Chapter 5
"Cha?"
"Kim!"
"Ba't andito ka?"
Andito kame ngayon sa photoshoot ng Mademoiselle.
"Sinali ako ni Leslie dito. Haha."
"Models, be ready in twenty minutes!" Sigaw ni Leslie. Siya ang in-charge ng photoshoot ngayon. Ako na man ang photographer. Hindi ko nakikita sina Jude. Ako lang ata mag-isa ngayon.
"Sige Kim. Punta muna ako sa dressing room." Sabi ni Charlotte sakin bago umalis.
Charlotte's POV
Nag retouch muna ako sa dressing room. May pumasok na dalawang models at umupo sa opposite side ng room.
"Hey Donna, bago ata yung photographer natin."
"Oo nga, babae pa. tss. sayang wala si Nel." Sabi nung Donna.
"Busy raw siya ngayon eh."
May pumasok na naman na isang model kasama si Leslie na may kausap na staff.
"Wala na tuloy ako sa mood. Sino ba kasi yung cheap na photographer na yun?" reklamo ni Donna.
"I heard na she's currently hanging out with a director." Sabi nung model na kakapasok lang. Di halatang chismosa ano? Ang sarap pag-untugin mga ulo nilang tatlo. Akala mo kung sinong mga magaganda! Excuse me! Mas maganda pa ako sa mga toothpick na to!
"Really? Sino daw ang director?" Tanong ni Donna.
"Ang sabi nila si Bill daw. Kaya nga ang bilis niyang nakapasok sa station." Sabi nung pusit na chismosang model.
"No wonder. Flirt pala eh. " sabi nung isa.
Sinong flirt?! Si Kim? Nakakagigil tong mga to ah. Pupuntahan ko na sana sila para tirisin pero pinigilan ako ni Leslie. Kanina pa pala nakaalis yung kausap niyang staff and narinig niya lahat ng sinasabi ng mga chismosang to.
"Let me handle this. Huminahon ka lang dyan. " Mahinang sabi sakin ni Leslie.
"Paano ka ako hihinahon dito? Ano-anong kasinungalingan ang sinasabi nila sa bestfriend ko. Ang sarap nilang sabunutan." Kumukulo na talaga buchi ko. Aaargh.
Lumapit si Leslie sa mga models. "Models, please get ready now."
"I am not in the mood for this shoot. Ayoko ang photographer." Sabi ni Donna.
"Why?" mahinahong tanong ni Leslie. Kung ako yun, wasak na ang mukha ng babaeng yan. Kala mo kung sino kung maka-arte. Super sikat? International? Pinag-aagawan?
"She's a flirt. Imagine? She's dating Bill para lang makawork sa station and-" di na siya pinatapos ni Leslie.
"She's not dating Bill." Sabi niya. Tumaas ang isang kilay ni Donna.
"Do you think na maniniwala ako sayo?" sabi ni Donna. Malditang frog to ah! Eh kung sapakin ko kaya-
"The director you're referring to is Justin. So please be more professional and stop buzzing around like bees." Sabi ni Leslie sabay walk-out.
Iniwan niya silang tatlo na nakanganga. Ha-ha. IN YOUR FACE!
-●°◇°●-
Buti na lang at di masungit ang mga models. Nakuha ko ng maayos ang mga shots ng walang kahirap-hirap. Nagthumbs-up sign pa sakin si Leslie. Di ko na man sigurado kung anong ibig sabihin nun kaya nginitian ko na lang siya. Ang ganda din ni Cha sa mga shots. Ngayon ko lang napansin. Haha. Joke!
BINABASA MO ANG
NBSB meets NGSB
RomanceKung sina NBSB Katarina Isabelle Martinez at NGSB Justin Alvin Alvarez ay magkrus ng landas, will they finally fall in love?