Chapter 7

565 26 7
                                    

Baby blue cashmere scarf.

Bibilhin ko na,

"Eto na miss." Sabay abot ng credit card sa kanya.

"Thank you for shopping ma'am."

Maraming customers pagkabalik ko ng shop. Tinulungan ko na si Karding sa pag-eentertain hanggang sa kumonti ang mga tao.

"Asan ka pala galing? Akala ko ba walang shoot."

"May binili lang." Sabi ko sabay nguso dun sa paper bag na nakaupo sa mesa.

"Nagshopping ka?? Himala!" At dali-dali niyang binuksan ang paper bag. "Scarf?! Scarf ang pinagshopping mo? Nasa America ba tayo? Anhin mo to?"

Hmp! Kawawa naman ang scarf ko at masyadong dinegrade ni Karding.

"Akin na nga yan!" Hablot ko ng scarf, "Pake mo ba kung eto binili ko? Nagandahan ako eh! Ikaw ba gagamit?"

"Ang labo mo naman kasi. Ikaw na ang pinakaboring na babae na kilala ko. Walang lablyf, walang nightlife, hindi pa nagshoshopping...bumili pa ng scarf! Hello? Ang init kaya sa Pinas!"

"Che! Bakit mo ba pinapakialaman ang scarf ko? Wala na man siyang ginagawa sayo! Tsaka hindi ako boring! Kung makasalita ka naman para akong mga businesswoman na puro trabaho lang iniisip."

"Hindi ba?"

"Aaaaaahhhhhhh! Nakakaloko ka talaga kausap! Ewan ko sayo. Aalis na ako!"

"Hahahaha. Pikunin ka talaga. Kakarating mo lang, aalis ka na naman?"

"Nakakabadtr-"

"Pwede bang umorder?" May tumikhim sa likod.

"Yes sir, ano pong order ni-?" Pagkalingon ko napatigil na naman ako sa pagsasalita.

"A cup of coffee and a slice of your time, please."

Natameme ako nung nakita ko siya. Isang linggo ko na siyang iniiwasan. Tsaka ano raw? Slice of my time? May ganun ba sa menu?

"Kape daw, Ding." Utos ko kay Karding. Pumunta na siya agad sa kusina. Siguro ramdam na ramdam niya ang awkward aura saming dalawa.

"100 pesos for the coffee. Sorry we don't offer my time in our menu."

"Kim, pleasee.. let's solve this issue. Di naman to ganon ka-big deal di ba? I mean, we're adults! For pete's sake."

Kumunot ang noo ko. "Oh yeah? Are you sure na adult ka na? Why make such rash and childish decisions? You have to think of the consequences before you do something."

"Ano ba ikinagagalit mo? And what consequence do I have to face?" He looks exasperated.

Huminga ako ng malalim. Kalma lang. Patahimikin mo na to. "Alam mo naman na NBSB ako di ba? You know why? I have my ideals and I have no plans in violating it. The first time you kissed me, I tried to understand that it was for the sole benefit of Aira and Troy. So I let it pass, ideals be damned. But I think the second time was beyond reasonable." Natigilan si DJ, "I, as a person, got offended by your action."

Walang nagsalita for a whole minute.

"I d-didn't k-know... I mean, I'm sorry if I got you offended but I just di-"

"Masyado ba talagang palpak ang acting ko at hindi pa yun sapat para paniwalain yung toothpick na yun?"

"N-no. Nadala lang ako sa palabas-"

"Nadala ka sa mga horror scenes?"

"Langya. Este- nadala ako sa kakaacting. Patawarin mo na ako. Di na mauulit."

NBSB meets NGSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon