Nagtake na ang scene 60.
At nastress ako.
Nastress ako sa gulo ng scene. Sigaw dito, sigaw doon. Tas naiirita pa ako sa tunog ng nagcclash na espada.
"CUT!" Sigaw ni DJ mula sa ibaba
Hay salamat! Natapos din. Hinimas-himas ko ang ulo ko. Naghihiyawan sa baba. Anong meron sa baba? Napatigil ako. Bakit parang umiikot ang paligid ko? T-teka di ko na maramdaman ang mga binti ko. Sumalampak ang pwet ko sa batuhan. Shoot! Ansakit! Lumabo na ang paningin ko sa paligid. Lord, ano to? Walang nakakaalam na nandito ako sa taas. Tulungan niyo ko. May pumasok na rin atang hangin sa tenga ko at wala na rin akong marinig.
Oh shoot shoot!
Nararamdaman kong nababasa na ako. Umuulan? Yinakap ko ang sarili ko para uminit. Sinaksak ko ang daliri ko sa tenga ko para subukang alisin ang hangin na pumasok.
*DRAAAAAAATTTTTT DRAAAAATTTTTT
(Ganun ba tunog ng kulog? PagbigyanXD)
"Aaaah!!!" Yun rinig na rinig ko. Sa sobrang lakas nagpanic ako.
Nauna pang mahulog ang IQ ko sakin
Tama. Nadulas ako sa batuhan at dumiretso pababa.
Slow mo ang lahat. Naririnig ko na ang bilis ng tibok ng puso ko, ang mga nagsisigawan, at ang konsenya kong sumisigaw ng 'magdidive ka na!'. Oo na! dadausdos na ako sa lupa neto dahil sa taranta ko. Ano kaya feeling makipagnose-to-nose sa lupa?
*BLAG
At wala na ako maalala.
Leslie's POV
Hi! Leslie nagbabalik!
First POV ko pala to! Ang damot ni author! Hmmp!
Well... syempre basta may chibugan nandun ako XD
Ang tagal nga matapos ng huling scene. Gutom na akooo. Sinadya kong di maglunch kasi alam kong may kainan dito. Alas otso na o! Di nyo ba kame papakainin papa Justin? Hahaha. Parang party lang pinunta mo? XD
Dumiretso na agad ako sa pagkain pagkasabi't pagkasabi pa lang ni Justin ng 'Cut!'. Paunahin niyo ako. Makakain ko kayong lahat sa gutom.
Wala pa akong masyadong karibal sa kanin kasi nagsisisigaw pa tong mga staff. Di ba nila alam na nabingi na ako dun sa huling scene?
Tumigil na sila sa kakahiyaw. Tumahimik ang set. Anong meron? Usi modeXD
"Oh my sino yun?" May isang nagtanong.
"Bakit siya nandun? Magpapakamatay ba siya?"
Sumilip ako sa pinagkakaguluhan nila. Saktong umulan ng malakas. Ang iba sumilong sa tent. Lumingon ako pero parang walang gustong tumulong sa babae. Ano tong mga staff? Nanunuod lang ng movie?
*Gasps
Biglang napaupo yung babae sa may batuhan. Nagulat kame akala namin mahuhulog siya. Ang taas pa naman ng mahuhulugan niya.
May biglang lumabas sa tent, Si Tanya na may hawak hawak na phone. "SI KIM YAN! Tulungan niyo!" Sigaw niya.
Dali-dali ng tumakbo at inakyat ng mga lalakeng staff ang batuhan. Nahihirapan na sila kasi madulas na ang mga bato.
Si Kim 'yon?! Nahagis ko ang plato ko at akmang tatakbo ng narinig ko ang boses ni Justin. Kakalabas niya lang ng tent at mukhang nagambala sa pagtulog.
"Di ba sabi ko DND? Di nga ako kaka-"
"Si Kim! Nandun sa taas! Baka mahulog!"
Nakita ni Justin ang kinaroroonan ni Kim at nanlaki ang mata niya. "WHAT?!" Di na niya inantay na sumagot si Tanya at kumaripas na siya ng takbo. Tumakbo na rin ako.
"Kim! Wag kang gagalaw! Papunta na ang staff dyan!" Sigaw ni Justin. Tumingala ako sa itaas pero mukhang wala sa sarili si Kim.
*DRAAAAAATTTTT DRAAATTTTTT
Kumulog ng sobrang lakas. Nagulat si Kim at nadulas siya sa kinauupuan niya. Napasigaw kaming lahat.
"KIMMMMM!!" "AAAAAAAAHHHHHH!"
Napapikit ako. Di ko kaya makita ang magaganap. Di ako nakakatagal ng horror at thriller films. Di ko kayang makita to sa kaibigan ko ng malapitan...
(OH NO! Anong nangyari? What happened? Waaaa... check out my other story as well.
Thank you for supporting my story! AJA! Fighting!
Btw, may update ako. Hinde na every five chapters ang POV ni Justin ^.× okok?! Next chappie may POVs na si Justin. What ya think? Better? Express your reactions!
Sumegwey po ako sa orig plot kaya medj mas tatagal pa ang UD. Pinagiisipan ko pa ulit ang daloy ng kwento. Suggest po kayo if may masuggest kayo!
Vote and comment ♡♡♡
Dedicated to imyouraphroditexx! Thank you for waiting sakin napakatagal na UD hart hart <3 )
BINABASA MO ANG
NBSB meets NGSB
RomanceKung sina NBSB Katarina Isabelle Martinez at NGSB Justin Alvin Alvarez ay magkrus ng landas, will they finally fall in love?