Omo! Nasa langit na ba ako?
Pero asan si Lord?
Teka ganito ba kaingay sa langit?
Tsaka amoy adobo ba dito? Di na naman ako nainform
"Si Kim may malay na!"
Eh?
Bumulaga sakin ang mukha ni Aira.
"Kim! You're awake! Thank God!"
"Ha?" T-teka wala pala ako sa langit?
"You fell from that stony cliff."
Ah. Oo pala.
Kinapa ko ang mukha ko. Wasak siguro ang mukha ko. Pero di naman masakit ang katawan ko. Tiningnan ko ang paligid. Present ang buong crew pati na si Nel at ang photography unit at kumakain sila. Lumapit ang iba sakin.
"Sabog ba ang mukha ko?" Tanong ko kay Aira.
"Bakit naman yan sasabog?"
"Eh nagdive ako sa lupa."
Tumingin si Aira sa malayo bago nagsalita, "Hinde. Maganda ka pa din. Nasalo ka ni Justin."
Ano? Hindi ako nakipagnose-to-nose sa lupa? Tiningnan ko ulit ang crew pero wala si DJ.
"Talaga? Asan siya? Gusto ko siya pasalamatan."
Hinde na nakapagsalita si Aira. Humagulhol na siya na mukhang ikinataka ng mga nakasaksi. Si Leslie ang tumugon,
"Sa ICU siya ngayon."
"ANO?! Aray!" Bigla akong napaupo sa gulat. Kumirot agad ang ulo ko sa sakit.
"Magpahinga ka muna. May fatigue ka raw sabi ng doktor. Kaya wag ka muna magpagod. Muntikan ka na kanina." Sabi ni Aira.
"P-pero si DJ! Napahamak siya dahil sakin! Kelangan ko siya puntahan."
"Walang may kasalanan neto. Magpahinga ka na. Babalitaan ka lang namin." Pinapahiga ako ulit ni Leslie.
Pumasok si Troy, humihingal, "May balita kay DJ."
Nagsitakbuhan sila at pumunta kay DJ para makibalita. Di nila ako pinayagang sumama. Naiwan si Jude, Nel tsaka Troy para magbantay.
"Kasalanan ko to e! Kung di kita iniwan kahapon e di sana di nagkaganito." Panisi ni Nel sa sarili niya.
"Hinde! Kasalanan to ng Freeze e! Nagkasakit ka tuloy! Di pa dumadating si madam!" Pag-aalma ni Jude.
"Freeze? Anong kinalaman nila dito? Pinapagod ka ba nila?" Sunud-sunod na tanong ni Troy. Mukhang worried at curious siya.
Nataranta si Jude, "aa..e-"
"Hinde. Wala silang kinalaman. O.A. lang talaga to si Jude." Pagdadahilan ko.
Mukhang nakapickup din si Nel. Lagot. TagaBurn rin pala eto.
"Teka, madam? Di ba yun masyadong busy para mag-abala?"
Stress and in distress pa ako lubayan niyo muna akooo.
"Kasi nga si Kim ang main photographer namin. Pwera sa imports so...siya ay held with great importance. Napuyat din to nung last shoot kakatulong sa mga imports sa shoot. Ok na?" Mahabang paliwanag ni Jude.
Tumango-tango naman tong dalawa.
"Pero its absurd! Muntikan ka ng mahulog sa cliff na yun dahil sa fatigue na yan. Ano bang pinagkakaabalahan mo lately?" Troy
Napaisip ako. Umm... ano nga bang pinaggagawa ko para magkafatigue ako?
Nagphotoshoot ka ng walong oras... walang pahinga!
BINABASA MO ANG
NBSB meets NGSB
RomanceKung sina NBSB Katarina Isabelle Martinez at NGSB Justin Alvin Alvarez ay magkrus ng landas, will they finally fall in love?