Chapter 4

901 25 7
                                    

Chapter 4

"KIM!" sigaw ni Richard mula sa counter.

"Karding! Long time no see ah!" Umupo muna ako sa isa sa mga mesa.

"Andito. Pagod. Pano ba naman kasi, namiss ako ng mga chicks nating customers.."

"Ano ba naman yan. Ngayon na nga lang uli tayo nagkita, kalokohan ka pa rin."

"Hahaha. Musta pala new job mo?"

"KIM!" sigaw ni Charlotte. Tumakbo kaagad siya papunta sakin. "Hi Rics!" bati niya kay Richard.

"Ganyan talaga parati entrance mo sa shop ano? Di pwede mahinahon?"

"Ang tagal mo nawala eh. Namiss kita!"

"Bolera! Ano pinunta mo dito?"

"Miss naman talaga kita eh. Pero may chika ako sayo!" at naglabas siya ng invitation mula sa bag niya.

"Sabi na eh."

"May reunion daw tayo next week. Buong batch to kaya lahat tayo pupunta."

"Sige."

"Wala man lang trace of excitement?"

"Ang kulit mo talaga babae ka. Magbabake na nga ako." Tumayo na ako at iniwan silang dalawa.

Umuwi na ako agad after ko magbake. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kaagad sa sofa dahil sa sobrang pagod. Nagising ako mga 8pm na. Naligo muna ako tas nagluto na ng dinner ko.

*ding dong*

"Sino yan?"

"Hi Kim!"

"Troy? Pano mo nalaman san ako nakatira?"

"Easy. Who can't resist me? Won't you let me in?"

May bagyo ba? Ba't ang lakas ng hangin?

"Ah...pasok ka."

Nagblend na lang ako ng shake tas kumuha ng cookies sa cookie jar ko para iserve kay Troy.

"Wow. Thanks. Ikaw to nagbake?"

"Yup. Bakit ka nga pala napadaan?"

"May ginagawa ka ba ngayon?"

"Wala naman. Bakit?"

"Labas tayo."

"Ngayon? Saan na man tayo pupunta?"

"Kahit saan." Hinila na niya ako palabas.

-

Huminto kame malapit na perya.

"Sure ka dito mo gusto? Baka makilala ka ng mga tao dito."

"That's why I have these." Nagsuot siya ng shades tsaka hat.

Tumawa ako. "Ikaw na ngayon ang mukhang magnanakaw."

"Hindi lang ako." Nagsuot din siya sa akin ng shades tsaka ng kalo.

Sumakay kame ng maraming rides hanggang sa nakilala nga si Troy habang kumakain kami ng popcorn.

"Oy fren! Si Troy o!" sigaw nung isang high school na babae

"Oh my! Si Troy nga!" sigaw din nung friend niya.

"Lagot." Hinila ako ni Troy palabas sa namumuong crowd. Binilisan na namin takbo namin dahil hindi pa rin kami tinantanan ng mga fans niya.

"Hay kapagod! Sabi kasi sayo eh makikilala ka dun." Sabi ko sa kanya nung nakapasok na kami sa sasakyan niya.

NBSB meets NGSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon