Chapter 11

25 2 0
                                    

Bakit ba nandito 'to? Bakit hindi niya kasama si Janelle? Ano bang pumasok sa kukote niya at nandito siya sa condo ko? Ang alam ko ay may event pa silang pupuntahan at si Janelle na naman ang kapares niya. Kalat lagi ang galaw nila sa media, laging may nakasubaybay kaya halos updated rin ako sa nangyayari sa buhay niya.

"Daniella," aniya, saka pumasok sa loob ng condo sinara niya rin ang pinto sa likod niya, nakatingin lang ito sa mukha ko, para itong naghahanap ng kung ano.

"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko, my voice barely a whisper. I tried to sound indifferent, pero mas lalo lang sumasakit ang dibdib ko pag nakikita ko siya.

Hindi ka-agad siya sumagot, napatungo siya ng kumunot ang noo ko. Kita ko ang gulat sa mata niya ng bumagsak ang tingin niya sa kamay ko, kung saan may bahid ng dugo ang sleeve ng hoodie na suot ko.

Bakit ba kasi nandito siya? Kung kailan ganito ang lagay ko. Ayokong makita niya akong ganito, ayoko na makita niya akong mahina, baka kaawaan niya ako. Iyon pa naman ang pinaka-ayaw ko, yung nagmumukhang mahina sa harap ng ibang tao. Kahit alam ko sa sarili ko na mahina ako, ayoko pa rin ipakita sa iba.

"Daniella," tawag niya ulit sa pangalan ko pero this time mas marahas na ang boses.

Kinuha niya ang kamay ko na may sugat saka itinaas ang manggas ng suot ko para makita ng maayos ang sugat. Kita ko ang pagsinghap niya ng hangin ng tuluyan na niya nakita iyon, ilang segundo niya 'yong tinitigan habang nanginginig ang mga kamay niya.

"What the hell is this?" Tanong niya gamit ang marahas niyang boses, nahahaluan ito ng galit pero may takot. Marahan niyang hawak ang kamay ko habang ang daliri niya ay sinusundan ang bakas ng sugat do'n, as if hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.

I flinched at his touch, pulling my arm away. "I-It's nothing," I muttered, trying to downplay it, but the look on Damian's face told her that he wasn't buying it.

"Nothing?!" nakagat ko ang ibabang labi ko ng tumaas ang boses niya and then he took a step back, running a hand through his hair in frustration. "Daniella, this isn't nothing!"

Saka niya hinawakan ang kamay ko at tahimik na hinila sa kusina saka lumapit sa lababo para hugasan ang dugo sa kamay ko. Magkasalubong ang kilay niya pero kabaliktaran sa paraan ng paghawak niya sa kamay ko habang hinahaplos niya ng marahan ang sugat ko, para itong takot na masaktan ako. 'Pero nasaktan mo na'ko .' Pagkatapos niya ay pinaupo niya ako sa mesa, saka naghanap naman siya ng first aid kit sa banyo, agad rin naman siyang lumabas habang hawak niya sa kaliwang kamay niya ang gamit.

"Bakit ba ginawa mo 'to sa sarili mo? Ano bang pumasok sa isip mo?" Galit na tanong niya, habang ginagamot ang sugat ko, tumataas rin ang boses niya habang salubong ang kilay niya.

May luhang namuo sa mga mata ko dahil sa mga tanong niya, isama mo pa ang boses niya na tumataas na. Tumungo ako dahil sa hiyang nararamdaman, 'ni hindi ko siya maharap.

"H-Hindi mo ma-i-intindihan," bulong ko, bahagya pa akong na-utal. "You don't know what it's like to feel this way... to be this lost."

Damian's expression softened, the anger fading into something more profound-regret. He stepped closer, his hand tried reaching out to touch my shoulder, pero umatras ako, umiiwas. "I'm sorry, Daniella," he said quietly, his voice trembling. "I'm sorry."

I didn't say anything, her silence speaking volumes. Ang dami kong gustong itanong, ang dami kong gustong sabihin pero para akong nawalan ng boses. Nawalan ako ng lakas na magsalita. Nawalan ako ng kakayahang ilabas ang hinanakit ko, ang tampo ko.

"Please, Daniella," Damian said, his voice raw with emotion. "Talk to me, Please."

Ano pa ba ang gusto niyang pag-usapan namin? Ano pa ang pag-uusapan namin, e, wala na rin naman na kaming relasyon, hindi ko rin naman ipagkakalat 'yon dahil ako rin ang masisira. Bakit nga ba ngayon lang siya? Kung kailan pasuko na ako? Kung kailan balak ko ng sumuko sa kaniya, sa buhay, sa sarili ko?

When I have enough courage, I finally looked at him, my eyes filled with tears.

"A-Ano bang gusto mong pag-usapan natin?"

"About us." aniya, "About you for not wanting me, about you for not fighting for me, about you for not taking the risk. Kagusto-gusto lang ba ako? Hanggang doon lang ba ako, Daniella? "

"B-Bakit ikaw? K-Kaya mo ba akong i-paglaban, D-Damian? Kaya mo bang iwan si J-Janelle para sa'kin? Kaya mo ba akong i-pagmalaki? Kaya mo bang i-sigaw sa mundo na m-mahal mo'ko? Kaya mo ba K-Kuya Damian?" I said softly, while tears are sliding down to my cheeks. "There's so much between us... so much pain and consequence, if we continue this. So I'm asking you, kaya mo ba? Lalo na at may iniingatan ka ng reputasyon." naiiling ko pang sabi habang nakatingin sa mga mata niyang sa'kin lang nakatutok.

"Wala kang tiwala sa'kin, Daniella?" hindi makapaniwalang tanong niya, kumunot pa ang noo saka umiling. "Noon pa man ay kaya na kitang ipaglaban, kaya ko na ipagsigawan sa buong mundo na mahal kita, kaya kitang ipagmalaki, hindi mo na kita yon, Daniella?" mahinang tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko. "Hindi mo ba ramdam? Kulang ba? Hindi ba kuntento-hindi ba sapat?" nanghihinang tanong niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 31 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Behind the SinWhere stories live. Discover now