala akong nakikitang ibang tao. Inalalayan niya naman akong bumaba ng bangka.

"Client ko yung may-ari nito. Naging kaibigan ko na din eventually kaya nakakapunta ako dito" Paliwanag niya na man sa akin.

"Lay kamusta? Na miss kita ah!" Niyakap niya na man yung parang caretaker don. Close din sila.

"Nong Berting, si Jema nga pala, kasama ko sa trabaho"

Kinamayan naman ako ni mang Berting tsaka inabot naman ni Ella sa kanya yung pinag-grocery namin.

"Nako nag abala pa kayo. Sige dalhin ko muna to don. Kayo na bahala jan Lay ah"

Maliit lang yung isla, kaya mong libutin in 20 minutes. May limang 2-storey nipa cottages at dun ako dinala ni Ella sa pinaka dulo.

Hindi pa rin ako makapaniwala. Akala ko naman La Union or Zambales lang niya ako aayain. Ano ba to Ella. 

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon