Teka teka teka teka "TEKA!"
Tumigil din ang dalawang to sa kakahatak sa akin. Inagaw ko mga kamay ko sa kanila bago nagsalita,
"Saan niyo ako dadalhin?"
"Dito ka nagtatrabaho di ba?" I nodded, "Yun, sa trabaho mo."
Pero nagpumiglas pa din ako nang hawakan nila ako muli sa braso, "Sino si Megan? Tsaka di ko-"
"Ang dami mong tanong. Malalaman mo din mamaya."
Ang layo na man ng pupuntahan namin. Nakailang liko na kame wala pa din. Ang laki pala ng building ng Mademoiselle. Pwede na ako malunod di-
"Andito na tayo." Deklara ni KC.
I scanned the area. One word to describe my feeling?
Stunned.
Ang gara ng set. Ang lawak. Parang Dining Hall na ng Hogwarts. Ang get-up ng set parang Ice palace ni Elsa tas may swimming pool sa may right na may half-frozen effect. Legit. Laglag pa rin ang panga ko ng tumikhim si KC.
"Ay! Sorry. Ang ganda ng set. Parang totoo. Teka. Pano kayo nagkaswimming pool dito sa studi-studio ba to?"
"Thanks. Pinaghirapan namin yan ng isang buwan. And yes! This is a studio. We shoot the trailers here."
"And yung swimming pool? Bakit meron dito? Ngayon lang ata ako nakakita ng ganitong studio."
KC laughs before she continued, "Because we beg to differ, we usually need a pool as props/backdrop kaya we constructed one."
Di pa rin ako nakakaget over sa shock ko sa dambuhalang set na to. "Ang laki naman ng st-"
"Ang dami mo naman tanong, no? Kanina pa sila naghihintay." Ang taray talaga ng bruhang to! Kanina pa ako tinatarayan. Mukha ngang head pero nakakairita na!
Nilingon ko yung tinutukoy niya. Andami na ngang naghihintay. And guess what? Sakin silang lahat nakatingin. Anong ginawa ko? Bakit kayo nakatingin? Tsaka bakit biglang tumahimik? Kanina lang ang ingay.
"Kim!" Someone broke the silence.
Hinanap ko yung pinanggalingan ng boses. Si Jude!
"Jude! Buti nalang nakita kita!" Lumapit samin si Jude.
"Bakit ka andito?"
"What is the meaning of this? Why are we not starting?" British English! Napalingon ako sa nagsalita. Avid fan ako ng Harry Potter and their British English. Ang ganda lang pakinggan. Anyway, balik sa nagsalita ng British English...
"Oh! We are extremely sorry for the delay. There seem to be unforeseeable events but everything's settled." Sabi ng mataray na kasama ko.
"Oh. Alright! We're all good then. Where's the model?"
Hinawakan ni mataray ang magkabilang balikat ko at tinulak ako papunta sa Briton, "She's the one."
Laglag panga namin ni Jude.
Say whut?!
"Excuse me? Ako? MODEL?!" My eyeballs seemed to have jumped out of my eye sockets.
"Pardon?" Ani Australiano.
"May misunderstanding ata tayo dito madam, Kim is my junior." Jude interrupted, tas nagsalita sakin, "Kim, tingin ko hindi mo alam schedule mo. Dun ka assigned sa line ng Burn. Line to ng Freeze. Text mo na lang si Nel-"
"Wala akong pakialam kung producer siya or P.A," P.A. NA NAMAN! "Basta siya na ang model natin for Freeze."
"Excuse me," singit ng Briton, "it seems that there's a misunderstanding. Are we still on? I still have other appointments."
Mukhang nagulat si mataray sa sinabi ng Briton, "Yes, we're still on. Just some last-minute changes."
Meanwhile,
Charlotte's POV
Luhhh. 5 hours na ako andito sa lounge ng Mademoiselle. LUHH! Hindi dapat pinapahintay ang beauty ko! Chos!
Dapat kasi 1pm ang shoot ko. After kay Megan. KAY MEGAN! Sa tanang buhay ko di ko naisip na makakatrabaho ko ang idol ko. Trabaho lang hiningi ko Lord, binigay niyo pa mga idols ko! Kaya the best ka talaga <3
Pero ang tagal naman ni ng shoot nila. Limang oras delayed. Ano kayang nangyari? Wala pa talagang magawa dito. HMP. Si Gary hindi pa namumugto ang mata sa kakalaro sa Ipad niya.
Ang tagaaal... di naman kinancel.... AYUN!
Tumayo ako bigla ng nakita ko na si madam. May kausap siyang mga Forangers (foreigners po ang ibig sabihin ni Cha :) )
"Kayo na. Be ready in ten minutes." Tipid na sabi sakin ni madam.
End of Charlotte's POV
"ARAAAY!!!"
"Maghulus-dili ka nga. Saan ka ba galing at ang sakit ng katawan mo?" Minamasahe ako ngayon ni Becky.
"Wala. Nauntog lang ako diyan sa kanto."
"Shunga ka pala eh. Ayan tuloy."
Nagtataka ba kayo kung anong nangyari sakin kanina?
Ako din. Hahaha. Kasi napakasurreal. Si Kim Martinez? Nagmodel? Para mo na ring sinabi na naghalo na ang toyo at mantika.
Hindi ko na binanggit kay Becky na masakit din ang panga ko. At parang magkakalagnat ako sa kakalusong sa swimming pool na yun.
Ay! Nabanggit ko ba na hindi ko ho ako narccistic? Or GGSS? Or vain? Kaya nung pinapose ako, wala akong ibang ginawa kundi magsmile. Un smile, smile? Smile na pang 1x1 pic.
Uhm. AKWARD SILENCE sa buong set.
(a/n: Hello readers! Salamat sa inyong suporta! Sorry mas umikli ata ang updateXD PEACE! Sana magustuhan niyo! Vote and comment <3 )
Dedicated to @crappie_pie HART HART <3
BINABASA MO ANG
NBSB meets NGSB
RomanceKung sina NBSB Katarina Isabelle Martinez at NGSB Justin Alvin Alvarez ay magkrus ng landas, will they finally fall in love?