Accident

0 0 0
                                    

Alas sais ng umaga nung nagising ako. Wala na akong katabi sa kama. Naririnig ko namang may nag kakantahan sa labas. Agad akong dumerecho sa banyo upang mag mumog at mag hilamos. Pagkatapos ay lumabas na rin ako.

" Good morning Joon." Bati ni Roki.

Maganda ang gising ko ngayong araw. Nakita ko naman si Jin na nag swi-swimming sa pool. Lumapit naman ako sa kaniya.

" Good Morning Jin." Bati ko.

Tinitigan niya lang ako. Umahon din siya sa pool at nag punas ng katawan. Dumerecho naman siya sa harapan ng videoke at nag hanap ng kanta.

" Kumusta ang tulog mo?" Tanong ni Danica.

" Ayos lang naman. Napa sarap nga eh. Hindi ko namalayan ang oras."

" Gigisingin ka sana namin kaso sabi ni Jin huwag na raw, nalasing kayong dalawa kagabi at since hindi ka sanay sa alak ay hinayaan ka na lang naming matulog. " Ika naman ni Arcel.

" Salamat. Si Jin okay lang ba? Bakit parang hindi siya nalasing?"

" Malakas namang uminom yang si Jin. Sadyang may problema lang siguro siya kaya ayon nalasing kagabi." Saad ni Roki.

" Ganon ba? Ano bang problema niya?" Tanong ko.

" Hindi ko rin alam." Kibit balikat niyang sagot. " Oh siya mag titimpla ako ng kape, gusto mo ba?" Dagdag pa niya.

" Okay lang. Salamat iinom na lang ako ng malamig na tubig." Saad ko.

Umalis na rin si Roki upang mag timpla ng kape.

Tumayo naman ako upang kumuha ng malamig na tubig sa water dispenser.

" Walang mag judge. Pangit boses ko ha!" Sigaw ni Jin habang hawak hawak iyong mic.

Inumpisahan na rin niyang kantahin iyong " Bakit nga ba mahal kita." 

Naka tayo lang ako habang nakikinig sa kaniya. Totoo nga na hindi maganda ang boses niya pero ramdam ko ang pangungulila at pag mamahal niya dahil sa emosyon na inilalabas niya habang kinakanta ang kantang ito.

" Mukhang broken hearted ka ah." Pasigaw na pang aasar ni Danica.

Tinitigan naman siya ni Jin. Natapos na rin siyang kumanta at umupo na rin.

Alas onse na ng umaga nung nag umpisa kaming mag ayos ng gamit. Alas dose kasi ang check out namin sa resort.

" Bago tayo umalis mag bibigay muna ako ng certificates for everyone." Saad ni Jin.

Tumayo siya sa harapan. Naka suot siya ng loose na pants at crop top na sweater. Naka shades din siya. Mukha siyang KPOP sa style niya.

Isa isa niyang tinawag ang mga ka-team ko at inabot ang certificate.

" Lastly, this certificate is awarded to Joon for being my love and my life este for being a top perfomer for this month." Saad niya. Lumapit naman ako at inabot ang certificate. Nag picture rin kami.

Pagka tapos naming mag ayos ay nagpa alam na rin kaming uuwi.

" Gusto mo bang isabay si Jin?" Pabulong na tanong sa akin ni Roki.

" Gusto niya ba?" Tanong ko.

" Ewan. Tanungin mo siya." Saad ni Roki.

Lalapit na ako kay Jin nung nag salita siya.

" Coach Ricky, mauuna na ako anjan na sundo ko sa labas. " Saad niya. Napa titig kaming lahat sa kaniya.

" Sundo?" Tanong ni Danica.

" Oh bakit, bawal bang may sumundo sa akin? Wala namang masama diba?" Tanong niya habang naka tingin sa akin.

" Sige. Mag ingat ka." Saad ni Coach Ricky.

Maybe Next LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon