Alas dose na ng tanghali nang makauwi ako sa bahay, sabog sa pagod, pero sa halip na matulog agad, naagaw ng cellphone ko ang atensyon ko nang makita ko ang message ni Jin:
“‘Naka-uwi na ako. Salamat kanina.’”
Mapangiti ako. Sabay bangon para mag-reply: “Ako rin, naka-uwi na. Salamat din.” Humiga na ako matapos. Handa na akong mapunta sa malalim na tulog—pero teka, tama ba 'tong nararamdaman ko? Bakit parang hindi mawala-wala yung ngiti ko? Kinakabahan ako nang hindi ko maintindihan. Ayoko nang isipin pa, pero habang papikit na ako, may gumugulo sa isip ko. Hindi kaya nahuhulog na ako kay Jin?
Alas otso ng gabi nang magising ako. Agad akong bumangon at tumingin sa orasan. Sakto pa, alas dyes pa naman ang pasok ko, kaya may dalawang oras pa akong mag-prepare. Tahimik na ang buong bahay—tulog na si Mama. Kaya’t dahan-dahan akong lumabas, nagtipto papunta sa banyo, at nag-shower.
Pagkatapos magbihis, 8:30 na ng gabi kaya dumiretso muna ako sa kusina para kumain. Pinainit ko na lang ang kanin at ulam na natira. Masarap sana ang kain ko, pero biglang nag-vibrate ang cellphone ko, at agad-agad kong kinuha. Si Jin ang nag-chat, at hindi ko maiwasang mapangiti nang mabasa ko. Hindi ko nga alam kung bakit.
Sa group chat namin, nakita ko ang message ni Jin: “Guys, umuulan. Sa mga papasok ngayon, magdala kayo ng extra clothes at payong. Sa mga nagmo-motor, huwag na kayong magmaneho—mag-commute na lang kayo. Lalo na sa isa jan. I miss you.”
Hindi sa makapal ang mukha ko, pero pakiramdam ko, ako ang sinasabihan ni Jin! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sino pa bang nagmo-motor sa team namin kundi ako?
Bigla, tumunog ulit ang cellphone ko. Private message ni Jin:
“Dalahan mo nga ako ng medyas. Basang-basa sapatos ko.”
Napangiti ako kahit hindi ko pa sinasagot. Ang kapal talaga. Siya nga itong nagsabing magdala ng extra clothes, pero siya mismo walang dala.
Nag-reply ako, “Sige, magdadala ako. On the way na rin ako.”
“Salamat. Mag-ingat ka. See you.”
Bumalik ako sa kwarto para kunin ang isang malinis na pares ng medyas sa drawer. Aba, may natitira pa pala! Agad kong sinilid sa bag ko, at hindi na ako nag-motor para hindi mabasa sa ulan. Sampung minuto lang, may taxi na agad akong nasakyan.
Pagdating ko sa opisina, 9:20 na ng gabi. Eksakto namang nakita ko si Jin na papasok ng banyo.
“Jin, ito na yung medyas,” sabi ko, sabay abot sa kanya.
Ngumiti siya, at habang kinukuha ang medyas, ang mga mata niya ay parang may sinasabi. “Salamat. Kiss kita mamaya.” Saka siya pumasok sa banyo na parang wala lang nangyari.
Umiling na lang ako habang papasok sa opisina. Grabe, ang bigat ng dibdib ko. Natatawa ako, pero kinakabahan din.
“Uy, mukhang maganda ang gising mo, Joon! Ang ganda ng ngiti mo,” pang-aasar ni Roki, isa sa mga ka-team ko, habang nakangisi.
“Totoo ba?” Nagkamot ako ng ulo.
“Oo! Alam mo yung pakiramdam na gigising ka ng masaya kasi may gusto kang makita? Yung parang ang gaan ng pakiramdam kasi alam mong may reason kang mag-smile?”
“Ano daw?” tanong ko habang inaayos ang mga gamit ko. Totoo kayang halata?
“Kapag in love ka na kasi, mare-realize mo yan. Yung parang hindi mo na kayang mawala yung taong yun sa tabi mo,” sabi niya, sabay tapik sa balikat ko.
Ano bang pakiramdam ng ma-in love? Sa 22 years kong nabubuhay, hindi ko pa yata nararamdaman yun. Nakatayo lang ako sa tapat ng locker ko, nag-iisip, nang biglang may kumurot sa siko ko. Si Jin!
