Chapter 6: Welcome

231 15 10
                                    

Ella POV

2 days later may wedding event ulit kami kasama yung grupo nina Jema sa Biñan, Laguna. Wala kaming masyadong interaction bukod sa ngitian pag nagkakasalubong. Pagkatapos ko sa reception post nup, nagpacover muna ako sa mga assist namin para matrabaho ko na ulit yung same day edit. Yung work station namin is nasa labas lang ng reception hall, katapat lang ng station ng personalized wedding souvenirs. I overheard Jema telling Ky na gusto niya rin yung passport holder para terno sa cardholder na souvenir niya. Pero tig-isa lang kasi pwede ibigay.

Huli siya usually kumakain kasi sinisigurado niya muna na ok yung flow ng event. I saw her in their corner table kumakain mag-isa. Lumapit ako sa kanya and put the passport holder na pina customize ko with her initials sa table, tinandaan ko yung kulay ng cardholder niya para pareho.

Tumingala naman siya sa akin pero parang nagulat ata siya kaya hindi makapagsalita. I just smiled and went back to work.

Hindi na ako sumabay sa after party kasi napagod ako masyado, natulog na lang ako agad.

The following day nung pa checkout na ako, nakita ko si Jema sa lobby sabay lapit sa akin.

"Napagod ka raw kagabi?"

"Oo eh, kamusta after party?"

"Ok naman, di rin ako nagtagal kasi inantok na ako"

I just nodded.

"E.. thank you sa passport holder ah... Wala tuloy sayo"

"Ok lang, di rin naman kasi ako mahilig sa ganyan... Actually narinig ko kayo ni Ky kaya I figured mas mabuti na kung sayo kasi gusto mo talaga"

She just smiled shyly.

"Uwi ka na? Asan si Ky?"

"Nauna na, may inasikaso pa kasi. Ikaw ba?"

"Uwi na din"

"Pano ka ba uuwi eh nauna na sina Lex?"

"Commute" sabay ngiti

"Sabay nalang tayo, ako lang naman mag-isa"

"Are you sure?"

"Oo naman, pero ikaw magdrive ah" loko niya. Bigla na man tumunog phone niya kaya she excused herself for a while. After mga 2 minutes bumalik din.

"E... Busy ka ba? May lakad ka pa pagkatapos dito?"

"Wala naman, bakit?"

"Eh si mama kasi, daan daw muna ako sa bahay doon mananghalian, ok lang ba sayo?"

"Ay, nakakahiya. Commute na lang ako"

"Sige na please, para may kasama din akong umuwi"

Oo nga mag-isa lang siya kasi parang hinintay ako.

"Sige na nga" sabi ko then she smiled and hugged me. Nagkagulatan kami kaya napabitaw din siya agad.

Pagdating sa kanila, she introduced me to her fam.

"Ma si Ella pala, kasama naming wedding supplier. Sa photo/video sila."

"Magandang tanghali po" sabay mano ko sa mama niya.

"O halina kayo, kain na habang mainit pa"

Ang warm ng family niya, ang bait ng parents. Joker yung tatay, parang si papa ko. Simple lang sila pero masaya pag magkakasama. Natuwa na man ako, buti sumama ako. I haven't felt this kind of warmth sa family simula nung nagkasakit si papa.

Jema POV

"Ate anong meron?"

"Huh?" takang tanong ko kay Mafe.

"Hindi naman ikaw yung tipong nagdadala ng kaibigan dito sa bahay ah... May something ba kayo ni ate Ella?"

"Anong something? Wala ui" Wala pa. Sabi ko sa isip ko. "Kami na lang kasi naiwan sa team tsaka tyempong nagpang-abot kami sa lobby nung pauwi na kaya inaya ko na siyang sumabay"

"Okkaayy... Sabi mo eh" pang-aasar ni Mafe.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon