Chapter 4: Bikes

273 18 7
                                    

Ella POV

Buti nalang pumayag si Je mag stand-in, mas napadali ang trabaho ko. Or para-paraan ko lang ba to? Ewan. Simula nung tinabihan niya ako sa beach at nagkwentuhan kami parang gusto ko na siyang ka-kwentuhan palagi. She asked when I started to smoke but she wasn't judgy at all. She was interested in my tattoo too. I've never had someone interested in knowing more about me for a while. Or baka naman thankful lang siya dun sa tulong ko sa flowers?

I've always seen how dedicated and passionate Jema is in her work. Grabe ang work ethics niya, she had everything organized, planned out, she always had contingency plans. She looks so serious while working pero ang gentle and approachable niya sa crew and sa mga clients nila. Ilang beses na rin kasi namin silang nakasama for client meetings.

Nung nag test shot ako and pinaglakad ko siya sa ballroom walkway, parang nag slow motion ang paligid, kabog ng dibdib ko lang ang naririnig ko. Bat ganun? Palagi ko naman siyang nakikita, pero bakit ngayon I'm seeing her differently? Her smile mesmerizes me. Then I caught myself na natutulala na. Sana hindi niya napansin.

After the shoot and nakita ko silang naka pack-up na, ewan ko ba anong nangyari sa akin at tinanong ko siya kung busy ba siya.

"Uh... hindi naman. Tapos na kami dito. Bakit?"

"Gusto mo maglakad-lakad muna?"

Napa-isip naman siya.

"Wait lang ah" sabay punta niya kay Ky. Hindi ko narinig ang sabi niya pero na gets ko na pina-una na niya silang umuwi. Tumingin naman si Ky sa akin then back at Je and smiled teasingly. Then lumapit na siya ulit sa akin.

"Sige tara. Pero gusto mo ba muna iwan gamit mo sa car?" So I did. Secured naman sa loob ng La Castellana kaya safe lang gamit namin.

Actually hindi ko alam anong sasabihin to start a convo. So for a while tahimik lang kaming naglakad-lakad.

"Alam mo ba bat ako pumayag?"

"Hindi, bakit nga ba?"

"May utang pa akong kape sayo"

"Nabayaran mo yon diba?"

"Free naman kasi sa wedding yon. Hindi counted" Jema smiled while saying it.

Gosh ano ba, bat ang ganda ng ngiti niya.

Nung may nadaanan na kaming coffee shop tinanong niya ako anong gusto ko.

"Anything with triple shots of espresso and hindi masyadong matamis"

Napatingin naman siya sa akin. "Hindi ka ba nagpapalpitate sa ganyan?" tanong niya.

"Hindi na man... sa first round. Pero sa pangatlong cup... yun"

"Ano ba yan Ella, katakot ka naman"

"Nasanay na lang din. Mas mabuti na to kesa energy drinks. Alam mo na puyatan din kami sa edits"

Naparami ang kwentuhan namin about sa kape until umabot kami sa may mga bike rentals. Sakto, ubos na kape namin.

"Marunong ka bang mag bike?" tanong ko

"Oo, bakit?"

"Tara bike tayo"

Pumayag na man siya so nilibot namin ang Intramuros. Imbis na tumingin sa daan, sa kanya ako mas nakatingin. Nag slow motion na naman ang paligid. Parang ayaw ko ng matapos yung araw. 

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon