(a/n: di n po every 5 chappies ang pov ni Justin. Refer to Chapter 10 for more details ♡♡♡)
Justin's POV
Nagtaxi na pauwi si Kim. Nagpumilit siyang wag ko na siyang ihatid. Ano ba tong nagawa ko? What went into my foolish brain at naisip kong gawin yun? Now what? It's gonna be so awkward between us now. She thought she was kissed by her bestfriend's boyfriend. You heard it right. She THOUGHT. Aira told her so. That's why I know she was confused when I told her that I never had a girlfriend. Akala niya siguro I'm just toying with Aira.
But the truth is, we are not together. At least, for me.
I think hindi niyo pa ako gaano ka kilala. I am Justin Alvin Alvarez. Our family business is Woodworks. We manufacture furnitures and distribute them across the country. Why did I mention our freaking business? Kasi yun ang ugat ng mga problema ko. Magkaibigan sina mama at tita (mama ni Aira) kaya naisip nilang ipakasal kame. Nagwelga na man ako sa ideyang yun kasi sa pagkakaalam ko di naman yun uso sa pamilya namin kaya bakit nila yun gagawin sakin. Inakusahan naman nila ako ng madamot kasi pinursue ko ang career ko at hindi tinulungan sina papa at kuya sa business. Ito na lang daw ang maitutulong ko sa pamilya. Pagnagpakasal na daw kame, hindi na nila guguluhin ang career ko at di na malulugi ang negosyo.
Win-win situation daw.
Pumayag na ako kahit labag sa kalooban ko. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa utak ko at pumayag na ako. Mahal na mahal ko ang career ko but not to that extent. Siguro napagod na ako sa kakapilit ni mama kaya bumigay na ako sa gusto nila. Naisip ko na man na bakit hinde di ba? Wala na man nagmamay-ari ng puso ko. Kahit kailan. At magt-thirty na ako in a month kaya imposible na may mapusuan pa ako. Sa edad kong to dapat ready to settle na lang ako kaso wala pa ngang nagpapatibok ng puso ko.
Pero for the past few days para akong engot. Kasalanan naman kasi to ni Leslie! Siya may pulu't dulo nito! Napilitan na tuloy kami ni Kim na seryosohin ang trip niya na magjowa kame. Naiintindihan ko naman na para yun sa mga bestfriends namin kaso nakakairita eh. Alam kong naiirita din si Kim. Napahalik pa ako sakanya sa taranta ko nung nakita ko yung batchmate nila sa may puno. Ewan ko ba at sa dinami dami ng paraan para mapatigil ang bibig niya eh halik pa ang naisip ko. Tss. Napacreative mo talagang direktor, Justin. Nanlaki ang mga mata ni Kim sa ginawa ko. Halatang gulat na gulat.
Eh nagulat rin naman ako sa ginawa ko.
Sinayang ko ang first kiss ko para lang mapatahimik siya? @@
Oo. First ko yun. Kung nagtatanong kayo kung bakla ba ako sa lagay na to, ewan ko na. Ang sagwa na nga eh. Tinalo ko pa ang mga lalakeng naniniwala sa destiny. Di na man ako naniniwala dun pero eto ako nganga pa din.
Naniniwala kasi ako sa bull's eye. Pag siya na, dapat bull's eye na sa puso mo. Walang mintis, wala ng tanong. Simbahan na ang tuloy.
Pero naintindihan ko na ang mga tanong ko sa kahangalan ko nung gabing yun.
Kasi gumawa ka na naman ng isa pang kahangalan...
"Di pa ba tayo aalis? Tapos na ang palabas o. Halika na. Babalik na ako sa sh-" Di ko na napigilan ang sarili ko. Hinatak ko siya at hinalikan sa labi.
Hindi ko maintindihan. Wala akong maintindihan sa ginawa ko. Ang alam ko lang yun ang gusto ko nung mga sandaling yun. G-gusto? Bakit ko gusto? Di ko pa naman naranasan yun sa kahit kaninong babae.
May nagflash sa likod ko at dun lang ako natauhan. Kumalas kaagad si Kim, namumula nang sobra.
"Uuuh... mauna na ako."
"Ihahatid na ki-" Di na niya ako pinatapos.
"Wag na. Kaya ko na. B-bbili pa pala ako ng ingredients. Bye." At dali-dali na siyang umalis ng sinehan.
Ako na lang ang naiwan sa sinehan. Hindi ko maintindihan kung ano ang nagtulak sakin para halikan siya. Para yakapin siya nang ganon katagal. Ganon ba ako nadala nang palabas namin?
BINABASA MO ANG
NBSB meets NGSB
RomanceKung sina NBSB Katarina Isabelle Martinez at NGSB Justin Alvin Alvarez ay magkrus ng landas, will they finally fall in love?