“Hindi na ako babalik sayo.” pinatigas ko ang boses kahit tumutulo na ang luha sa mga mata ko. Ang sakit. Hindi ko siya kayang ipaglaban. Takot na takot ako.
“Hindi mo ba ako minahal, Daniella?”
Lumunok ako dahil sa tanong niya. 'Mahal kita.' gusto kong sabihin iyon, gustong gusto. Pero hindi pa ako handa sa mga sasabihin ng iba. Hindi ko kayang mag take ng risk para sa kaniya. Mukha tuluy ang babaw ng pagmamahal ko sa kaniya, pero hindi ganon iyon. Takot lang ako.
“Hindi mo ba ako kayang mahalin, kaya iniwan mo nalang ako?” rinig kong sabi niya. “Mahirap ba akong mahalin? Okaya, hindi ako kamahal mahal?”
Parang nadudurog ang puso ko dahil sa mga tanong niya. Sa tinig ng kaniyang boses ay para itong nanghihina. Desperadong makakuha ng sagot.
“Hindi ganon iyon.” lumambot ang boses ko dahil sa mga tanong niya, kumikirot ang puso ko dahil sa mga sinasabi niya. Parang ang baba ng tingin niya sa sarili niya.
“Kung ganon bakit ang dali sayong iwan ako?” nanghihinang tanong niya.
Nang humarap ako sa kaniya ay kita ko ang luha sa gilid ng mga mata niya, mas lalo akong napaiyak dahil sa mukha niya, para itong batang nakatingin sa'kin, nanghihingi ng sagot kung bakit ko siya iniwan.
“Anong dahilan mo bakit iniwan mo'ko? Ipaliwanag mo naman sa'kin, oh.” mahinang tanong niya. Halos magmakaawa na siya, makakuha lang ng sagot. “Dahil ba magselos ako? Kung ayaw mo non iiwasan ko ng magselos. Iiwasan ko lahat ng ayaw mo, bumalik ka lang sa'kin, please, Daniella.”
“Anong nangyayari dito?” natigilan ako ng may nagtanong sa likod ko kaya naman kinakabahan akong humarap dito, para akong kakapusin ng hininga, ang bilis ng tibok ng puso ko.
“M-mama,” mahinang sabi ko, kita ko ang kaguluhan at pagtataka sa mukha nila ni Papa.
“Anong selos? Anong bumalik? May relasyon ba kayo?” sunod sunod na tanong niya, nakakunot pa ang noo.
Palipat lipat ang tingin niya sa amin ni Kuya. Dahil sa kaba at kawalan ng sasabihin ay nakagat ko ang ibabang labi ko, ramdam ko pa ang panginginig non. Mas lalong napapaiyak dahil sa nangyayari. Kakasabi ko lang na takot akong malaman nila, sa sasabihin nila, nangyayari na ang kinakatakotan ko.
“Ano bang nangyayari sa inyo?” nagtatakang tanong pa ni Mama. “Bakit hindi kayo sumagot?” tanong niya ng walang nagsalita sa'ming dalawa ni Kuya. “Damian?”
“M-mama.”
Tumingin ito sa akin ng marinig niya ang mahinang pagtawag ko sa kaniya. Bumuntong hiningan ito at lumapit sa akin, nang marating niya ang pwesto ko ay marahan niyang pinunasan ang luha sa mga mata ko.
“Ano bang nangyayari sa inyo? Ang sabi niyo ay hindi kayo nag aaway.” mahinang sabi niya habang pinupunasan ang mukha ko gamit ang sarili niyang mga kamay.
“Damian, let's talk.” rinig kong sabi ni Papa.
Tinignan ko si Kuya ng dumaan siya sa pwesto namin. Seryoso ang mukha niya habang nakapamulsa, kita ko pa ang bahagyang pagsilip niya sa akin, kita ko rin ang bahagya niyang pag ngiti ng makita niya akong nakatingin. Nang mawala sila sa kusina ay rinig ko ang pagbukas at saka ng pinto.
“Ella, ano ba ang problema niyo ng Kuya mo?” mahinang tanong ni Mama, napatungo ako at nagsisimula na namang maiyak.
“I'm sorry, Ma.” paghingin ko ng tawad, nagsimula na namang akong umiyak. “I'm s-sorry po.”
“Bakit ka ba humihingi ng tawad?” tanong niya, hinawakan pa niya ang balikat ko at dahan dahang pinaupo. “May relasyon kayo ng Kuya mo?”
Nahigit ko ang hininga ko at natitigilang napatingin sa kaniya. Nakatingin lang si Mama sa'kin parang binabasa niya ang reaksyon ng mukha ko.
“May relasyon kayo.”
Hindi na yon tanong. Alam na niya sa reaksyon ko palang. Parang siguradong sigurado na siya na meron nga kaming relasyon ni Kuya. 'Na totoo naman.' Mas lalo akong napaiyak dahil sa kahihiyan.
“I'm s-sorry po.” humihikbing sabi ko, tumungo ako at hinawakan ang kamay niya. “I-i'm sorry M-mama.”
“Ano ka ba naman!” sigaw niya sa akin, napatayo pa ito at nagpalakad lakad sa harapan ko. “Kuya mo 'yon—ano bang ginagawa niyo!”
“S-sorry po talaga, h-hindi ko po sinasadya.” umiiyak kong sabi, nakatungo lang ako at hindi masalubong ang galit niyang mga mata. “H-hindi ko po talaga s-sinasadya.”
“Hindi sinasadya?” hindi makapaniwalang tanong niya “Ano bang pumasok sa kukote niyo at ginawa niyo yan!”
Galit na galit si Mama, buti nga at hindi nananakit. Hindi naman talaga nananakit si Mama pero dahil ang laking kasalanan 'to baka hindi na maiiwasang masaktan ako.
“May kutob na ako, eh.” mahinang sabi niya, parang hindi pa rin makapaniwala. “May kutob na ako na may nangyayari na dito sa bahay. Sa mga kilos niyo palang.”
Hindi na ako nagsalita dahil baka lalo lang magalit si Mama sa'kin. Baka ano pa ang masabi ko. Lumunok ako at lalong napatungo, nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa panginginig non, nakatingin lang ako sa mga kamay ko, pinaglalaruan ang kuko ko. Gumagalaw pa ang balikat ko dahil sa pag iyak. Ito ang hindi ko gusto. Ito ang kinakatakotan ko. Nangyayari na.
Rinig ko ang buntong hininga ni Mama ng tignan ko siya ay nakapamewang na ito sa harap ko. Seryosong nakatingin sa akin.
“Sa condo naka muna.” mahinang sabi niya. “Doon ka muna umuwi.”
“P-pero—”
“Wag ka nang umangal.” mariing sabi niya, kita ko ang gigil at pagtitimpi ni Mama sa akin, tinaasan pa niya ako ng kilay, kaya naman umiwas ako ng tingin, tinignan ko ulit ang naglalarong kamay ko. “Pagdatingin ng gabi ay mag impake ka na, ipapahatid kita sa Papa mo bukas na bukas.”
Tumango at mas lalong napaiyak dahil sa kawalan ng magawa, kasalanan ko rin naman 'to.
“S-sige po.” humihikbing sabi ko.
“Ipapasundo rin kita sa Sabado. Pupunta tayo sa Family gathering na inaasikaso ng tita mo.” napabuntong hininga ito at napasuklay pa ng buhok gamit ang sariling kamay. Problemadong problemado. “Iyon ang dahilan ng pag uwi namin dito pero iba ang nadatnan namin.” naiiling pang sabi niya.
YOU ARE READING
Behind the Sin
RomanceWarning: 🔞 (This story is not suitable for young readers.) A son and a daughter doing something behind their parents back. A nasty things that only a lover are allow to do. That thing is only stranger are allow to do and not siblings. How would th...