It's been months since pinatira ako ni Mama sa condo. Hindi ko na nakita si Kuya since then, dahil siguro nagfocus siya sa pag aaral, hindi ko alam. Simula non hindi pa kami nakakapag usap ni Kuya, alam ko rin na hinahiwalay kami ni Mama, para na rin siguro 'yon sa kapakanan ng pamilya namin.
Ngunit kahit ilang buwan pa ang lumipas ay meron pa rin sa parte ko ang nagsasabi na kumapit ako, kahit alam ko na mali.
Sa nakalipas na mga buwan pilit kong kinakalimutan ang namagitan sa amin ni Kuya, pinipilit ko na kalimutan yung nga pinagsamahan namin, yung mga memorya namin. Kahit mahirap ay pinipilit ko pa rin na magmove on.
Ang haba ng usapan na nangyari dahil sa mga sitwasyon namin. Ang laking gulo non sa parte nila Mama, kaya nakakakunsensya. Ang laking damage din non sa pamilya namin. Halos hindi na kami magkita kita sa personal dahil sa nangyari, may halong ilang, hiya at takot ang naramdaman ko noong magkasama kami dahil sa Family gathering.
Kaya nang dumating ang Birthday ni Mama ay binati ko nalang siya through video call, hindi na ako nagpakita dahil nahihiya pa rin ako pero may pinadeliver rin naman ako na bouquet at maliit na cake, para sa regalo. Nahihiya pa rin kasi ako kahit ilang buwan na ang nakalipas.
Sa loob ng dalawang linggo na relasyon namin ni Kuya, na realize ko na ang swerte ng magiging asawa niya, hindi dahil gwapo siya kundi dahil sa mga kaya niyang gawin halos siya na kasi ang gumawa lahat ng gawaing bahay, marunong din siyang magluto, masarap pa. 'Hindi lang sa pagluluto.'
Ang laking gulo ang nagawa ng relasyos namin sa pamilya. Isang linggo din akong hindi pinansin ni Mama non. Kita ko rin ang bahagyang pag iwas sa akin ni Papa, kahit na ngitian niya ako at kausapin ay kita ko pa rin ang pag iwas niya noon.
“Ano? Payag ka ba?” tanong sa akin ni Kyle.
Nabalik lang ako sa ulirat dahil sa tanong niya. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil hindi ako nakikinig sa kaniya. Nahihiya naman akong tumingin sa kape na nasa harapan ko.
Naging magkaibigan kami ni Kyle noong nakaraang dalawang buwan, kahit na magkaklase kasi kami noon ay hindi kami masyadong close sa isa't isa, kahit na nag uusap kami. Halos kasi tungkol sa project at school work lang ang pinag uusapan namin. Pero noong naghiwalay sila ng girlfriend niya ay bigla itong lumapit sa akin. Kung nagtataka kayo kung paano ko nalaman, e dahil kalat na iyon sa school. Hindi ko nga lang alam kung sino ang girlfriend niya. Hindi ko na rin naman gusto malaman noon dahil may sarili rin akong problema.
“Ang dami dami kong sinabi hindi ka nakikinig?” hindi makapaniwalang tanong niya, umiiling pa ito at uminom ng sariling kape.
“Sus, tungkol sa babae lang naman ang kinukwento mo.” pang aasar ko pa sa kaniya.
Tinignan naman niya ako ng masama at pasiring na inalis ang pagkakatingin sa akin, tinignan niya ang kape sa harapan niya at bumuntong hininga.
“Hindi.” seryosong sabi niya.
Tinignan ko naman siya dahil minsan lang siya magseryoso. Halos pang aasar at pang gugulo lang kasi ang ginawa niya sa'kin sa loob ng dalawang buwan na magkaibigan kami, siya lang naman ang nagpumilit na maging kaibigan ako.
“Ano bang problema?”
“Hindi pa rin kasi ako makausad.” mahinang sabi niya. Umiling pa siya at bahagyang hinilamos ang kamay sa mukha niya. “Hindi ko alam kung makakausad pa ba ako.”
“Sino ba kasi yang ex-girlfriend mo?” naiiling na tanong ko. “Maganda ba?”
“Sobra.”
