Chapter 9

849 22 4
                                    

Flashback

"Err..?" Ang tahimik nila. Masyado bang dazzling ang smile ko? JkXD

Nakanganga silang lahat. As in silang lahat.

"Seryoso ka dyan?" Tanong ni madam, siya yung mataray kanina.

Tumango ako habang nakasmile pa din.

Huminga silang lahat ng malalim na malalim sabay baba ng mga hawak nila.

After three hours...

Nakuha ko na ang ibig sabihin ng pose. Sinermunan pa ako ng mga staff na madali lang raw magpose. Kesyo 'masakit ang ulo', 'masakit ang tiyan', o di kaya 'masakit ang batok' lang yan.

"Pose!"

"Your hand is awkward!"

"Sa pool na tayo!"

"Twirl!"

At sandamakmak pang mga utos nila. Nakailang outfit change din ako. Sana man lang pinagstretching nila ako bago pinasabak dito. Di ako nawarningan na masakit pala to sa kasu-kasuan. At ang lahat ng pagod ko sa walong oras? Para sa isang minutong trailer.

Nagtataka ba kayo kung bakit hindi ko sinabi kay Becky ang tungkol dito?

Kasi pinagbawalan ako ni madam. Kesyo top secret raw ako blah blah wala raw dapat makaalam ng tungkol sa shoot.

Nagtataka ba din kayo kung pano nila ako napasunod dito sa kalokohang to?

Kasi mawawalan raw ng trabaho ang buong photography unit pag nagloko ako. Di naman kakayanin ng konsensya ko kung sakali kaya mabait na bata ako ^.^

Nagtataka ba din kay-JOKE! Loko langXD

-

"Rolling! ACTION!"

Ewan ko ba kung bakit ako andito ngayon sa set. Wala na mang scenes mga lead ngayon. Pinarelieve na si Nel dito dahil sa Burn launch. Pssh...

"Ay kabayo ka!" Bigla na lang may kumalabit sa likod ko.

"Gwapong kabayo."

Di pa ako nakalingon alam ko na agad kung sino tong may saltik na nanggulat sakin.

May storm signal no. 3 na raw kakarating lang. Meh

"Psshh. Kaw lang pala yan. Ba't ka ba nanggugulat?"

"Lang? Di mo man lang ako namiss?" Kumunot ang noo niya

"Hinde."

Umakting naman to na parang nasaksak sa puso. "Grabe ansakit! Nagconcert lang ako sa France kinalimutan mo na ako."

"Ewan ko sayo. Ba't ka andito? May scenes ka ba ngayon?"

"Nasasaktan na talaga ako sayo, Kim. Bawal ba? Kaw pinunta ko."

"Huh?"

"May pasalubong ako." Inabutan ako ng maliit na box.

"Hoy Troy! Anhin ko yan?"

"Kunin mo na. Wag kang tatanggi! Ako pumili nyan."

Kinuha ko yun box. Sinabi niyang wag akong tumanggi e. Edi wag, madali akong kausap!

Pagbukas ko ng box, bumungad sakin ang isang diamond na snowflake necklace. Kumikislap pa to sa sinag ng araw. Himala! Di na natunaw! MehXD Infairness, may taste. Mukha ding mamahalin. Kaso di naman ako palakwintas.

"Thanks, mukhang nakakabodi tong kwintas ah."

"Anything for you.  By the way, saang launch ka nakaassign?"

NBSB meets NGSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon