Chapter 2
“Photographers aren't required to report regularly. They’re just on call. Lalo na ang mga baguhan.” Paliwanag ni Mr. Ventura sa akin. Yun yung name ng lalake sa shop last time.
“What do you mean, Sir?” Dapat clear.
“Syempre, photographers are called for projects. It all depends sa project kung gaano katagal ka kailangan. But we do have a lot of projects.”
Okay. Tatanggapin ko na. “I see, Sir. I will accept it. Thank you very much Sir for considering me and I apologize for bothering you at this hour.” Office hour pa kasi and di ko na man alam kung kelan ang right timing para tumawag.
“It’s alright. Can you report for work tomorrow?”
“Tomorrow? Agad?”
“Yes. I would like to assign you with our new line’s photoshoot tomorrow. I’ll be waiting for you at the station’s lounge at 7.”
“Okay, Sir.”
“Good. If you have no other queries, I’ll be hanging up now. I still have to attend to some important matters. Just call me at 6 if you still have questions 'cause that’s my break time.”
“I don’t have any more questions, Sir. See you tomorrow.”
Binaba ko na yung phone tas nilabas yung mga ingredients sa cabinet. Nilabas ko yung lista ng orders ng cakes. Natapos ko na yung kay Hannah kahapon and kinuha na ng Mom niya kanina lang. May dalawa pang natitirang orders. Birthday cakes para kay Tracey at sa pinsan niya. Nagsimula na akong gumawa ng base para sa cake.
Gawa…Gawa…Gawa..Pasok sa Oven…..TING…
After an hour, tapos ko na nabake yung cake ni Tracey. Pagkatapos magdecorate, nilagay ko na sa ref ang cake.
Sakto na man na tapos na ako sa cake ko nung may pumasok na customer. Nagkape lang siya tas umalis din. Nagbake na lang ako ng dalawang batch ng oatmeal cookies.
“Hiya! Kim!” si Becky dumating na. Nakilala ko siya sa isang seminar ng mga aspiring businessmen/women. Mula nun we got close to each other and naging business partner ko na rin siya sa shop. She works as a DJ sa isang radio station na malapit lang dito kaya naaadvertise rin ang shop sa show ni Becky. Hahaha. Mukhang di naman siya napapagalitan dahil dun. Nakakalibre pa kame sa advertising.
“Ola Bonita!” bati ko sa kanya.
“Hay naku…umuwi ka na nga. matagal ko na alam yan. Haha.”
“Pareho talaga kayo ni Cha. Baliw. Sige na. Uuwi na ako. Bukas nga pala baka buong araw ako mawawala.”
“Bakit? San lakad mo? May jowa ka na ba?” sunud-sunod na tanong ni Becky.
“Nu ba naman yan. Bihira na nga lang ako lalakad, jowa pa ang naisip mong dahilan? Hello? Ako? May jowa?”
“Eh ano ba kasing dahilan? Tsaka kung maka-react ka dyan parang di Ms. beautiful. Ano ba kasing dahilan at waka pang jowa? Di ka pa naman naheheartbroken, di strict parents mo, o baka naman ako ang gusto mo? I know I'm beautiful and all but please, wag ako.” May pa drama effect pang nalalaman ah... mabatukan nga to ng matauhan.
"Aray! Bakit mo naman yun ginawa?!"
"Ayan kasi eh, ang lakas ng trip mo! Nag-drugs ka ba? Makauwi na nga. May bago akong trabaho. Tawagan mo na lang si pre para magbukas ng shop."
"Wow. New job?"
"Oo. Photographer."
--
6:30 a.m.

BINABASA MO ANG
NBSB meets NGSB
RomantizmKung sina NBSB Katarina Isabelle Martinez at NGSB Justin Alvin Alvarez ay magkrus ng landas, will they finally fall in love?