“Mas maganda pa sa akin?” tanong ko, ipinatong ko pa ang dalawang siko ko sa mesa at inilagay ko ang baba ko sa dalawang kamay ko, saka ako nag beautiful eyes sa harap niya, bahagya pa akong ngumiti.
Ilang segundo pa niya akong tinignan saka siya ngumiti sa akin. “Oo.” nakangiti niyang sagot saka ginulo ang buhok ko.
“Hindi na nga ako maganda, ginulo mo pa ang buhok ko.” sabi ko habang nakatingin ng masama sa kaniya. “Sobrang panget ko na niyan sa harap mo.”
Tumawa lang siya dahil sa sinabi ko. Iyon lang ang ginagawa ko para pagaanin ang loob niya. Kahit na alam kong tumatawa siya ay alam kong masakit pa rin sa kaniya ang hiwalayan nila ng girlfriend niya, kita iyon sa mga mata niya. Kahit naman kasi maghiwalay kayo ng taong mahal mo, hindi mo pa rin alam kung kailan ka makakamove on, hindi mo alam kung kailan maghihilom yung sugar sa puso mo, kung kailan ka makakausad, walang kasiguraduhan lahat ng iyon. Minsan nga ay hindi ka na makakausad, hindi mo pa rin kayang i-on ang green light dahil may parte pa rin sayo ang umaasa.
Umaasa ka pa rin dahil nasanay ka na nandyan siya lagi sa tabi mo. Naghihintay kapa rin ng closure, yung closure na hindi niyo naibigay sa isa't isa.
'But no closure is still a closure. No response is still a response.'
Kaya matuto tayong muusad, dahil hindi lahat ng nagsisimula, nabibigyan ng katapusan.
Napatingin ako sa kaniya ng marinig ko ang malalim niyang paghinga. Seryoso itong nakatingin sa kape niya at mukhang malalim ang iniisip.
“Lalim niyan, ah.” pang aasar ko sa kaniya. Madalas siyang ganito kapag naaalala niya yung ex-girlfriend niya.
“Bakit nasisid mo?”
“Ha?” natatangang sagot ko, pinakatitigan ko pa siya at kinunutan ng noo.
“Wala, ang bobo mo.” pabalang niyang sagot.
Tinignan ko naman siya ng masama pero naalis din agad ng magring ang cellphone ko.
“Ang ganda.”
“Talagang maganda ak—” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil ng tignan ko siya ay hindi naman siya nakatingin sa akin.
Nakatingin ito sa pinto ng cafe na kinauupuan namin. Nakatalikod kasi ako sa pinto ay siya ang nakaharap doon. Nang akma ko na itong titignan ay hinawakan niya ang pisngi ko at inayos pa niya ang ilang buhok ko sa mukha, nakangiti niya iyon ginagawa, kaya naman kumunot ang noo ko.
“Anong palabas yan?” tanong ko, masama ang tingin sa kaniya at pilit inaalis ang kamay niya sa mukha ko.
“Shh, ganyan ka lang.” pagbabawal niya sa akin habang nakangiti. “Nandito ex ko, kaya magpanggap ka muna, ililibre kita mamaya.”
“Sige ba.” sabi ko sabay hawak sa kamay niya, ngumiti pa ako ng sobrang tamis dahil libre na naman niya.
“Kahit wag ka ng ngumiti, hindi ka naman niya kita.” sabi niya, kita ko pang bahagyang napalitan ng ngiwi ang kaninang ngiti niya pero agad din iyong bumalik sa pagkakangiti.
“Shh, libri 'to.” saway ko sa kaniya.
Hindi ko tuloy maiwasang tumingin sa labas ng coffee shop, dahil nga salamin ang pader non ay kita ang mga sasakyan at tao sa labas noon.
Kita ko rin si Kuya na seryosong nakatingin sa gawi namin. Madilim ang mukha at gumagalaw pa ang panga. Nang masalubong ang mata namin ay tumalikod ito at naglakad na palayo.
YOU ARE READING
Behind the Sin
RomanceWarning: 🔞 (This story is not suitable for young readers.) A son and a daughter doing something behind their parents back. A nasty things that only a lover are allow to do. That thing is only stranger are allow to do and not siblings. How would th...