Chapter 1
(a/n: Narrating thru Kim's P.O.V.)
"KIM!"
Isang nakangising Charlotte ang rumagasa paloob dito sa shop at umupo sa tabi ko.
"Na pano ka dyan Cha? Ba't ang saya mo?" tanong ko sa kanya habang focus pa rin ako sa dinedecorate kong cake.
"Wala...ayieee....itanong mo pa..pilitin mo pa ko...sige pa...konti na lang sasabihin ko na."
Hala na! Nababaliw talaga tong babae na to. Ba't kaya to kinikilig? Teka...
"Teka? Kinikilig ka ba?" Napatingin ako sa kanya.
"NAKUHA MO AGAD! Kilala mo talaga ako fren... kame na kasi ni Gary. Ehehe." Di na talaga natanggal yung ngisi niya sa mukha.
"Saan mo napulot si Gary? Bakit ngayon ko lang narinig yung pangalan na yun?"
"Grabe ka naman. Di ko siya pinulot. Tsaka nabanggit ko na kaya siya sayo!" Tas nagbilang pa siya sa daliri, "mga limang beses! Di mo pala ako pinapakinggan nun! Hmp!"
Talaga? May nabanggit pala siya? Ang dami kasi niyang binabanggit na lalake kaya I lose track and didn't bother remembering their names anymore tutal di naman sila nagtatagal.
"Ano pala yan fren?" Turo ni Charlotte sa graduation cake na kanina ko pang pinagkakaabalahan.
"Para to kay Hannah. Natatandaan mo pa ba siya? Graduating na yun."
"Ahhhhh...si Hannah. Yun parating nandito at mahilig sa strawberry cake mo?"
"Uh-huh. Kaya strawberry na rin ang ginawa kong flavor ng cake niya."
May pumasok na customer kaya tumayo ako para asikasuin siya.
"One slice of mango cheesecake and brewed coffee, please."
"Okay Sir, dine in or take out?"
"Dine in." tas nilabas na niya wallet niya.
"Thank you Sir. Please have a seat. I'll just serve your order." Sabi ko sa kanya pagkatapos ko kunin bayad niya.
Nagbrew na ako ng coffee at kumuha ng slice ng mango cheesecake. Pagkatapos, Nilapitan ko na ang table ng customer para iserve ang order niya. May kausap sa telepono yung lalake at mukhang may problema sila ng kausap niya sa phone kaya sinerve ko na lang agad ang order niya. Usually kasi, I do little chats with my customers. Napakafriendly ko kasi. Haha. Pero hindi na ako nagattempt sa isang to kasi may kausap pa sa phone at parang seryosong tao na ayaw magpadistorbo. Nagnod na lang ako sa kanya na aalis na ko nung binaba na niya ang phone at tinawag niya ako. Napalingon ako.
"Yes, Sir?"
"I just want to ask who took those photos?" tanong niya sabay turo sa mga pictures na nakaportrait sa dingding.
"Uh...I did... why?" takang tanong ko
"Really? Are you a photographer?"
"Uhm, no. It's just a hobby."
"Really?" He's in shock. Twice na siya nagreally di ba?
"You should be in photography more. Your shots are one of the best ones that I've ever seen." Sabi niya.
"Thank you Sir. I'm flattered." Nginitian ko na lang siya. Lumalaki na ulo ko sir. Haha. Joke!
"Why won't you venture into photography? I'm sure you could be successful."
"Oh, I don't think that's possible. The pictures I capture are far from professio-"
"Do you want a job?" nag-interrupt yung lalake
"I'm sorry?"
"I'm offering you a job. I am from W network. I want to try you out as a photographer in our station."
"Really?" O di ba? Ako na man ang shocked ngayon.
"Yes. *laughs* I feel na mawawalan na ng trabaho ang mga nasa editing namin kung isa ka sa photographer."
"Exaggerated na man masyado. I'll think about it Sir. Thank you very much."
"Just call my assistant kung ano man maging decision mo." sabay abot ng calling card, "Anyway, what is your name?"
"Kim Martinez."
"Okay Kim, I'm expecting na you'll consider my offer."
"Sure, Thank you Sir. Enjoy your food."
Bumalik na ako sa mesa kung saan matagal ko palang naiwan si Charlotte.
"Bakit ang tagal mo? Nabagot tuloy ako." sabi niya with matching pout.
"Ang O.A. naman nito. Nagkausap kami nung customer na dumating."
"Talaga? Eh mukha na mang di approachable. Akala ko hindi mo na kakausapin. Kinausap mo pa rin pala. Hayop din yang friendliness mo ah."
"Di kaya ako ang nauna. Siya unang kumausap sa akin. Inalok niya ako ng trabaho."
"Saan daw?"
"Sa W network. Kukunin niya daw akong photographer para sa station nila."
"Wow! Yun yung TV station with Mademoiselle di ba? Buti ka pa may umalok na trabaho kahit di ka naghanap. Samantalang ako walang raket ngayon. Tanungin mo nga yung customer mo kung naghahanap siya ng extra model. Dali! Available ako."
"Ikaw kaya magtanong. Mas walang hiya ka eh."
"Ang sama mo. Hindi mo man lang ako tutulungan magkawork? Paano kung magutom ako? Wawa naman me di ba?" Nagpaawa pa ang bruha. As if naman bagay!
"Di uubra yan sakin. Eh kung kay Leslie ka kaya maghanap ng trabaho? Di ba producer yun?" Asar na sabi ko sa kanya. Sa wakas tapos na akong magdecorate. Isusulat ko na lang ang greetings.
Tumayo si Charlotte. "Bakit di ko talaga yun naisip?"
"Teka! Cha! Saan ka pupunta?" Hindi na siguro ako narinig ni Charlotte kasi para na lang bula na nawala sa harapan ko.
Hay. Kinuha ko na ang edible pens ko sa cabinet at nagsulat na ng "Congratulations Hannah! We are proud of you!" at saka pinasok ang cake sa ref.
"Kim, I'll go ahead now." Si customer pala.
"Thank you again Sir, for coming and for the offer." Tas nagsmile ako sa kanya.
Umalis na rin siya. Tatanggapin ko ba ang trabaho? Pano ang shop?
(Please comment your suggestions and opinions. Vote if you like it. Thanks!)
BINABASA MO ANG
NBSB meets NGSB
RomansaKung sina NBSB Katarina Isabelle Martinez at NGSB Justin Alvin Alvarez ay magkrus ng landas, will they finally fall in love?