Dalawang araw na simula ng humingi ako ng break kay Kuya, mabigat sa pakiramdam, sobrang sakit. Kahit na halos dalawang linggo lang naging kami ay mas minahal ko siya, minahal ko siya ng higit pa sa pagiging magkapatid namin.
Simula non ay halos gabi gabi na akong umiiyak, nakakatulugan ko na nga ang pag iyak. Simula non ay hindi ko pa siya nakikita, nasa iisang bahay lang kami pero hindi pa kami nagkakasalubong simula nung break namin. Kung ganon ba talaga ang tawag doon.
Ayaw pa ngang pumayag ni Kuya sa break na hinihingi ko. Sa loob ng dalawang araw na pag iwas ko sa kaniya ay siya ring pagkatok niya sa pinto ko. Hindi na rin kami sabay pumasok sa school, nagpapasundo ako sa kaibigan ko. Hindi ko pa nasasabi sa kanila ang problema ko, pero sigurado akong may mga alam na sila, at dahil nga hatid sundo ako ni Kuya sa loob ng dalawang linggo na 'yon, nagsisimula ng may mamuong chismis dahil sa mga kaklase namin na hindi talaga ako tinantanan ng tanong.
Nagsimula sa away, ampon, hanggang dumating sa puntong selos na ang dahilan ng chismis sa amin. Sa dalawang linggo kasing iyon ay halos sabay kami lagi ni Kuya. Minsan pa ay halos wala ng makalapit na lalaki sa akin dahil sa mga tingin na ibinibigay niya at mga kilos na dapat ay magkasintahan lang ang gumagawa, kahit pa mga kaklase ko na lalaki ay hindi makalapit sa akin.
Sa dalawang araw na iyon ay halos hindi ako makapag focus sa pag aaral ko. Bumaba ang mga marka ko sa lahat ng subject, kahit na yung nga major na pinag-e-effortan ko ay bumaba rin.
Kinakabahan pa ako dahil mamaya ay darating na sina Mama, hindi ko alam kung paano sila haharapin ng hindi nagpapaapekto kay Kuya. Nasa kwarto ako ngayon at nakakulong, hindi pa ako handa na harapin si Kuya. Nahihiya ako. Hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan.
Hindi ko na maalala kung paano ko pakitunguhan si Kuya ng hindi pa nagsisimula ang relasyon na nais namin. Kahit na alalahanin ko ay hindi ko na matandaan.
Nang makaramdam ako ng gutom ay bumaba ako para kumain, kahit na hiwalay na kami ni Kuya ay pinagluluto niya pa rin ako, kahit hindi kami nag uusap, minsan ay madadatnan ko nalang na may pagkain na sa mesa para sa akin, kinakain ko naman 'yon dahil sayang kung hindi ko papakealaman, ngunit ng makating ko ang kusina ay wala akong naabutan na pagkain sa mesa kaya naman tinignan ko ang ref dahil baka doon inilagay ni Kuya ang pagkain ngunit wala akong nakita kahit na ano kaya naman no choice ako kung hindi magluto.
Pero may problem, hindi ako marunong. Hindi ko gusto ang pagluluto. Masakit sa balat ang tilamsik ng mainit na mantika. Dati ay sinubukan ko na magluto pero mainit na mantika lang ang natikman ng balat ko, prito lang naman ang niluluto ko pero sunog pa ang kinalabasan. Muntikan pa ngang masunog ang bahay dahil ang lakas ng apoy sa kalan. Kumain lang talaga ng kaya ko.
Nanlulumo akong napaupo sa upoan ng dahil sa kawalan ng magawa, gutom na rin ako. Napatungo pa ako sa mesa dahil sa panghihina.
“Gutom na ako.” mahinang sabi ko.
“What are you doing?”
Napaangat ang ulo ko ng may magsalita sa likod ko, nang tignan ko iyon ay kita ko si Kuya na nakasandal sa pinto habang nakacross ang paa at kamay. Seryoso itong nakatingin sa akin, kaya naman nag iwas ako ng tingin. May kung anong bumara sa lalamunan ko kaya naman lumunok ako, ang bilis din ng tibok ng puso ko. Samahan mo pa ng mabigat na pakiramdam. Naluluha rin ako kahit tignan ko lang siya.
Namiss ko ang boses niya, kung paano niya ako tignan, yung ngiti niya, yung mga ginagawa niya para sa'kin, lahat. Miss na miss ko na siya. 'Miss na kita.' gusto kong isatinig iyon, pero takot ako. Takot akong sumugal, takot ako sa sasabihin ng iba, sa sasabihin nila Mama, ng mga kaibigan ko, mga kaibigan niya. Paano kung husgahan nila kami? Paano kung pandirihan nila kami? Sa takot ko na sumugal sa relasyon namin, pag iwas nalang ang kaya ko.
“W-wala.” tumayo ako at akma na sanang aalis, pero napatigil ako ng tumayo siya ng tuwid at naglakad papalapit sa akin. Umiwas ako ng tingin ng huminto ito sa harap ko.
“Let's talk.”
Magsasalita na sana ako ng tumunog ang tiyan ko. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko dahil sa pagkapahiya, kaya naman tumungo ako at tumalikod sa kaniya.
“I'll cook you food, let's talk after.”
Wala akong nagawa kung hindi tumango habang nakatalikod sa kaniya, dahil gutom na ako hindi ko kailangan ng pag iinarte ngayon. Nang maramdaman ko siyang umalis na sa likod ko ay dahan dahan ulit akong napaupo.
Nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya ng maghanap siya sa ref ng pwedeng iluto, dahil hindi niya ako kita ay malakas ang loob ko ngayon na tignan siya.
“Anong gusto mong kainin?” tanong niya ng hindi tumitingin sa akin. 'Ikaw' napailing ako dahil sa naisip ko. Nang hindi ako sumagot ay tumingin ito sa akin kaya naman agad akong napaiwas ng tingin.
“A-ano, kahit wala,” natatarantang sagot ko.
“Ano?” naguguluhan tanong niya, kumunot pa ang noo.
“I-i mean, kahit ano.” Ilang segundo pa niya akong tinignan saka na ulit naghanap ng iluluto niya, nang makahanap siya ay pumunta ito sa lababo para hugasan iyon. Dahil sa pwesto niya ay likod nalang niya ang kita ko.
Iyon ang paborito ko sa katawan niya, pero takot ako na baka iyon nalang lagi ang makita ko. Lumunok ako ng ramdam ko ang pagbara ng kung ano sa lalamunan ko, pero hindi iyon naalis doon, nakagat ko pa ang pang ibabang labi ko dahil ramdam ko ang panginginig noon, naluluha na rin ako. Sa takot na makita niya akong ganon ay tumayo ako.
“M-maliligo lang ako sandali.” paalam ko sa kaniya at tumalikod na para umalis.
“Come back, Daniella.” rinig kong sabi niya. “Come back to me.”
YOU ARE READING
Behind the Sin
RomanceWarning: 🔞 (This story is not suitable for young readers.) A son and a daughter doing something behind their parents back. A nasty things that only a lover are allow to do. That thing is only stranger are allow to do and not siblings. How would th...