Chapter 37: Old But New

288 17 24
                                    

Jema POV

"Pst, nag-aaway ba kayo?" Bulong ni ate Thea sa akin while nagliligpit kami sa kusina nila.

Natawa naman ako. "Wala ate, niloloko ko lang yan" natawa din siya.

"May girl kasing lumapit sa amin kanina, akala ko may something sila, kaya ayon nag-inis-inisan ako"

"Ah yan ba yung Kara?"

"Kilala mo ate?"

"Nakwento lang ni Marley nung nag ice cream daw sila dati"

"Talaga?"

"Nagtaka nga daw siya kay TaPots niya kasi usually don lang sa ice cream shop sila kumakain para hindi ko sila mahuli. Pero yun daw dali-daling nag-aya umalis si Ella tas sa park na sila kumain"

Natawa naman kaming dalawa. Tas biglang sumeryoso si ate Thea.

"Alam mo Je, ngayon ko lang nakitang masaya si Potpot simula ng tumuntong ng New Zealand yan. More than 14 hours yan nagtatrabaho araw-araw tas palagi lang umiinom sa kwarto niya pag weekend. Hindi nga namin maaya gumala eh. She didn't have a life outside work."

Napatingin naman ako kay Ella. Kawawa naman bebe ko.

Pagkatapos namin magligpit, bumalik na kami sa backyard nila kasi dun tumambay sina kuya Kev at Ella.

"Je naghahandle ka pala ng mga events?" tanong ni kuya Kevin

"Yes po, yung po work ko sa Pinas. Actually don kami nagkakilala ni Ella kasi sa photo/vid team naman sila"

Tapos nagkwento na siya na may mga Fil community events sila dito. Minsan napapasama sila sa nag-o-organize pero hindi nila maasikaso ng maayos kasi busy lahat kaya minsan nalang din may event"

"Love, gusto mo subukan dito?"

"Kaya ko ba yun?"

"Kaya yan, ang galing mo kaya. Try lang natin. Start small, malay mo makapag-establish ka dito diba."

Eventually pinakilala kami ni kuya Kevin sa Fil community nila dito and nag suggest siya na sa next event ng group na ako ipa-handle total busy naman lahat.

So we did. Successful naman ang first event namin, inassist ako ni Ella. Eventually pa unti-unti, may nagpapahandle na ng events sa amin until a year later na-establish na namin yung business. Nung may steady stream of clients na kami, nag-stop na akong magwork sa farm at si Ella naman ang tinulungan ko makapag start ng photo/vid team niya dito.  

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon