SAMANTHA"Sa totoo lang, naloloka na ako sayo..Bakit ba parang ayaw na ayaw mong makasama nitong inaanak ko yang mommy niya? oh baka naman kasi mahal mo pa....?—" . Aniya ni brandon sa akin na ngayon ay kasama kong umiinom dito sa veranda ng condo ko. Dito na kasi kami sa condo ni ate since ayaw ko nga malaman ni raychel kung saan kami ni raine. Baka araw arawin niya pa ang pag punta dito eh.
"Hindi naman sa ganon, ayaw ko lang na baka pati anak ko saktan niya"
"Bakit naman niya gagawin yun? Anak niya yan, she missed raine's birth since tinago mo naman talaga sa kaniya yung totoo, alam mo ikaw? shonga ka rin e"
"Anong shonga dun? bakit? sige nga sabihin mo nga sa akin why did she deserved to be raine's mom? e sa umpisa palang sinabi niya ng mistake yung nangyari sa amin"
Isang malakas na batok ang natanggap ko mula sa baklang manager ko. "Shunga!"
"Arayyyyy!"
"Dapat lang yan sayo para magising ka sa kapraningan mo, Oo sinabi niya nga yun...Pero sayo..Hindi sa anak niyo, eh kung sinabi mong buntis ka nung panahong pwede pa? sa tingin mo ba sasabihin pa din niyang mistake yung nangyari sa inyo? hay nako samantha ang boba mo pag dating sa love..Di kita keribels!"
Bigla kong naisip yung sinabi ni brandon, What if sinabi ko sa kaniya agad na buntis ako? . Papanindigan niya kaya ako non?
Paano kung sinabi ko sa kaniya? magiging kompleto kaya kami?
"Ano? na realized mo na ba yung mga sinasabi ko sayo? Haynako kailangan ka pang batukan para matauhan e..."
"Masama ba akong tao brandon? Mali ba talaga yung ginawa ko?"
"Tumpak! nakuha mo, oo naman! mali yung part na tinago mo si raine sa mama niya..Paano kung dumating yung point na hanapin niya yung tatay niya...este yung gumawa sa kaniya? sa tingin mo ba may maisasagot ka?"
I take a sip of my wine. "We have yuri.."
"Doble na ba talaga yang ka shungahan mo? gaga ka! hindi naman niya nanay si yuri, tsaka teka nga lang....". Nilapag nito ang hawak na wine glass at tumingin sa akin ng seryoso.
"–Did you fall inlove with yuri? OMG samantha ha, ano kana ngayon? tirador ng magkapatid?"
"Gaga! hindi no, what i meant is we have yuri at kampante sa kaniya ang anak ko, yun lang"
Tumango lang si brandon at muling binalik ang tuon sa alak.
"Basta ito lang ha..Wag na wag mo ng ipag kakait kay raychel yung anak niya..And please lang...Sabihin niyo kay raine yung totoo..Im sure maiintindihan yan ng inaanak ko.. Matalino kaya yan"
Ngumiti lang ako bilang sagot dito. Brandon was right.. Raychel needs raine, matagal din silang hindi nagkasama bilang mag ina.
Isang malakas na tawag ang natanggap ko at unknown caller to, im ready to block it ng mag text yun.
It was raychel. How did she know my number?
"S-si raychel...Bakit niya nalaman yung number ko? hoy bakla ka! Binigay mo ba sa boyfriend mo yung number ko!?". Aniya ko kay brandon dahil alam kong boyfriend niya ang manager ni raychel na si ven.
"Hindi ah! Baka si yuri?"
Why would yuri do that?