Chapter 19: Photobook

236 14 4
                                    

Jema POV

"Ano ulit yon?" nabigla naman ako, parang mali ang dinig ko

"Nagquit na siya, hindi na namin siya kasama"

"Ha?! Pano nangyari yon? Nag-away ba kayo?"

"Wala, hindi ganon"

"O bat bigla-bigla na lang siyang umalis?"

"Je, mas mabuti pa siya nalang tanungin mo niyan"

Anong nangyari Ella? Una hindi ka nagpaparamdam tas biglang magqu-quit ka sa trabaho? Isa lang naisip kong gawin agad, puntahan siya sa bahay nila.

"Tao po, tao po"

"O Jema, ikaw pala yan, halika pasok"

Pina-upo muna ako ni mama niya sa sala saka siya pumasok muna sa isang kwarto. Akala ko tatawagin niya si Ella. Paglabas niya, may dala siyang paperbag. Nagtaka naman ako.

"San po pala si Ella?

Natigilan naman sandali si tita Joy tas inabot na niya yung paperbag.

"Akala ko pinapunta ka ni Ella dito para kunin to"

"Ho?"

"Hindi ba siya nagsabi sayo? Nakaalis na siya pa New Zealand nung Huwebes"

Hindi na ako nakapagsalita other than yung paalam ko na aalis na. Pagpasok ko sa sasakyan, tinignan ko agad ang laman nung paperbag. Isang black hardbound photobook. Binuklat ko at ang unang nakita ko ay yung kuha niya nung nag stand-in ako para sa bride client namin.  Sa kada page, picture ko ang laman, mga kuha lahat ni Ella. Karamihan stolen. 

Tinignan ko hanggang sa huling page.

"I'm sorry. The sunset came sooner than I thought. I love you"

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon