Chapter 3

960 25 5
                                    

Chapter 3

Wrong. It's a small world after all.

Maaga ako pumunta sa set. Matagal na din kasi ako di nakakapunta sa OldTown. Naaalala ko pa ang mga matatayog na puno tsaka ang maaliwalas na ilog na pinupuntahan namin parati ni Aira pagkatapos ng klase. Naglakad-lakad muna ako para magpahangin. After twenty minutes, bumalik na rin ako sa set. Nagsisidatingan na ang artista. Di ko naman sila kilala. Baka iresearch ko na lang sila sa ibang araw.

"Peter, Jane tsaka yung mga extra. Be ready in five minutes." Sumigaw yung nasa director's chair. Parang hindi naman si Bill yun boses. Siya na siguro si Direk Pogi.

"Kim, magready ka na." tumapik si Tanya sakin.

"Okay. Dun lang ako sa batuhan." Turo ko sa may matataas na bato.

Kumunot ang mukha ni Tanya. "Sigurado ka? Baka mahulog ka, delikado."

Nginitian ko siya "Sanay na ako sa batuhan. Mag-iingat ako."

Nagsimula na ang take. Ang scene nila Peter and Jane eh nangangabayo sila papuntang gubat.

"Cut!" sigaw nung director "Jane, you're too stiff tsaka you lack facial expressions. Hinahabol kayo dito! Fear and the  determination to escape should be seen in your face. And sino pala yung nandun?" sabay turo sa direksyon ko.

Paano ba naman kasi. Gusto ko kasi kumuha ng shots mula sa angle na to. Medyo mataas kasi tong kinatatayuan ko. Kung di ako mag-ingat, siguradong mahuhulog ako.

"Ay si Kim yan Direk. Isa sa mga still photographers natin." May narinig ako sumigaw dun sa baba.

"Ganun ba? Kelangan ba talaga niyang umakyat dun?" napakamot na lang sa ulo yung director bago sumigaw ulit ng "Action!"

"Ang galing mo tol. Reyna ka ng angles ha." Sabi ni Nel. Dalawa kaming still photographers ng movie kaya nagkumpara muna kame ng mga kuha namin while break pa.

"Tol?"

"Syempre. Utol ko mga magagaling. Genes ko ata yun. Hahaha."

"Kalokohan."

"Scene 3 na tayo. Asan na ang mga bida? Take na nila." nagsalita si direk

"Andito na sila direk." Sabi nung staff.

"Nel, a minute." Tawag ni direk kay Nel.

"Ano yon direk?" Dali-dali pumunta si Nel sa kanya.

"Dapat marami kayong makuhang magagandang shots ah. Alam mo naman bigatin tong mga artistang to at pwedeng mareject lahat ng kuha niyo pag di maayos."

"Aye sir. We'll do our best." At nagsalute si Nel.

"Sige. We'll start deciding on the photos later."

"Ano daw?" tanong ko kay Nel pagbalik niya

"Ayusin daw natin kasi may say ang mga artista natin kung ilalabas ang mga photos. Baka mareject daw lahat ng kuha natin pag di maayos. Mamaya daw din magdedecide kung ano ang kukunin para sa movie."

"Oka-Aira?!"

Nagulat ako. Nagsilabasan na ang mga bida sa kani-kanilang tent. Ang isa sa mga bida? Si Aira?

It's been seven years since huli ko siya nakita. Di ko alam how I will act around her. Di ba nga di ko alam kung saan ang stand ng friendship namin?

"Kim? Na pano ka dyan? Na starstruck ka ba?" Tanong ni Nel. Bumalik ako sa senses ko.

"Ah?"

"Namutla ka kasi bigla."

"Ah. Siguro nga. Hanap na uli ako ng pwesto. Magsisimula na eh."

NBSB meets NGSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon