Chapter 3

52 2 0
                                    

Papasok ako ngayon dahil may activity pa kami sa isang subject, kahit na ayokong pumasok ay mapipilitan pa rin naman ako sa pagpasok dahil major ang subject na yon, kailangan talaga buhusan ng effort, masyado pa namang istrikto ang professor sa subject na yon. Ang arte arte akala mo effective talaga ang pagtuturo sa sobrang istrikto. Dala ko ang mga gamit ko pababa ng hagdan ng makasalubong ko si Kuya.

“Papasok kana?” Tumango ako ng hindi tumitingin sa kaniya pero rinig ko ang malalim niyang paghinga. “Sabay na tayo. Hintayin moko sa baba, kukunin ko lang ang susi ng kotse.” Tumango ulit ako saka naglakad na pababa.

Tulad ng sabi niya ay sabay kami papasok. Nakaupo ako ngayon sa passenger seat at tahimik na nakatingin sa labas ng bintana. Hindi pa rin ako nakatingin sa kaniya sa dahil sa hiya. Kapag kasi nakikita ko siya ay inaakit niya ako kahit wala naman siyang ginagawa.

Kapag nakikita ko siya ay parang sirang plaka sa memorya ko ang ginawa namin. Naulit na naman ang pagkakamaling iyo. Inulit na naman namin.

“Daniella.”

Nabalik ako sa ulirat ng tawagin niya ako. Hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya. Baka kasi maakit ako at magpapaakit naman ako.

“Ano?” Tanong ko napaayos ako ng upo saka humigpit ang hawak ko sa cellphone ko.

“Bakit hindi mo'ko tinitignan?” mahinang tanong niya.

Kahit ayoko siyang makita ay napatingin ako sa kaniya dahil sa tanong niya na iyon. Mabilis din naman akong napaiwas ng makita kong nakatingin din siya sa'kin.

“Ano, kasi..” hindi ko alam anong sasabihin ko, napatingin ako sa cellphone ko ng magvibrate ito.

“I'm sorry.” rinig kong sabi niya, mahina iyon pero parang sobrang lakas dahil sa tahimik namin.

“Ano,” hindi ko alam kung itutuloy ko pa ang sasabihin ko, pero itutuloy ko pa rin naman para malinawagan kaming dalawa sa sitwasyon namin. “Hindi ko sasabihing ayos lang, dahil mali iyong ginawa na'tin.” Mahinang sambit ko, alam ko namang rinig niya ko dahil ako lang naman ang nagsasalita.

Dahil hindi na ako nagsalita ay rinig ko ang malalim niya paghinga. “Alam kong mali iyon, Daniella.” napatingin ako sa kaniya at nakita ko siyang lumunok. “Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko pagnakikita kita.” nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa kaniya dahil sa sinabi niya kaya sobrang linaw sa paningin ko ang pagbumuntong hiningan niya. “Kahit ngayon ay sobra sobrang pagpipigil ang ginagawa ko, huwag ka lang paungolin, dito mismo sa kotse ko.” mariing sabi niya.

Umiwas naman ako ng tingin at kinagat ang pang ibabang labi ko. Hindi na'ko nagsalita kaya naman tahimik na ulit sa loob ng kotse. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, hindi na normal, para itong nakikipag habulan kung kaninong engkanto. Umiling ako saka bumuntong hininga.

“Mali iyon,” umiiling kong sabi. “Maling mali.” saka ulit ako tumingin sa labas ng kotse.

“Ayaw mo ba sa'kin, Daniella?” mahinang tanong niya. “Hindi mo ba'ko gusto?”

“Hindi naman sa ganon,” mahinang sambit ko. “Sino ang tao na a-ayaw sayo? Wala yata.” nangi-ngiting sabi ko. “Pero mali ito. Magkapatid tayo. Hindi to normal.” naiiling ko pang sabi.

“Kung ganon itago natin. Kahit itago mo'ko ay ayos lang sa'kin.” napatingin ako sa kaniya ng sabihin niya iyon. Daretso ang tingin niya sa kalsada saka ito tumingin sa'kin. “Ayos lang sa'kin kahit tago ang relasyon natin.”

Umiwas ako ng tingin sa kaniya ng wala akong masabi. Gusto ko rin ng relasyon pero hindi yung ganito. Hindi kami pwede. Hindi tama ang itago siya. Kung pumayag man ako ay takot akong mahuli. Takot ako sa konprontasyon. Baka pandirihan nila kami. Baka husgahan nila ang relasyon namin.

“Daniella, alam ko na marami kang what's if, pero hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan.” sabi niya.

Bumuntong hiningan ako saka tumango. “S-subukan natin. Kahit isang b-buwan.”

“Hindi pa man tayo ay nilalagyan mo na ng tuldok ang relasyon natin.” kunot noong sabi niya.

“Pwede na yon. K-kapag hindi nagwork, kahit wala pang isang buwan ay tapusin na natin.” sabi ko.

“Ayoko ng ganon, Daniella.” kunot noo itong bumuntong hiningan. “Ayoko ng katapusan, nakikipag relasyon ako sayo ng pangmatagalan.” mariing sabi niya. Gumalaw pa ang panga niya na parang inis na inis na nilagyan ko ng palugit ang relasyon namin, kahit na hindi pa man nag uumpisa. Humigpit pa ang pagkakahawak niya sa manubela na parang pinang-gigigilan ito.

“S-sige kahit alisin na natin yung i-isang buwan.” sabi ko ng makita kong malapit na kami sa university. Tumingin ako sa kaniya at nakita ko siyang nakangiti. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ngiting iyon kahit na kalahati lang ng mukha niya ang kita ko ay ganon na ang epekto sa'kin.

Nang makapag park siya ay tinangal ko na ang seatbelt ko at akma ng bubuksan ang pinto ay hinawakan niya ang kamay ko.

“Kiss.” nakangiting sabi niya, ngumuso pa ito ng kaunti.

“Baka may makakita satin.” sabi ko naman at tumingin sa paligid ng kotse.

“Wala yan. Tinted naman itong kotse.” sabi niya at lumapit pa ng husto sa'kin.

Kaya naman humarap ako sa kaniya at pinagbigyan siya. Nang malapit na ang mukha niya sa'kin ay saka lang ako pumikit, mababaw lang ang halik niya at mabagal, napahawak ako sa dibdib niya ng bigla niyang hinawakan ang batok ko at mas marahas na ang paghalik niya sa'kin. Bumaba rin ito patungo sa leeg ko.

“Ah..” ungol ko ng sipsipin niya ang ibabaw ng collarbone ko. Bumalik ulit ang halik niya sa leeg ko at pataas sa tenga ko, mahina niya iyong kinakagat saka bumalik sa labi ko. Nang tumigil siya ay habol hininga akong nakapikit habang magkadikit ang noo namin.

“Sabi mo ay halik lang.” mahinang sabi ko pa.

“Ganon ang halik sa'kin, Daniella.” nangi-ngiting sabi niya. Mahina ko siyang hinampas saka na humiwalay sa kaniya, akmang lalabas ng ko ng hawakan niya ulit ako sa kamay. “Wag na tayong pumasok.” mahinang sabi niya, lumunok pa ito ng laway niya. Malalim rin ang bawat paghinga niya. Alam ko na ang gusto niya.

Behind the SinWhere stories live. Discover now