“Anong oras mo balak umalis diyan? Leche, bakit kasi nasa pinakaibaba yung locker ko. Kulang na lang humiga ako para mabuksan 'to,” reklamo niya habang nag-aayos ng gamit.
Hindi ko napigilang matawa. Ang kulit talaga nito.
“Pero okay na rin na nandito yung locker ko,” dagdag niya, sabay ngiting pilyo.
“Bakit naman?” tanong ko habang binubuksan ang sarili kong locker.
“Para nakikita kita.” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, saka kumindat.
“Grabe ka. Halay mo talaga,” sabay iling ko, pero ewan, parang gusto kong tumawa.
“Alam mo, Joon, one of these days, mafa-fall ka rin sa akin. Tapos pag may nangyari sa atin, sigurado ako na araw-araw mo nang hahanapin,” natatawa niyang sabi, halatang nang-aasar.
Napairap na lang ako. “Bunganga mo,” sagot ko, pero gusto kong bumawi.
“Biro lang,” sambit niya habang pilyong nakangiti. “Pero kapag gusto mo, pwede naman sa apartment ko. Malaki yun. Pwede tayong maghabulan habang naka…hubad.” Naglaro pa siya sa ere na parang may special effects ang mga kamay.
“Ewan ko sa’yo! Siraulo ka,” sabi ko, sabay talikod. Pero bago ako makalayo, tinawag niya pa ako.
“See you sa loob! Huwag mo akong mami-miss, ah. Kakain lang ako.”
Napalingon ako. “Akala ko ba ako lang gusto mong kainin?” Saka ako tumalikod, natatawang umalis.
Nakakatawa asarin si Jin kagaya ng pang-aasar niya sa akin. Pero teka, ano nga bang nangyayari sa akin? Hindi naman ako mafa-fall sa kanya… di ba? Alam ko sa sarili kong straight ako. Hindi naman siguro.
Habang inaayos ko ang station ko, hindi ko mapigilang mapangiti.
“Kanina ka pa ngiting-ngiti, ah. Mukhang nahanap mo na ang nagpapasaya sa’yo?” tanong ni Roki, sabay irap na parang may sinasabi.
“Ano ka ba? Anong sinasabi mo diyan?” sabi ko.
“Wala, nakakatuwa ka lang. Alam mo yun. Masaya lang makita kang inspired, parang ganun.”
“Abnormal ka yata,” sabi ko, sabay upo at inilabas ang headset.
Nagsimula na ang shift namin, at makalipas ang ilang oras ng tawag, napansin kong wala si Jin. Kahit papano, hinahanap ko siya. Dati, ganitong oras nasa tabi ko na siya, kumukulit at kung ano-ano ang sinasabi. Pero ngayon, tahimik.
“Nasa meeting si mhiemasor,” bulong ni Danica.
“Ha? Tapos?” Sarkastiko kong tanong.
“Relax ka lang! Para kang giraffe diyan, lingon ka ng lingon. Baka magka-stiff neck ka kakahanap kay Jin,” sabi niya, sabay ngiti.
“H-hi-hindi ko siya hinahanap!”
“Joon, lokohin mo na sarili mo. Alam mo, kahit anong palusot ang sabihin mo, makikita pa rin namin yan. Hindi mo maloloko ang sarili mo gamit ang mga galaw mo,” sagot ni Danica.
Bigla akong kinabahan. “Ayan na si Jin!” sabi niya sabay turo.
Napa-tingin agad ako, pero pagtingin ko, wala naman si Jin. Napatawa si Danica. “Told you. Hinahanap mo siya,” sabi niya, halos lumuwa na ang mga mata sa kakatawa.
“Bahala ka diyan,” sabi ko, sabay tayo para mag-lunch. Pero habang naglalakad ako, hindi ko mapigilang mapaisip.
Hindi ko pwedeng mahulog kay Jin. Hindi maaari. Straight ako, at hindi ko pwedeng mahalin ang isang kagaya kong lalaki.
BINABASA MO ANG
Maybe Next Life
RomanceSi Joon at Jin ay parehong nagtatrabaho sa isang malaking BPO company sa Maynila, isang mundo kung saan ang bawat araw ay punong-puno ng tawag, email, at sunud-sunod na mga task na kailangang tapusin bago matapos ang shift. Sa likod ng corporate hie...